A/N: Update again. Please enjoy.
Iñigo Higashide is Masahiro Higashide
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Pababa na nang hagdan si Alyna ng sabihin ng kanyang ina na naghihintay na sa labas si Cedric. Dali daling bumaba ang dalaga at tumingin sa bintana at ayun nga ang kasintahan nakasandal sa kanyang kotse at pinagtitinginan na ito ng kanilang kapitbahay. Parang ngayon nila nakita ang magarang sasakyan nito eh halos araw araw nandoon ang binata.
Lumabas siya ng bahay at hinarap si Cedric. Nang nakalapit na siya ay niyakap siya nito ng mahigpit. "Babe, I missed you"
"I missed you too. Ang busy mo ngayon lately ah."
"It's about business stuff. Since I'm graduating next year, naging busy na rin ako sa company namin. Dad's getting strict on training me and were meeting investors for lunch kaya hindi na ko nakakasabay sayo. And..." nangamot ng ulo si Cedric. "Today my lunch meeting ako with a client" napamake face ito sa kanya na parang hindi sure kung magagalit ba siya o hindi.
Ngumiti siya dito at kinurot ang pisngi, "Ayos lang naman ako kahit hindi kita kasama. Malaki na ko noh, kaya ko ng sarili ko. Wag mo na akong alalahanin pa at magconcentrate ka na lang sa future mo"
"Future natin babe. Payakap pa nga. If its hard for you dahil hindi mo na laging makikita ang pinakagwapong fiancee mo, call me and I'll answer it anytime anywhere. Hindi ko na gustong maulit ang nangyari kagabi. Im so sorry."
Napakalas ng yakap si Alyna. "Alam mo?"
"Oo. Sinabi sakin ni Papa ang nangyari and hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sayo" puno ng sensiridad ang mukha ni Cedric at naniwala si Alyna.
Hinalikan niya sa pisngi ang nobyo at niyakap ulit. "Ok lang. Walang masamang mangyayari sa akin. Ok? I love you." "I love you too."
Hinatak niya papasok ng kanilang bahay si Cedric at magkasalo silang nagbreakfast kasama ang pamilya ni Alyna.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Binubuksan ni Alyna ang kanyang locker room ng may nahulog mula dito. Pinulot niya ang isang papel at tiningnan, bigla siyang lumingon at tiningnan ang paligid. Binibigyang mukha ang kung sinong nagbigay sa kanya ng kanyang litrato na kuha kagabi. Nakayakap siya sa kanyang mga libro habang hinihintay na dumating ang kanyang ama. Tama nga ang hinala niya na tao ang nakita niyang nakatayo sa harapan ng waiting shed. May nakasulat sa likod na I LOVE YOU.
Kanina pa hindi mapakali si Alyna pero hindi niya sinabi kay Quinn. Daldal ng daldal lang ito sa kanya pero wala siyang naiintindihan. "Hoy, sister, nakikinig ka ba? Parang ang layo naman ng paningin mo at matamlay ka? Nag-away ba kayo ni kuya?"
Umiling si Alyna. "Hindi naman. May iniisip lang ako. Ahm, Quinn sinong susundo sayo?"
"Si Julian. Magdidinner kami sa labas."
Nag-isip si Alyna.
"Bakit mo nga pala natanong? Hindi ka ba susunduin ni kuya?"
"Hindi yun. Hindi na kasi tayo nagkaroon ng bonding na tayong dalawa lang. Yung katulad ng dati na wala ka pang boyfriend. Hep hep, ayokong sumama sayo sa date niyo magmumukha akong chaperon"
Hindi na umangal si Quinn.
"Enjoyin mo ang date niyo ni Julian"
Ngumiti sa kanya si Quinn. "Grabeh sister ang layo ng narating natin noh kahit first year college pa lang tayo ang dami na nating na-experience."
BINABASA MO ANG
I Got A Wild Heart
General Fiction"I don't remember who you are but whenever your near, my heart gets so excited I thought it will burst out of my chest, can't breathe. My heart slowly dies whenever I don't see you even for a second, a minute, a day. I know...your very special to me...