Chapter IV: Secret Love

150 7 0
                                    

Hindi maipinta ni Quinn ang mukha niya habang kasama sa pamimili si Julian. Naiirita siya sa mga sales lady at mamimili dahil panay ang tingin nito kay Julian at hello wala kaya siyang pakialam sa lalaking ito at hindi siya nagseselos.

Kaya pinapahirapan niya talaga si Julian sa kakaikot sa mall at bitbit pa nito ang sangkatutak na grocery bags pero nakangiti pa rin ito. Namimili siya ng shoes at pasulyap sulyap siya kay Julian na nakaupo sa waiting bench. Alam niyang pagod na ito at walang interest sa shopping pero hindi niya akalaing magtatagal ito kasama siya. Maaawa na sana siya pero may lumapit na seksing babae at ayun ang ulol pumatol.

"Ah, kinausap niya talaga. Babaero. Bahala ka makaalis na nga lang." at umalis na nga siya at dumiretso kina Alyna.

"Hi Julian, kamusta ka na? You look great." ani bigla ng seksing babae.

"Wow ikaw rin mas lalo ka pang sumeksi." Hindi niya maalala kung ano ang pangalan ng babae but isa siyang gentleman at hindi mo sasabihin yun.

Tinitigan siya nito at napansin nito ang mga grocery bags na nasa tabi nito.

"Is there a girlfriend somewhere?"

Pagkabanggit nun ng babae aya agad tumayo si Julia na dahil matangkad agad niyang hinanap si Quinn pero wala ito kahit saang sulok ng shoe store.

"Patay kang bata ka! Sige aalis na ko." Mabilis niyang dinampot ang mga pinamili at dumiretso sa kotse niya. Iniwang nakangiti ang babaeng seksi.

"I wouldn't believe if I didn't see it Julian James, your falling inlove" At lumakad na ito paalis ng store.

"Ay ang sweetheart ko talaga napaka selosa!" bulong niya sa sarili habang nagdadrive..

 Dumating si Quinn sa bahay ng mga Sta. Maria na mukhang galing sa away dahil nakasimangot ito pero hindi nakalimutang magmano sa mga magulang ni Alyna na pangalawang pamilya na rin niya.

"Nag-away ba kayo ng boyfriend mo Quinn?" tanong ni Milagros na naghihiwa ng karne na gagawing Afritada nakamasid lang si Alyna na may dalang libro.

"Tita hindi ko ho boyfriend ang jerk na yun."

Nagkangitian ang mag-ina dahil todo deny pa rin si Quinn sa nararamdaman niya kay Julian.

And speaking of the devil ay dumating na nga ito bitbit ang mga grocery bags niya.

Humarap sa kanya si Quinn na nakapameywang pa. Sa mata ng nakakakita mukha siyang nagging housewife na mas lalong ikinalapad ng tuwa sa mukha ni Julian.

"Salamat at naalala mo pang ibalik ang mga ito. Ibaba muna lang diyan at pwede ka ng umalis at salamat sa lahat." sarkastikong sabi nito kay Julian.

"Ok. Gud evening po. Sige aalis na ako sweetheart, sweet dreams.

Sa gulat ng marami pati si Quinn ay hindi nakareact.

Hinalikan kasi siya ni Julian sa may lips.

"Good night po. Aalis na po ako."

Pagkaalis ni Julian ay walang gustong magsalita.

Pumasok si Enrique sa kusina.

"Oh bakit ang tahimik niyo?"

"Matutulog na po ako. Hindi na po ako kakain." sabay talikod sa kanila.

"Anong nangyari dun at parang nakakita ng multo?" tanong ulit nito.

"Hay naku naalala ko tuloy yung first kiss nating dalawa. Nakakakilig."

"Talaga, eh di ulitin natin Mahal."

Nagpreno agad si Alyna sa mga magulang.

"Ma, Pa, mamaya na lang yan. Gutom na po kami.

Bago umalis si Enrique ay ang lagkit ng tinginan ng dalawa tuloy si Alyna na lang ang tumaboy sa Papa niya palabas ng kusina baka anong gawin sa Mama niya makalimutan pang magluto.

 "Nasabi ko na ba sayo Alyna na ang Papa mo ang pinakaromantic na lalaking nakilala ko." simula ng Mama niya.

"Opo Mama araw-araw kaya kayong nagkukwento sa kin."

"Nung nasa highschool pa lang kami, ang dami ng babaeng nagpapacute sa kanya. Noon naka reading glasses pa yun nerd kasi pero hindi ko mawari kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya na hindi naman siya naglalaro ng basketball o ano pa mang sports.

Alam mo ba Alyna kahit noon ang mga babae na ang nagtatapat ng pag-ibig sa mga nagugustuhan nilang lalaki at marami na silang nagtapat ng pag-ibig rito through love letters pero hindi naman binabasa ni Enrique. Marami nga ang nagtataka sa tunay na kasarian ng Papa mo kung lalaki ba siya o bakla." Natatawa mag-isa ang Mama niya.

Naingganyo si Alyna na marinig ang love story ng mga magulang niya kahit ilang beses na itong naikwento sa kanila.

"Noon hindi ko siya pinapansin dahil ang lagi lang laman ng isip ko ay pagkain. Kung anong kakainin ko sa lunch at ano ang snacks ko mamayang hapon, mababaw lang kasi ang tingin ko sa buhay. Basta nakakain ako araw-araw walang problema.

Isang araw lunch break nun nakita ko siyang nakaupo sa lilim ng puno ng mangga na ang tanging baon lang na nakita ko ay mineral water at pancit. Naawa ako sa kanya kaya nilapitan ko siya at binigay ko ang pang lunch ko. Ngumiti siya sa kin at parang lumutang ako sa hangin ang sarap ng pakiramdam ko. Unang beses kong maramdaman ang ganung pakiramdam kaya araw-araw ko na siyang dinalhan ng lunch. Lumipas lang ang panahon nagkagustuhan na pala kami sa isa't-isa ayun hinahanap hanap na ako ng ama mo palagi."

"At nung graduation nagpropose siya sayo! At after 15years of marriage nakabuo kayo ng big happy family!"

"Tama!... Hay ang pangarap ko lang sayo Alyna ay makahanap ka ng lalaking magmamahal sayo ng buong-buo at mahal mo rin siya katulad ng pagmamahal niya sayo. Yung lang ang pangarap ko sayo anak.."

"Alam ko po yun.. Para na nga kayong sirang plaka sa kakabanggit." pajoke niyang sabi sa ina at niyakap niya na ito at pinintahan sa itaas ang kaibigan para alukin ulit ng hapunan.






xoxo...

I Got A Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon