Chapter 27: Her

45 6 0
                                    

A/N: #OTWOLTORN hehehehe!!! Mahabang update!


♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Mabilis ang takbo ni Cedric patungo sa Emergency Room wala siyang pakialam kung natatabig niya ang mga taong kanyang dinadaanan basta makarating lang siya kay Alyna.

Unang nakakita sa kanya ay si Inigo na inisang hakbang lang siya at binigyan ng isang malakas na suntok na nagpataub kay Cedric.

Hindi siya lumaban at tinanggap lang ang suntok sa kanya ng lalaki. Walang umawat sa kanila pati si Quinn, galit ang nakikita niya sa mukha nito.

Napagod sa kakasuntok sa kanya si Inigo at napaupo ito sa tabi niya. Walang nagsalita, hindi na nila kailangang gatungan pa ang maliit na apoy na nagsisimulang umusbong sa puso ni Cedric.

Bumukas ang pinto ng Emergency Room at lumabas and doctor at inalis ang suot nitong facial mask. Lumapit silang lahat.

"Dok" sambit nilang lahat.

"Doctor, kumusta na po ang kaibigan namin?" Quinn

"Kailangan kung makausap ang mga magulang ng pasyente." ayon ng doctor at dumating naman sina Enrique at Milagros.

"Doctor kumusta na ho ang lagay ng aming anak?" tanong ni Milagros.

Ngumiti sa kanila ang doctor at "Ayos na ang lagay ng inyong anak. Huwag niyo ho siyang piliting magsalita dahil sa namamaga ang kanyang lalamunan sanhi ng pagkasakal sa kanya..." 

Napaiyak ang lahat ng mga babae at pati na rin si Enrique. Hindi niya lubos maisip kung bakit nangyayari ito sa kanyang anak na babae. Simula ng makilala niya ang katulad ni Cedric ay puro na lang kamalasan ang naranasan ng kanyang anak. Naghihimagsik ang kanyang kaluoban at hinarap si Cedric pero agad namang pinigilan ni Milagros. Sina Hunter, Chase, Julian at Riley ay lumakad papalapit kay Cedric at tumayo sa harapan nito. 

"Enrique, hindi ito ang tamang panahon para diyan. Doctor pwede na ho ba naming makita si Alyna?" malumanay na tanong nito sa doctor.

"Ililipat na namin siya sa isang bakanteng kwarto..."


Marami pang sinasabi ang doctor sa kanila pero wala doon ang isipan ni Cedric. Nagkaroon siya ng flashes mula sa nakaraan, kung saan noon ay nasa isang ospital rin siya at ganito rin ang mga eksena pagkatapos ay biglang nagshift sa isang abandonadong warehouse, may lalaking nakabitin sa kanyang harapan at pinagsusuntok niya ito ng pinagsusuntok at biglang sumakit na lang bigla ang kanyang ulo at sumigaw siya sa sakit. Nagulat sila Quinn sa sigaw ng kanyang kapatid sapo sapo nito ang kanyang ulo at bigla na lang itong nawalan ng malay.

"Pare!" Dinaluhan siya ng barkada at ng nurse. 

"Kuya, what's happening to you? Not you too? Julian si Kuya!!" umiiyak na sambit ni Quinn sa katipan.

Nasa iisang kwarto lang ang dalawa sina Alyna at Cedric. Nakaupo silang lahat kahit saang banda.

Si Iñigo ang nagpaliwanag sa mga magulang ni Alyna. "Wala hong kasalanan si Cedric sa nangyari kay Alyna. Stalker po niya si Michael Fortalejo isang special child po. Pauwi na sana ho ako ng may nakalimutan ako sa may library na libro kaya bumalik po ako at narinig ko na lang ang sigaw ni Alyna kaya tumakbo po ako sa may madilim na hallway at naaninag ko ho doon si Michael nasa ibabaw ni Alyna at sinasakal po siya..."

Hinawakan ni Milagros ang nanginginig na kamay ni Enrique at malumanay na hinahaplos haplos ito. Hindi pa rin nawawala ang tensyon sa katawan ng asawa nito. "Enrique, huminahon ka please para kay Alyna." 

I Got A Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon