Chapter 30: Kiss Me

69 6 1
                                    

#IGAWHUD

A/N: I know sinabi kong let's focus na sa love story nina Cedric at Alyna pero sumisingit si Inigo eh, sungit niya, maturuan nga to ng leksyon.

And by the way si Michael Fortalejo ay si Jackson Wang ng Got7. Kasey neymen ang cute teylaga niya. hehehe villain na lang siya pero ang gwapong villain noh? Sinong mga 'IGOT7' dito?

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Nakatalikod si Cedric nang pinapasok nila sa kwarto ang stalker ni Alyna na si Michael Fortalejo.

Magkasingtangkad sila ni Cedric pero mas payat ito at matamlay ang hitsura. Blangko lang ang mga mata nito na nakatingin kay Cedric.

Umalis na ang pulis na nagdala sa kanya at rinig sa maliit na room ang paglock ng pinto mula sa labas dahil doon ay nakita ni Cedric ang takot sa mga mata ng suspek.

Inisang hakbang lang ni Cedric si Michael at kinwelyuhan ito. Puno ng galit ang mga mata ng binata habang nakatingin sa kriminal.

"Hindi ko mapapatawad ang ginawa mo sa babaeng mahal na mahal ko. Sisiguraduhin kong hindi ka na makakalabas sa kulungang ito at mabubulok ka habambuhay."

Biglang tumawa ng malakas si Michael na parang nababaliw na. Hindi nagpatinag si Cedric at nginitian niya rin ang nababaliw na. At pagkatapos nitong tumawa ay bigla na rin itong umiyak. Napapailing na lang si Cedric at binitawan si Michael at humakbang na paalis.

Tumayo si Michael at hinablot ang upuan at aakmang ibabato kay Cedric ng napailag ang binata at sa dingding tumama ang upuan na nagkagutaygutay. Hinarap niya si Michael at malakas na sinuntok napaupo sa sahig ang suspek at madaling tumayo ito at napayakap sa may bandang tiyan ni Cedric at tumama sila sa pader. Nasaktan si Cedric sa lakas ng kanilang impak pero hindi siya nagpatinag at sinuntok sa mukha si Michael. Napa-atras si Michael at nginitian si Cedric.

"You, are a worthy competition." sabi ni Michael sabay pahid ng dugo mula sa kanyang ilong at bibig. Si Cedric naman ay dinugo ang ilong nito. Bigla na lang nitong itinaas ang dalawang kamay for surrender pero nakangisi ito na ikina-inis ni Cedric. Bumukas ang pinto at pumasok ang mga pulis para pusasan ito at hanggang maka-alis na sila ay hindi maalis ni Cedric ang masayang mukha ni Michael.

###########

Sunod na pinuntahan ni Cedric si Hera sa isang Psychiatric hospital. Pinakita sa kanya ng doctor ang kalagayan ni Hera mula sa isang two way mirror. Kinakausap nito ang isang manika na parang tao at ang sinasabi niya dito ay ang mga masasamang balak niya kay Alyna na ikinagalit ng husto ni Cedric. Napasuntok si Cedric sa salamin na nagbabaga ang mga mata sa galit. Hinarap niya ang doctor. "Make her more insane and derange that all she wanted to do is kill herself. Do you understand me doctor?" Tumango ang doctor bilang pagsang-ayon. Sa hindi nakakaalam ay malaki ang share ng Aragon sa hospital na iyon at may utang na loob ang may-ari kay Cedric Aragon kaya kahit anong I-uutos nito ay gagawin nila ng walang pag-aalinlangan.

Tiningnan niyang muli ang nababaliw na si Hera bago umalis.

**************************************************************************************************




Magkasama na pumunta sina Alyna, Quinn, Sunny at Erika sa school library para magresearch. Pero nagchikahan lang sila dahil si Quinn ay kinukulit si Erika tungkol sa buhay nito nang biglang paglaho niya.

"Sige na Erika, were friends na again right kaya spill the beans na!" kulit ni Quinn.

"Ice Princess sige na magkwento na dali. Hindi naman namin sasabihin sa mga boys it's only our secret." pangako ni Sunny with matching raised her right hand pa.

I Got A Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon