Nakalabas na ng ospital si Alyna pero hindi pa niya nakikita si Cedric.
Kahit alam na niya kung anong ginawa nito sa tatlong lalaking nambastos sa kanya ay hindi pa rin umiiba ang takbo ng puso niya bagkus mas lalo pa niya itong namimiss.
Laging nasa tabi niya si Quinn.
Umaalalay sa kanya kahit ilang ulit na niya itong sinasabihan na ayos lang siya ay nandun pa rin ito.
Ang totoo naaawa siya sa kaibigan.
"Hindi mo masisisi si Julian. Ikaw ang walang ginawa para malaman niya ang totoong nararamdaman mo sa kanya." sabi nito kay Quinn na umiiyak sa kandungan niya at hinahaplos ni Alyna ang buhok ng kaibigan.
Suminghot si Quinn. "Oo. Kasalanan ko na ang lahat. Eh kasi naman akala ko nasa akin lang ang puso niya hindi pala. Sana kinuha ko na lang yun at hindi ko na pinakawalan."
Kailangan na may gawin siya para sa dalawa.
Isang linggo ang lumipas.
Nagluluto ng tanghalian si Alyna nang marinig niyang tumatawag mula sa labas si Quinn.
Pinahinaan muna niya ang lakas ng apoy bago pinagbuksan ang kaibigan.
Pagbukas niya ng pinto ay nasa likuran nito si Cedric at si Julian.
"Pasok kayo." Mahinang tawag sa kanila at hindi siya makatingin ng diretso kay Cedric pero ito ay walang problemang titigan siya.
Gusto niyang iuntog ang ulo sa pader. Bakit kapag hindi tumitingin si Cedric sa kanya ay nagpapapansin siya pero ngayon na tinitingnan na siya nito ay nahihiya na naman siyang titigan ito. Ano ba talaga?
Tahimik sa bahay dahil pumunta sila sa mall at mamamasyal. Siya na ang nagpresenta na ipasyal ang mga kapatid niya at magdate na rin ang mga magulang niya dahil alam niya ang pagod sa pagbabantay sa kanya nun nasa ospital pa siya at siyempre para na rin magkaroon siya ng pagkakataon na magbati ang dalawa niyang kaibigan. Pero hindi niya inaasahan na sasama sa kanila si Cedric.
Hindi niya alam kung ano ang iaakto sa harapan ni Cedric.
Magkatabi sina Alyna at Julian katapat naman nila sina Quinn at Cedric.
Unang nagsalita si Julian "Ayos na ba ang pakiramdam mo Alyna?" nakangiti ito sa kanya.
Ginantihan rin niya ito ng ngiti. "Oo. Pwede na kong pumasok sa lunes."
Tango lang ang sagot ni Julian.
Naging tahimik ulit at ang tanging ingay lang ay ang gamit nilang kubyertos.
May naisip siyang paraan para magka-usap ng masinsinan sina Julian at Quinn.
Uminom muna si Alyna ng tubig bago nagsalita.
"Pwede ko ba kayong maiwan sandali at mamamalengke lang muna ako..."
'what a lame excuse.'
"Kasi darating na mamayang hapon sina Mama at Papa at mga kapatid ko walang laman ang ref kaya
"Sasamahan na kita" biglang sagot ni Cedric na ikinagulat ni Alyna. Magsasalita sana si Alyna pero tumayo na ang lalaki at dinala ang kanyang pinggan sa lababo para hugasan.
Napagisip isip ni Alyna na baka ok na rin at sila ni Cedric ang mamamalengke. Ang gusto sana niya ay sina Quinn at Julian.
Nakaramdam tuloy siya ng hiya dahil isasama niya si Cedric sa mabaho at maingay na lugar na yun. Pusta niya hindi pa ito nakapunta ng tiyangge.
Kalahating oras ng nakaalis ang dalawa ay walang salitaan na namagitan kina Quinn at Julian. Parang mga estranghero kung magturingan ang dalawa. Sinilip ni Quinn si Julian sa sala na nanonood ng tv. Komportable itong nakaupo sa sofa at tumatawa pang nanonood ng Showtime. Bumalik siya sa kusina at umupo sa upuang kahoy, tinitigan ang cellphone.
BINABASA MO ANG
I Got A Wild Heart
General Fiction"I don't remember who you are but whenever your near, my heart gets so excited I thought it will burst out of my chest, can't breathe. My heart slowly dies whenever I don't see you even for a second, a minute, a day. I know...your very special to me...