JULIAN JAMES and QUINN ARAGON
************************************************************************
Naabutan ni Julian si Cedric na pinapaandar ang motorbike nito pero ayaw umandar sa tuwa ni Julian.
"Hoy engot halika na." Alam na nito kung saan ito pupunta kundi sa school ni Quinn at Alyna.
Pinipilit pa rin ni Cedric na paandarin ang motorbike nito.
"Hay naku engot ka talaga. Ako na lang ang susundo sa kanila. Oh sige maiwan na kita." bago pa makasagot si Cedric ay pinaharurot na nito ang kotse.
"Bwisit." Hindi tinigilan ni Cedric ito hanggang umandar na nga at mabilis na sinundan ang sasakyan ni Julian.
Pasipol-sipol si Julian habang nagdadrive at nang matanaw niya sina Quinn ay bumusina ito. Kumaway pa ito na pinagtitinginan siya ng mga estudyante na nasa labas ng gate. As usual todo kilig ang mga girls pag may gwapo maliban na lang kay Quinn.
"Good morning Ms. Beautifuls! Saan ang punta niyo at ihahatid ko kayo?" magiliw na sabi ni Julian na ang mga mata ay kay Quinn lang nakatitig.
Hindi sumagot si Quinn at hindi rin tumingin kay Julian. As usual si Alyna ang bridge ng dalawa.
Tumikhim muna ang dalaga bago nagsalita. "Ah sa mall Julian. May bibilhin si Quinn doon tapos uuwi na kami sa amin. Doon matutulog si Quinn this weekend." mahabang paliwanag ni Alyna.
"Ah, ok. Pero hindi darating si Cedric mukhang nasira ang motorbike niya kailangan pa niya yung ipaayos." casual nitong sabi sa kanila.
Pagkabanggit ni Julian ay agad huminto ang motorbike ni Cedric sa tapat ng motse niya.
Napangiti na lang si Julian sa ugali nitong kaibigan niya alam naman niyang hindi si Quinn ang pakay nito. Sinulyapan niya si Alyna na agad namula ang mukha at may ideyang dumaan sa intelihenteng utak nito.
Lumabas ng kotse si Julian. "Oh nandito na pala ang hinihintay natin. Ang tagal mo naman engot."
Inirapan lang siya ni Cedric at nakatuon ang tingin kay Quinn.
"Ah sa..." Pinutol ni Julian ang sasabihin ni Quinn.
"Engot sa mall pupunta si Quinn at ako na ang maghahatid sa kapatid mo, iuwi mo na lang sa kanila sa Alyna." tapos sabay hila kay Quinn sa loob ng sasakyan niya at binulungan si Quinn.
"Hoy ano ba..." sabay layo ng mukha niya kay Julian.
"Wag ka na ngang epal, join with the flow ka na lang" bulong naman nito.
Naiwang nakatulala si Alyna at hindi alam ang gagawin habang si Cedric ay napabuntung-hininga na lang.
Inabot kay Alyna ang isang helmet na atubiling kinuha ito.
"Ah... wag na sasakay na lang ako ng jeep."
"Sakay na. Nakakairita na ang mga babae dito." at pinaandar ang motorbike niya.
Walang nagawa si Alyna kundi sumakay na lang.
Atubili pa siyang yumakap kay Cedric pero ito na rin ang naglagay ng mga kamay niya sa beywang nito.
Pakiramdam ni Alyna sasabog na ang puso niya sa tense pero wala siyang nararamdamang kakaiba kay Cedric. Malamang sanay na ito na niyayakap ng ganito at nadismaya si Alyna sa isiping iyon. Baka nandidiri na si Cedric sa kanya at gusto ng marating ang bahay nila dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng motor nito.
"Gaga ka talaga." bulong niya sa loob ng helmet.
Malaking pasasalamat ni Alyna dahil narating na nila ang bahay nila pero sa malas ay nasa labas ang Mama niya at inanyayahan nitong papasukin si Cedric. Napagkamalan siguro nitong boyfriend niya.
"Ma si Cedric po kapatid ni Quinn. Hinatid po niya ako dito dahil may binili lang sandali si Quinn." bulong niya sa ina ng nasa kusina sila at as usual nanonood ng Naruto ang mga kapatid at Papa niya.
"Alam ko magkamukha kaya sila anak. Pero ang gwapo-gwapo naku ang gandang palihian, sagutin mo na kasi, pakipot ka pa." sabay kurot sa tagiliran niya. Napalakas ang tawa ni Alyna at nagkurutan tuloy ang mga ito.
Naririnig sa sala ang tawanan ng mag-ina at lihim na ngumiti si Cedric na tahimik lang sa sulok na nakaupo at pinapanood ang Naruto. Maingay ang mga batang nanonood sa tv pero naririnig pa rin ni Cedric ang mga tilian ng mag-ina sa kusina.
"Teka lang Cedric pupuntahan ko lang ang mga iyon at kapag ganyan silang dalawa walang meryendang maihahanda." tugon ng ama ni Alyna at nacurious siya kaya nakiosyoso na rin si Cedric. (Well nagpakilala kanina si Cedric dahil mukhang nakalimutan na siya ni Alyna).
"Pasali naman." sabat ni Enrique sa mag-ina.
"Oh Mahal, may crush na pala itong dalaga natin, hindi pa inaamin."
"Ma, wala no." tanggi ni Alyna.
"Eh ano tong boquet of roses na na idineliver dito sa atin ha. At may pa secret admirer pa ang mokong na to"
Nanlaki ang mata ni Alyna.
"Talaga, nasaan na Ma"
Tumaas rin ang kilay ni Cedric. "Baka naman pinagtritripan ka lang nun." Bakit parang nagseselos siya?
Nanlaki ang mga mata ni Alyna at amusement naman ang nasa mga mata nina Enrique at Milagros.
For the first time Cedric Aragon stammered.
"Ah... Ahm... Hindi... Wala... Pasensya na po. Aalis na po ako." diretso siyang lumabas ng bahay at pinaandar ang motorbike niya mabilis pa sa alas-kwatro ay wala na si Cedric Aragon.
xoxo...
BINABASA MO ANG
I Got A Wild Heart
General Fiction"I don't remember who you are but whenever your near, my heart gets so excited I thought it will burst out of my chest, can't breathe. My heart slowly dies whenever I don't see you even for a second, a minute, a day. I know...your very special to me...