Chapter 28: I Need U

59 6 5
                                    


#IGAWHUpdate


#BTSINeedUJapaneseVersion


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Hindi pa rin nagigising si Cedric Aragon. Dumalaw na kani-kanina lang ang mga magulang ng binata at umalis na rin pagkatapos marinig sa doctor na gigising ang kanilang anak. Pina-ubaya nila kay Quinn at sa barkada nito ang pag-aalaga kay Cedric at sa pagtawag agad-agad sa kanila kung nagising na ito. Isinama na rin nila sina Enrique at Milagros at may pag-uusapan daw ang mga ito. Pero bago ito umalis ay malaki ang kanilang pasasalamat kay Erika sa pagtulong nito kay Alyna. 


Tahimik ang lahat sa pag-alis ng mga magulang nina Cedric at Alyna. Lahat nakatingin kay Erika na puno ng koryusidad. 


Tumikhim si Alyna para mawala ang tensyon na nagaganap between her old friend and the gang.


"Why did you do it?" unang nagtanong si Julian as usual.


Hind siya tiningnan ni Erika pero nakatutok ang paningin niya sa lahat. 


(A/N: What do a bitchy girl's reply? Isip Isip?)


"None of your business." Nganga ang lahat. Bitch pa rin talaga. Lumapit siya kay Alyna at nakipagbeso pagkatapos tiningnan si Cedric ay umalis na rin ito.


"Grabeh ang taray naman niya? Sino ba yun?" tanong ni Yuki.


Inakbayan siya ni Riley. "She's a former friend."


"We already know that. But why is there a tension between you guys?" tanong naman ni Marianne.


Nagsalita na si Alyna. "Isa siyang mabuting kaibigan Yuki, Marianne. Kung ano man ang nagawa niya noon ay pinagsisihan na niya yun at gumagawa siya ng kabutihan para sa pagbabago nya."


"Yes. And sinong gustong kumain? Samahan niya ko bumili sa labas" suhestiyon ni Sunny. Sumama naman ang lahat except Inigo na tahimik lang na nagmamasid.


Ngumiti si Alyna dito. "Inigo, ang tahimik mo ata?"


"Kilala ko si Erika Duran. At hindi ako mapalagay sa kung ano ang motibo niya para makipaglapit ulit sa inyo."


Nagulat si Alyna. "Talaga kilala mo siya? Kailan pa?"


Bigla na lang namula ang magkabilang pisngi ni Inigo at umiwas ng tingin kay Alyna. Tumayo lang ito at nagpaalam na aalis na.


Napabuntung-hininga na lang si Alyna at lumapit sa natutulog pa na si Cedric.


"Cedric naririnig mo ba kami? Bumalik na si Erika at mabait na siya ngayon. Tinulungan niya ako. Gusto niyang gumising ka na para makahingi na siya ng tawad sayo sa personal. I need you Cedric. Please wake up." hinagkan niya ang noo ng kasintahan at umupo sa upuan nasa tabi nito.

I Got A Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon