#IGAWHUpdate @adyseann
Lets focus na on Cedric and Alyna's lovestory.
'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''';;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;
xxxxxxxx Restaurant malapit sa hospital.'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
Tahimik lang ang pamilya ng dalawa na sina Milagros at Enrique Sta. Maria and Franco and Beth Aragon.
Dumating na ang kanilang order at tahimik lang silang kumain. Walang gustong magsalita kahit na atat na atat ng manermon si Enrique.
Natapos na silang kumain at umiinom na lang sila ng coffee. Tumikhim muna si Franco bago magsalita.
"Walang gusto sa nangyari sa ating mga anak. Kahit na gusto natin silang laging protektahan ay hindi mangyayari iyon. May sarili silang pag-iisip at puso kaya..."
"Wala akong pakialam." mahina pero may diin na bigkas ng bawat salita ni Enrique. "Dalawang beses ng napahamak ang aming anak na si Alyna. Hihintayin pa ba namin na mas malubha pa ang mangyayari sa kanya ha? Na huli na ang lahat para malayo namin siya sa kapahamakan?"
Pinaghahaplos ni Milagros ang braso ni Enrique para huminahon na ito. Unang pagkakataon niyang nakita na ganito kagalit ang kanyang asawa pero wala lang siyang magawa para mawala ang agam-agam nito. Kailangan nilang malayo si Alyna kay Cedric Aragon.
Matagal bago nagsalita muli ang ama ni Cedric kaya nagsalita muna si Beth.
"Pagpasyensyahan niyo kami kung ganito kami mag-isip. [Ngiti] Simula ng tumuntong ng elementary si Cedric ay naging malayo na ang loob nito sa amin. Hindi ko alam kung bakit? Kung paano nagsimula na nahilig siya sa pakipagbasag-ulo. Hindi namin siya makontrol. Araw-araw akong natatakot na baka sa mga gulo na kinasangkutan niya ay manganib ang kanyang buhay. Pero alam niyo ba simula ng magkamabutihan sila ni Alyna ay nakikita ko ang unti-unting pagbabago ng aming anak. Natuto na siyang makinig sa amin at lagi ko na siyang nakikita sa bahay. Nakakasalo sa pagkain. Nakakausap at lahat ng iyon dahil kay Alyna. Naghihinayang ako na kailangang mangyari ang ganito sa dalawa pero hindi natin hawak ang kanilang kapalaran. [determined look] Sige! Pagbibigyan namin ang kagutuhan niyo pero kahit kailan ay hindi natin sila malalayo ng panghabambuhay. Therefore I conclude that my son was born for Alyna Sta. Maria. Corny na kung corny per yun ang totoo. Let's just see!"
####################################################################################################
"Babe!" manihang sambit ni Cedric. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng natutulog na si Alyna.
Biglang bumukas ang pinto at maingay na pumasok ang barkada.
"Ano ba yan bakit ako ang nagbayad lahat? Unfair!" reklamo ni Riley.
"Natalo ka sa rock paper scissors kaya better luck next time" sagot naman ni Hunter at binatukan si Riley.
"Hey hey wag kayong mag-away dito noh hospital to. Parang bata!" saway ni Quinn at nagtawan naman ang lahat.
"Guyz!" tawag ni Cedric. Napahinto naman ang lahat at napatingin sa kama ni Cedric at nagsigawan sila at dinumog ang binata. Nagising naman si Alyna sa komusyon na nangyayari.
Lahat ay nakatingin kay Alyna. Namilog ang mga mata ng dalaga at walang patumpik-tumpik na hinalikan sa mga labi si Cedric.
Nakangiti sa kanila ang barkada.
Umawat na si Hunter dahil sa mas lalong nag-iinit ang halikan ng dalawa.
"Hep, Hep, guyz may audience kayo baka nakakalimutan niyo."
BINABASA MO ANG
I Got A Wild Heart
General Fiction"I don't remember who you are but whenever your near, my heart gets so excited I thought it will burst out of my chest, can't breathe. My heart slowly dies whenever I don't see you even for a second, a minute, a day. I know...your very special to me...