Chapter II: Ice Princess

209 6 0
                                    

ERIKA DURAN ( -_____- )



************************************************************************



ARAGON MANSION

Magkasabay na pumasok sa dining room ang pamilya Aragon maliban kay Cedric na kung napuna man ang absence nito ay hindi halata sa mga mukha ng mga ito.

Franco Aragon is a strict father and boss in every sense of the word. His word is law sa pamamahay man nito o sa office pero kung ang hindi alam ng marami lalo na sa kanilang mga anak ay mas strikta at nakakatakot pa ang asawa nito na si Beth Aragon. Hindi lang halata dahil may inosenteng mukha ito at laging nakangiti sa mga tao. Isang tingin lang sa mahal na asawa ay hindi na nagsasalita si Franco.

"Mom, Dad, sa bahay po ni Alyna ako matutulog ngayon dahil may gagawin kaming project para next week." paalam ni Quinn.

"Bakit hindi na lang si Alyna ang papuntahin mo dito?" tanong ni Beth.

Uminom muna ng orange juice si Quinn bago sumagot.

"Alam niyo namang napakamahiyain ni Alyna. Ok ok baka sa susunod iimbitahin ko siya dito para mag overnight. Promise!"

"Ok. Si Cedric tulog pa ba?" tanong ulit ni Beth habang sinasalinan ng kape ang asawa.

Speaking of the devil ay pumasok na ito sa dining room at humalik sa pisngi ng ina saka pa umupo sa tabi ni Quinn. Napasinghap si Quinn sa gulat dahil kitang-kita ang pasa nito sa mukha na hindi man lang tinakpan ng kapatid.

"Ku...ku...ya..." bulalas ni Quinn.

Nakita na ng parents nila ang mukha ng kapatid pero walang violent reactions na naganap.

"Nakipagsuntukan ka na naman. Kawawa naman ang pumatol sayo. Kailangan ba niya ng medical help?" mahinahong sabi ni Franco na hindi inaalis ang mata sa binabasang newspaper.

Gulat man si Cedric ay hindi siya nagpahalata.

"Naawat ko po si Kuya bago pa lumala ang sitwasyon, Dad" -Quinn.

"Good dahil aksaya lang sa panahon ko ang pagbisita pa sa magulang ng binugbug mo para magapologize. Marami pa akong gagawin sa opisina."

"OK lang. Unahin niyo lang ang kompanya niyo, wala naman kayong pakialam samin diba?" sabay tayo ni Cedric at walang paalam na lang na umalis.

"Cedric!" tawag sa kanya ng kanyang ina.

"Franco, diba nag-usap na tayo kagabi tungkol sa pakikitungo mo kay Cedric. Paano natin makukumbinsi si Cedric na pamahalaan ang kompanya kung hindi pa rin kayo magkabati. Hay naku nakakastress talaga kayong mag-ama."

"Teka ako pa ngayon ang may kasalanan eh yung anak mo ang matigas ang ulo." parang batang sumbong ni Franco kay Beth.

"Oo nga manang-mana sayo. Hay naku mabuti na lang at nagmana ka sa kin iha." nginitian ni Beth ang bunsong anak.

"Siyempre naman Mom baka magka wringkles tayo ng maaga mahirap na." nginitian niya ang ina at kumain ulit.

"By the way Quinn umuwi ka ng maaga sa Linggo ha."



Mabilis na pinaharurot ni Cedric ang kanyang motor bike papuntang school. Sa isang exclusive private school nag-aaral ito at sa isang public school naman nag-aaral si Quinn dahil na rin doon nag-aaral si Alyna na bestfriend pa niya mula Grade 5. Una ay hindi pumayag sina Franco at Beth dahil wala silang tiwala sa securidad sa isang public school pero sa pagiging persuasive ni Quinn ay napapayag niya ang kanyang mga magulang pero kapag napahamak siya ay talagang ililipat siya sa *SPECIAL A UNIVERSITY*

I Got A Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon