Chapter 25: Stalker

47 5 0
                                    

A/N: Updating while may internet pa. Subukan nga ang POV.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Alyna's POV

Isang linggo na ang nakaraan simula nung nagwala kami sa bar ni DJ. Ang saya saya kaya nun pag naaalala ko yun napapangiti ako. Nagpromise kami sa isa't-isa na mauulit yung girls night out namin pero kasama na ang mga boys. Nagreklamo si Quinn dahil hindi na daw yun magiging girls night out pero naging pastor mode na naman si Julian at nanermon buti nga tagalog pero si Cedric english ang sermon sa kin pagkagising ko pa lang, masakit ang ulo ko, sermon agad hindi ako nakapagsalita pati sina Mama at Papa napatanga na rin.

Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok. Tumingin ako sa paligid pero wala namang nakamasid sakin puro mga estudyanteng busy rin sa research nila. Pero pakiramdam ko talaga merong nakatingin sakin.

Hala! May stalker ba ko. Di ba ganito rin ang feeling ng mga iniistalk sa tv show na Stalker starring Maggie Q. Sa totoo lang kahapon rin nung naghihintay ako kay Cedric sa parking lot para ring may nakatingin sa kin. Gusto kong sabihin sa kanya pero nanaig nanaman ang pagmamahal ko sa kanya. Ayoko ng maulit sa kanya ang nangyari noon. Ang gagawin ko nalang ay makihalubilo sa maraming tao kapag wala siya para at least safe ako.

"Hello"

"Ai!"

Naguat talaga ako dun ah. Hinarap ko siya.

Ikaw pala Inigo, ginulat mo naman ako. May kailangan ka ba?

Si Inigo nga pala bagong kakilala ko. Business add ang course niya at una kaming nagkakilala dito sa library, working student kasi siya. Ang galing nga niya eh, nabalanse niya ang oras ng trabaho at pag-aaral.

"Ahm, wala naman nakita lang kasi kitang nakangiti na mag-isa kaya nilapitan na lang kita"

Namula ako sa sinabi niya grabeh nakita niya baka isipin niyang baliw ako.

Tumawa siya at lumabas ang magkabilang dimples niya ang cute niya pala.

"Ah, naglunch ka na ba? Sabay na tayo?"

Sasagot na sana ako na kasama ko boyfriend ko nung may nagtext. Nginitian ko muna siya bago binasa ang text ni Cedric.

BABE, I CAN'T ACCOMPANY YOU TO LUNCH. I'M BUSY WITH SOMETHING. SEE YOU LATER. I WILL FETCHED YOU.

Mhmmm... busy siya kailan pa siya nabusy. Napapansin ko dahil sa amnesya niya napapalayo na ang loob niya sakin. Oo. Nagtetext o tumatawag siya sakin at bumibisita siya sa bahay at sweet siya sakin, minsan napapansin ko na malayo ang loob niya sakin parang may bahagi ng pagkatao niya na... ano batung naiisip ko siyempre may amnesya yung tao...

Pinitik ni Inigo ang daliri niya sa tapat ng mukha ko kaya napabalik ang isip ko sa kaharap ko ngayon.

Sorry ha. Sige maglunch na tayo.

"Eh yung boyfriend mong nakakatakot?"

Tumawa ako.

Hindi naman siya nakakatakot ah. Tara na nga!

Akala ko sa canteen kami kakain pero sa Jollibee pala ang tungo namin. Namiss ko rin ang Jollibee eh. Umupo ako sa may bintana habang hinihintay si Inigo na umoorder. Patingin tingin ako sa kalsada at traffic sa daan nang may humintong sasakyan sa harap ko. Si Cedric ang driver may kasama siyang babae dahil inalalayan pa niya itong lumabas. Nanlamig ako at ang lakas ng kabog ng puso ko, akala ko sa Jollibee sila papasok pero sa katabing bistro sila pumasok.

Walang ibang laman ang utak ko kundi ang sundan sila. Hindi ko na namalayan na nasa likod na pala nila ako. Kitang kita ko kung paano inalalayan ni Cedric yung babae at ang kamay niya nasa likod nito. Gustong gusto ko silang komprontahin pero nakaramdam ako ng pagkaduwag. Naduduwag akong magpakita kaya madali akong lumingon at umalis sa lugar.

Hindi man lang lumingon si Cedric. Ganun siyang focus na focus sa babae nayun.

"Hoy san ka nagpunta?"

Kumagat ako sa chicken at malaking subo ng spaghetti. Idadaan ko na lang sa kain ang nakita ko. Wala akong pakialam kong mas sexy na pang model ang babaeng yun basta ako gutom.

Natapos na ang huling klase ko at hinihintay ko na lang si Cedric na sunduin ako. Nagtataka ako kung bakit wala akong nakitang barkada namin. Hay iba na talaga pag may mga lovelife na. Palaging busy at hindi mahagilap.

Isang oras na ang dumaan pero wala pa ring Cedric na nagpapakita. Pangilang tawag ko na bato sa kanya pero hindi niya parin sinasagot. Busy pa rin ba siya sa babaeng yun. Nakakainis. Bakit hindi ako forward na babae? Ako pa ang takot na makahuli ng pambababae niya.

Umulan bigla kaya napasilong ako sa waiting shed. Kinakabahan ako parang deja vu lang. Nanginginig na ko sa takot kaya tinawagan ko ang Papa ko.


Salamat naman at nagriring na. Pa, pwede pong pasundo ako sa school. Wala po si Cedric eh. Sige po, maghihintay ako dito sa may waiting shed Pa. Salamat po. Bye.

May nakatingin na naman sa akin. Napayakap na lang ako sa mga librong bitbit ko at pumikit. Hindi ko alam kung ilang oras akong ganun nang may bumusina. Pagdilat ko nakita ko ang sasakyan ni Papa.

Ang saya saya ko. Agad agad akong pumasok sa sasakyan at dumiretso na kami pauwi. Napatingin ako sa may bintana nang may parang anyo ng isang tao ang nakatayo pero madilim na lugar. Pero nakakasiguro ako na tao yun at baka siya ang stalker ko.

●●●●●●●●●●●●●□□●●●●●●●●●●●●●□□●□●●●●●●●●●●●●


Wala akong sinabi kina Mama at Papa na may stalker ako. Ayoko na silang madamay pa, kakayanin ko to malakas yata ako. Gumagawa ako ng assignment ng tumatawag si Cedric. Tinitigan ko lang ang cellphone ko at gustong gusto kung hindi ito sagutin pero hindi pwede.

"Babe, nasan ka na? Sori natagalan ako. Tell me your home and ok?"

Oo nandito nako sa bahay. Hindi na kita hinintay dahil umuulan

"Thank God your safe. I was worried and sorry if I didn't answer your calls nakasilent mode kasi."

Sabihin mo lang ayaw nyo ng disturbo.

Ano ba yang kinabisihan mo? Baka makatulong ako.

"No need babe. Sisiw lang sakin 'to. How's your day?"

May stalker ako.

As usual lang. Pagkatapos ng klase hindi ko na nakita ang barkada. Busy rin.

Tumatawa siya. At ang sarap pakinggan ng boses niya. Marami pa siyang sinasabi pero wala dun ang nangyaring date niya. Nagsisinungalig na siya sakin.

Yun lang ba.

Tumahimik siya bigla pagkatapos sabing wala na. Sleep tight. At I love you. Ganun na lang kaikli ang tawag niya na dati aabot ng madaling araw. Unti unti ng nawawala ang Cedric ko.






Xoxo...

I Got A Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon