Ganito pala ang pakiramdam ng naangkin muna ang puso ng pinakamamahal mo. Excited ka laging hinihintay ang text niya. Hindi makapaghintay na makita siya. At kapag nasa tabi mo na siya, siya lang ang nakikita mo at bakit ba kay bilis lagi ng oras.
Minsan gusto kong ipagsigawan sa lahat na GF ko na si Alyna pero hindi niya yun gusto kaya kinukurot ko na lang ang matambok niyang pisngi kapag ganun ang pakiramdam ko.
Nakakabaliw pero masarap mabaliw.
Isang pitik ng daliri sa harapan niya ang nagpabalik ng isip ni Cedric sa kasalukuyan. Nakatingin sa kanyang nakangisi ang barkada pero hindi niya napansin ang nakamamatay na tingin ni Erika.
"What?" seryosong tanong ko. Nakakainis pati ba naman dito sa school...
Hindi ko sila pinansin at nagtext sa iPhone ko.
[BABE. ASAN KA?]
Isang minuto ang lumipas at walang reply na dumating. Tinawagan ko na lang si Alyna pero walang sumasagot. Nakakainis. Ako lang ba ang nag-aalala dito.
Napansin ng barkada ang bad mood ko kaya mas lalong lumapad ang ngiti ng mga ito.
"Oppa, kung si Alyna ang hinahanap mo nakita ko siya kanina sa Lib." Sunny.
Yun lang at umalis na ng cafeteria si Cedric.
Nagsi-alisan na ang barkada pero nagpaiwan si Erika. Nilapitan siya ni Hunter.
"Wag ka ng umasa pa. Wala kang mapapala sa kanya."
Nanlilisik ang mga matang tinapunan niya ng nakakamatay na tingin si Hunter. Ngiti lang ang tinugon ng binata sabay alis na.
"Mapapasaakin ka rin Cedric. Akin ka lang."
Medyo may kalakihan ang library kaya nahirapan akong hanapin si Alyna. Sa wakas ay nakita ko siyang patungo sa may likurang bahagi ng mga book shelves kaya sinundan ko siya para sorpresahin. Hindi niya ako napansin dahil nasa paghahanap ng libro ang konsentrasiyon niya kaya agad akong pumwesto sa likuran niya at tinakpan ang kanyang mga mata. Napatili siya sa bigla at naihulog ang librong hawak nito kanina.
"Cedric!" sigaw niya.
"Shhh..." bulong ko sa may likuran niya at hindi ko mapigilang samyuhin ang mabangong amoy ng leeg niya.
"Anong klaseng perfume ang gamit mo Babe ang bango mo eh." Bulong ko ulit sa may teynga niya nakakapit pa rin siya sa mga kamay kong nakapiring sa mga mata niya.
"Mhmmm. Wala akong perfume, Palmolive lang yan."
"Talaga. Anong flavor? Bibilhan kita ng isang dosena."
Kinurot niya ako sa tagiliran. "Owww. Ang sakit nun ha!"
Humarap siya sa kin at ngumiti. "Ikaw kasi, kasalanan mo rin yan." Pinulot niya ulit ang nahulog na libro pero kinuha ko ito at ibinalik sa shelves at hinila si Alyna sa likod.
"Cedric."
Walang tao sa paligid dahil na rin malapit na ang lunch break kaya walang mga asungot.
Hindi na ko makapaghintay at agad ko siyang hinalikan na agad naman na ikinatugon ni Alyna. Niyakap niya ako ng mahigpit at sa pag-atras ko ay may natabig akong bagay – isang mesa. Walang kahirap-hirap kong ini-upo si Alyna at mas diininan pa ang mga halik ko.
Si Alyna ang unang kumawala at huminga ng malalim.
Damn.
Hindi pa nakakahinga si Alyna ay hinalikan na naman siya ni Cedric pero walang angal na maririnig mula sa dalaga.
BINABASA MO ANG
I Got A Wild Heart
General Fiction"I don't remember who you are but whenever your near, my heart gets so excited I thought it will burst out of my chest, can't breathe. My heart slowly dies whenever I don't see you even for a second, a minute, a day. I know...your very special to me...