Chapter I : Prince Charming

800 10 1
                                    

Unang ring pa lang ng bell ay mabilis pa sa alas-kwarto na nagsilabasan ang mga estudyante sa classroom. Pakime na inayos ni Alyna Sta. Maria ang mga books niya papasok sa bag nito. Nilapitan siya ng kanyang napakagandang bestfriend na si Quinn Aragon.

"Hey, Alyna tara na baka naghihintay na si Kuya sa labas, alam mo namang napakashort tempered nun." nakasimangot ito pero hindi man lang nakabawas sa kanyang kagandahan.

Napakapa siya sa kanyang dibdib dahil marinig lang niya na nandiyan lang si Cedric Aragon ay parang hihimatayin siya sa kaba.

Napansin iyun ng kanyang bestfriend.

Pinameywangan siya.

"Hay naku Alyna bakit ba sa lahat ng mga lalaki na pinakilala ko sayo ay ang Kuya ko pa ang nagustuhan mo. Ang sungit kaya nun. Kawawa ka lang kung magiging girlfriend ka niya."

Para namang type ako nun. sabi ni Alyna sa sarili.

Naglakad na sila patungo sa gate. Malalim na bumuntung-hininga si Alyna.

"Para namang papasa akong maging girlfriend niya. Ni hindi nga ako nun pinapansin."

"Paano ka naman mapapansin ng Kuya ko eh hindi ka naman makapagsalita kapag kaharap mo siya."

Namula ang mukha ni Alyna. Malakas ang tawa ni Quinn na ikinatingin ng mga estudyante.

"Quinn, tingnan mo nga, eh tawa mo pa lang tingin na ang lahat sayo. Eh ako wala namang kapansin-pansin sa akin."

Siniko nito si Alyna. "Ayan ka na naman. Ang sarap mo kayang kasama. Kahit gusto kitang maging sister for real ay hindi na lang noh kung ang kuya ko lang naman ang mapapangasawa mo."

"Opo Ate."

"Good. Oh mukhang nandiyan na si Kuya ah, rinig hanggang dito ang tili ng mga fans niya."

Laking gulat nilang dalawa na nagkakagulo ang mga tao sa labas dahil may suntukan na nangyayari at involve ang kapatid nitong si Cedric at kalaban nito ang senior na si Alfred Raymundo. At wala man lang security guard na pumipigil.

"Oh my God, Kuya" tili ni Quinn at tumigil naman si Cedric sa pagsuntok sa walang malay na na si Alfred.

Lumapit si Quinn sa kapatid at tiningnan ang mga sugat nito sa mukha.

"Patay ka na naman ni Papa, Kuya!"

Nasa likod lang nila si Alyna at nakamasid sa magkapatid. Nasa mga mata nito ang admiration sa lalaking lihim na iniibig. Mabilis na inakay ni Quinn ang kapatid sa kotse at mabilis na pinaandar ng kanilang driver at naiwang nakatulala si Alyna na napagiwanan.

Malayo-layo na ang nilalakbay nila nang may maalala si Quinn. "Oh my God! Itigil niyo ang sasakyan!" biglang sigaw ni Quinn sa loob ng kotse.

"Oh ano naman ang drama mo ngayon? Wala akong kasalanan dahil ang pangit na yun ang nagsimula, pinamukha ko lang sa kanyang hindi niya ako kaya." bored na sagot ni Cedric.

Maiyak-iyak na si Quinn dahil nakalimutan niya ang kanyang bestfriend.

"Naiwan ko si Alyna. Manong bumalik tayo sa school." utos nito sa family driver.

"'Wag na baka nakaalis na rin yun at aksaya lang ng panahon." angal ng kapatid.

"Wala ka talagang puso. Bestfriend ko yun hello at iniwan ko lang ng basta-basta. Palibhasa wala ka kasing totoong kaibigan kaya hindi mo alam ang nararamdaman ko."

I Got A Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon