A/N: #IGAWHUDMERRY CHRISTMAS AND PROSPEROUS NEW YEAR [greetings in advance]
□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□□
Pinapapunta ni Beth si Alyna dahil laging tinatanong ni Cedric ang dalaga at hindi ito kumakain hanggang hindi niya nakikita ito. Tinawagan niya ang kasintahan pero hindi naman nito sinasagot ang kanyang tawag kaya wala siyang nagawa kundi pumunta na lang.
Hindi na siya pinapayagan ng kanyang mga magulang na gumala kasama ng barkada dahil ayun sa kanila less exposure less harm for her.
Pero nagpumilit pa rin siyang magpaalam sa mga magulang na pupuntahan si Cedric sa kanilang bahay pero hindi parin pumayag ang mga ito.
Nalungkot si Alyna at tahimik lang na pumasok sa kwarto nito. Napapailing lang si Milagros na nakatingin sa asawa. Ngumuso namansi Enrique. "Hindi bagay sayo ang magpacute kaya tigilan mo yan Enrique."
Napakamot sa ulo na lang si Enrique at naiiritang nagpalakad lakad sa harapan ni Milagros. "Intindihin mo naman ako mahal. Natatakot lang ako para sa anak natin. Nag-iisa natin siyang dalaga at ..." Hindi makatapos si Enrique sa sasabihin dahil sa sikip ng kanyang dibdib. Nilapitan naman siya agad ni Milagros at niyakap, hinahaplos haplos ang likod ng asawa. "Hindi na sa atin mga kamay nakasalalay ang kapalaran ng ating dalaga mahal. Marunong na siyang mag-isip at sinasabi nito na puntahan si Cedric. Ang sabihin mo nagtatampo ka dahil hindi na ikaw ang laging inuuna ni Alyna. Hindi na ikaw ang laging nayayakap at nakakausap. Mhm... seloso mo talaga. Kung ako ang tatanungin mo botong boto ako kay Cedric para sa anak natin kahit ano pa ang mangyari may tiwala ako sa anak natin at kay Cedric."
Tahimik pa rin si Enrique. Hinawakan niya ang mukha ng asawa at inilapit sa kanya. "Kung ako ang tatanungin sayo ko parin ibibigay ang mga yakap at halik ko. Mahal na mahal kaya kita" dahil dun ay napangiti na rin si Enrique. "Mahal na mahal rin kita until eternity"
Maghahalikan na sana ang dalawa nang dumating na sa bahay ang mga makukulit nilang anak. "Oh siya puntahan mo na lang ang dalaga mong nagtatampo sayo"
Matapos na yakapin at halikan ang dalawang anak niyang lalaki ay umakyat na siya sa itaas patungo sa kwarto ni Alyna. Kumatok muna siya bago pumasok. Nadatnan niya ang anak na nag-aaral kahit sabado bukas. Nakatayo lang siya sa pintuan at nagtitigan ang mag-ama. Unti unting sumilay ang ngiti ni alyna.
"O sige pumapayag na akong puntahan mo siya pero... kung... may mangyari man... dapat panagutan ka talaga niya dahil kung hindi patay siya sakin!"
Napatawa na lang si Alyna at yumakap sa ama.
"Mahal na mahal talaga kita Papa"
Nagbuntung hininga na lang si Enrique at niyakap ng mahigpit ang anak.
"Mag-ingat ka ha at tawagan mo ko kung nakarating ka dun ng maayos."
"Opo Papa"
×××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××
Sinalubong ni Beth si Alyna sa may gate at masayang niyakap nito ang dalaga.
"Maraming salamat talaga Alyna ha. Buti at pinayagan ka ng Papa mo. Naku kung di lang talaga sumusumpong ang katok ng ulo ni Cedric ay hindi na kita aabalahin."
"Ok lang po yun tita. Pero bakit hindi po niya sinasagot ang tawag ko po?"
"Hay naku ayun hinagis niya ang iphone sa pader parang bata"
BINABASA MO ANG
I Got A Wild Heart
General Fiction"I don't remember who you are but whenever your near, my heart gets so excited I thought it will burst out of my chest, can't breathe. My heart slowly dies whenever I don't see you even for a second, a minute, a day. I know...your very special to me...