Chapter XIV: Bad

80 4 0
                                    

Malakas na tinulak ng dalawang lalaki si Alyna kaya napaupo ito sa lupa. Nakadungo lang ang dalaga at hindi nagsasalita.

"Siya na ba yan?" Humihithit na naman ng sigarilyo ito.

"Yes tito." Malamig na tugon ni Erika.

"Pero nakita kami ni Quinn wag kayong mag-alala madali lang namang gumawa ng kwento."

"Magaling. Magaling."

Lumingon sa likuran si Roman.

"Siyanga pala merong maniningil ng utang."

Merong pares na paa na papalapit kay Alyna at huminto sa kanyang harapan. Nangunot naman ang noo ni Erika kung sino naman ang lalaking dumating. Biglang hinablot ang buhok niya kaya napatingala si Alyna. Puno ng galit ang mga mata nito. Pero sa tanang buhay niya ngayon lang niya nakita ang lalaki.

"Hello Alyna long time no see. Hahaha" at tumawa ito na parang nasasapian.

"Hindi mo ba ako nakikilala ha? Siyempre dahil iba na ang hitsura ko ngayon." nanlilisik na ang kanyang mga mata.

"Sinira ng boyfriend mo ang napakaganda kong mukha kaya napilitan akong magpaplastic surgery"

Nanlaki na rin ang mga mata ni Erika. At bumulong kay Roman.

"Wala sa usapan naitn ito." tumawa lang ang tyuhin niya.

"Buti nga sayo." bulong ni Alyna.

Ha Ha Ha.

Isang suntok sa mukha ang binigay ni Dave.

Tadyak.

Sipa.

Suntok.

Hanggang sa sumuka na ng dugo ang dalaga pero hindi pa rin ito umiiyak. Lalong nagalit si Dave.

"Magmakaawa ka na Alyna" sigaw ni Dave.

Hindi pa rin ito sumagot.

"Ibigti niyo na yan."

Itinali nila ang mga kamay nito pagkatapos ay hinila pataas.

(END OF VIDEO)

Kitang-kita  ng mga magbarkada ang mga pangyayari. Nasa bahay sila ni Julian at kalung-kalong nito si Quinn na hinimatay. Walang  nagsalita dahil natatakot sila na baka bigla na lang magwala si Cedric na napakatihimik habang nanonood. Bigla na lang itong tumayo at naglakad palabas. Pinigilan siya ni Hunter. At ramdam nito ang galit na tinatago ng kaibigan.

"Sasama kami sayo"

Nagsitayuan na ang lahat.

"Sunny ikaw na muna ang bahala kay Quinn"

Tumango lang si Sunny at pinahid ang mga luha niya.

"Mag-ingat kayo."

Ginulo muna ni Julian ang buhok nito bago umalis. Umupo sa tabi ni Quinn si Sunny na tulala lang. Chase look at her at umalis na din. May tinatawagan si Cedric sa cellphone nito ng nakarating na sila sa labas.

"Tayo na."

Nagbago na ang mga aura ng mga ito. Kawawa ang mga taong makakabangga ng VIPERS - ang kinatatakutang gang noon sa lahat ng highschools.

"Bumabahag ata ang buntot mo Erika. Wala ng makakapigil pa sa plano natin."

Biglang bumukas ang pintuan ng warehouse at puamsok ang grupo nina DJ.

"Wala ka pa ring kadala-dala. Gusto mo talagang mamatay na no? At wala ka pa ring silbi dito sa mundo pumapatol ka pa sa babae. Tss.."

Inakbayan nito ang babaeng kasama na walang iba kundi ang misis nitong si Katherine. Sumasama lang ito kung isang malaking gulo ang kahaharapin ng asawa. Kailangan na rin niyang mag-exercise para mawala na ang fats niya sa tiyan dulot ng panganganak niya. Hindi isang ordinaryong babae lang ito dahil nag-iisang anak ito ng Yakuza.

"Itira niyo kay Cedric ang isang yun"

Tumango naman ang grupo at sumugod na. Suntukan dito. Barilan doon.

A/N NAGTATAKA SIGURO KAYO KUNG BAKIT PUMASOK LANG NG BASTA-BASTA SILA DJ. PATAY NA KASI LAHAT ANG MGA NAGBANTAY SA LABAS AT MAGSPEECH DAW MUNA SIYA MINSAN LANG DAW SIYANG UMEKSENA LUBUS-LUBUSIN NA RIN NIYA.

Natamaan si DJ sa balikat kaya agad namang binaril ni Katherine ang lalaki at bulls-eye. Dumating na rin sila Cedric kaya nadehado ang grupo ni Roman. Samantala agad pumunta si Erika sa kinaroroonan ni Alyna. Gusto na niyang sagipin ang dalaga dahil nakokonsensiya siya sa kanyang ginawa. Kakalagan na sana niya ito pero hinila ni Dave ang buhok niya.

"Aray"

"Anong ginagawa mo ha? Walang silbi! Di ba ito naman ang gusto mo. Eh bakit ka kumakampi ka sa kanila."

"Dave walang kasalanan si Alyna pakawalan mo na siya please."

Mas lalo namang hinablot ang buhok niya.

"hahaha Ano ako tanga katulad mo."

"Hoy!" sigaw ni Cedric. Duguan na rin ang mukha at may hawak na baseball bat. Tinutok naman agad ni Dave ang baril kay Alyna kaya natigilan si Cedric sa paglakad.

"Sige ituloy mo pa ang balak mo at basag ang bungo ng babaeng ito." sigaw ni Dave sabay tulak kay Erika sa tabi. Lumapit ang tito ni Erika na si Roman.

"Well, well, the great Aragon ay walang magawa. Ha Ha Ha. Ngayon makakaganti na ako sa lahat ng atraso ninyo sa pamilya ko."

Sinuntok siya ni Roman sa mukha pero hindi siya natumba. HIndi siya nagsasalita pero puno ng galit ang kanyang mga mata. Mas lalong nainis si Roman kaya ang baseball bat na ang pinapalo nito kay Cedric. Sumali na rin si Dave sa pagbugbug sa binata.

"Tito tama na. Tigilan niyo na yan!" Nagsisigaw si Erika pero walang nakikinig.

Nakita niya ang baril na nasa may table na sa tabi ni Alyna. Kinuha niya yun at itinutok sa dalawa.

"Tito Roman itigil niyo yan kung ayaw niyong mamatay!"

Pinaputok niya ang baril at natamaan si Dave at natumba ito. Humarap sa kanya si Roman na nanlilisik ang mga mata.

"Erika! Nakalimutan mo na ba kung anong ginawa ng pamilya nila sa ina mo? Nagpakamatay siya dahil sa bwisit na Aragon na ito. Pagkatapos ng lahat ng sakripisyo ko ito ang igaganti mo sa kin"

"Wala na akong pakialam. Itigil niyo na po ito"

"Hindi." Itinutok ni Roman ang kanyang baril kay Cedric.

"Tito! wag!" Pumikit si Erika at pinaputok ang baril niya. Isa ring putok ng baril ang kanyang narinig. Tumahimik ang paligid. Ibinuka ni Erika ang kanyang mga mata at nakita niyang nakahandusay si Roman at may tama sa leeg at dibdib. Nasapo niya ang bibig at umiyak na lang.

"Erika!" tawag sa kanya ni Hunter at may mga pulis na rin silang kasama. Nilapitan nila ang nakahigang Cedric at kinalas ang tali ni Alyna.

Umubo-ubo pa si Cedric pero agad nang nilapitan si Alyna.

"B-Babe" He gently touches her face.

Sa sulok ng kanyang mga mata ay itinutok ni Dave ang baril sa umiiyak na Erika. Hindi na siya nag-isip at niyakap bigla ang dalaga kasabay ng pagputok ng baril. Nahinto ang lahat. Pinagbabaril ng mga tao sun si Dave.

"CEDRIC!!!!!"

*****************************

A/N SANA NAGUSTUHAN NIYO MAG  VOTE LANG HA...

SIYANGA NGA PALA ANG MUSIC VIDEO KO PO AY SA KOREAN DRAMA NA FAITH STARRING LEE MIN HO.. ITO PO ANG MUSIC VIDEO ANG NAG-INSPIRE SA AKIN NA MAGSULAT NG STORY NA ITO. SALAMAT PO.



xoxo...

I Got A Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon