Chapter VI: Bad Love

111 6 0
                                    

"Mama, magtatransfer po ako sa susunod na pasukan. Ok lang po ba sa inyo?"

"Mhhmmm. Ok lang pero bakit naman?" tanong ulit ni Milagros.

"Ah,, kasi si Quinn po gusto niyang magtransfer kami sa *SPECIAL A UNIVERSITY* pero wag kayong mag-alala sa tuition fee ko po dahil si Quinn ang bahala."

"Teka yun ba yung pinakasikat na private school dito sa atin Alyna?! OMG makakapasok ka na dun... Mahal! Halika ka nga dito may magandang balita si Alyna!" tawag nito sa kabiyak na hindi maitago ang kasiyahan sa mukha nito.

"Mama naman hinaan niyo po ang boses niyo nakakahiya sa kapitbahay." awat niya sa ina.

Humihingal pa ang ama niya ng pumasok ito sa kusina at mukhang galing pa ito sa likod bahay.

"Ano ba yung magandang balita ha?"

"Well itong anak mo ay papasok na sa Special A UNIVERSITY!" tuwang tuwang balita ni Milagros kay Enrique pero nakablanko lang ang ekspresyon nito.

Napasapo sa ulo niya si Milagros. Nakalimutan nyang walang pakialam ang asawa niya sa mga eskwelahan kundi ang welfare lang ng pamilya ang inaatupag nito. Hindi siya nakapagpigil at kinurot ang gwapong mukha nito.

"Aray! Mahal naman. Sorry na." pinipisil pa nito ang namumulang pisngi at nagpout sa asawa.

"Oi Oi wag mo kong tingnan ng ganyan!" at kinamuyos niya ang mukha ng asawa para ngumiti na ito.

"Ok Ok na. Magbabayad ka sa akin mamaya." isang nakaka ikot ng mata ang expression sa mga mukha ng kanyang mga magulang at pati na ang kanyang ina na namumula nah.

"Well ang gusto lang namin ng Mama mo ay maging masaya ka sa pag-aaral." Yumuko si Enique at binigyan ng mahinang uppercut ang anak. "Do your best."

First day of the 2nd semester nagtransfer ang magkaibigan sa SPECIAL A UNIVERSITY at wala pang nalalaman si Cedric na lumipat ang kapatid sa eskwelahan nila. Parehong nakababa ang magkapatid at napansin niya ang new uniform nito.

"Teka kailan ka pa nagtransfer sa school ko?" tanong nito sa kanya.

Nagkibit lang ng balikat ang kapatid. "Siguro?...Ngayon na!... kasi first day of class namin ngayon ni Alyna. Siyempre hindi ko siya pwedeng iwan...." Naka focus lahat ng attensiyon ni Cedric sa kapatid nung binanggit nito ang pangalang Alyna. Simula nung hinalikann niya si Alyna ay walang oras na hindi iyon inuulit sa kanyang isipan.

"Ano na naman kaya ang laman ng utak mong yan at nagtransfer ka?" (-__-) poker face...

"Matalino kasi si Alyna at masasayang lang ang talinong yun kung sa isang public university lang siya gagraduate di ba. I only thought what's the best for my one and only friend noh." iniwan niya ang kanyang kapatid at nagtungo sa dining area. Sumunod si Cedric pero may ngiti na sa kanyang mga labi at pilit niyang kinokompose ang sarili dahil baka hindi niya mapigilan at mapatalon siya sa tuwa dahil araw araw na niya itong makikita.

"Mhhmmm si kuya talaga tinatago pa." napangiti si Quinn.

Naghihintay na si Alyna sa gate ng school suot nito ang magarang uniform at medyo naiilang siya sa mga taong pumapasok sa school dahil puro mayayaman at ang gaganda pa ng mga ito. Bumabalik na naman ang mga insecurities niya sa katawan. May grupo ng mga estudyante ang lumapit sa kanya at kinilatis siya mula ulo hanggang paa.

Matangkad ang mga ito at napakaiksi ng kanilang mga palda na parang nasa japanese highschool ang mga ito. Hindi naman ito mga kagandahan siguro dahil sa mga make up nila sa mukha kaya mas lalo silang pumangit mas maganda pa siya ng ilang hilamos.

"Your new, and I can't believe nagpapasok sila ng isang babaeng probinsyana. Ang baduy baduy ng style mo gurl. Maganda ka kahit medyo mataba, ako nga pala si Alayne, at ang barkada ko, ikaw anong pangalan mo?" arte nitong tanong na ngumunguya pa ng bubble gum at ang tatlong kasama nito ay wala sa kanila ang tingin kundi sa mga naggagwapuhang lalaki na papasok na rin sa gate ng eskwelahan.

I Got A Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon