Chapter V: Mine

131 6 3
                                    

Nagsusuklay ng buhok si Quinn pero ang laman ng isip ay tungkol sa nangyari sa kanya kanina. Hindi man niya maamin sa sarili pero may iba siyang naramdaman nung hinalikan siya ni Julian parang gusto niya ang ginawa nito.

"Hindi. Hindi. Wala akong gusto sa babaero na yun. Hindi pwede. Ganito ang nararamdaman mo dahil first kiss mo yun at wala ka pang experience sa mga ganung bagay. Erase - Erase."  pinikpik niya ang kanyang mukha na kung gagawin niya ang ganun ay mawawala ang kakaibang kilig na nararamdaman niya sa ngayon.

Bumukas ang pinto at pumasok si Alyna. "Quinn kakain na."

"Wala akong ganang kumain sister ko. Matutulog na lang siguro ako."

"Sabi ni Mama, mabuti pang kumain ka na lang dahil hindi ka rin lang naman makakatulog sa kakaisip." banggit ni Alyna sa kanya at lumapit pa ito ng mabuti sa kaibigan.

"Wui may kakaiba yata sayo." kantiyawa sa kanya ni Alyna.

"Hindi ah."

"Anong naramdaman mo nung nahalikan ka ni Julian? " bulong na tanong ni Alyna na nakaluhod sa harapan ni Quinn.

Nag-isip naman si Quinn. "Magsabi ka ng totoo." ulit pa ni Alyna.

"Ah, ganun at bakit ka naman nagtatanong ng mga ganyang bagay? Wui Alyna 'wag mo kong gagayahin." babala niya sa kaibigan na alam na alam na niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito.

Padabog siyang tumayo. "Kumain na nga lang tayo."

Napangiti na lang si Alyna sa asal ng kaibigan. Kapag hinalikan siya ni Cedric alam niyang iiyak siya dahil sa wakas nangyari na rin ang pinapangarap niya.

Umiinom ng beer si Cedric sa Alta Tierra nang pumarada ang sasakyan ni Julian. Paglabas pa lang nito sa sasakyan ay napakalapad na ng ngiti nito at naiirita si Cedric dahil naiinggit siya.

Malalim na bumuntung-hininga ito at inubos ang laman ng can of beer sa isang lagok lang.

"Kuya!" tawag sa kaniya ni Cedric na ikinainis ng huli.

"Bakit? Pumayag na ba si Quinn na magpakasal sayo ha?"

Kumuha ng isang can ng beer si Julian at itinaas sa ereh. "Naka first base ako sa sweetheart ko!" sigaw nito na ikinangiti ni Cedric.

"Talaga. Buti naman at nakatayo ka pa?"

"Hehehe... Ang saya saya ko! Wohohoho"

May bumusinang sasakyan kaya napalingon sila at ang mga bumaba ay ang barkada pala nila at ang nakakapagtataka ay kasama nila ang class Valedictorian Erika.

Maingay na nilapitan sila ng barkada na may dala pang 3 kahon ng beer.

Walang imik na tumabi siya kay Cedric. Cedric smiled at her.  Napansin ni Sunny na mukhang masaya si Julian.

"Wui ang saya saya mo ngayon ah, dahil ba yan kay Quinn hap?" kilig pa si Sunny na nagtanong matagal na kasi nilang alam na patay na patay si Julian sa nakababatang kapatid ni Cedric.

Ngumiti lang ito. "Cheers."

Nagsalita si Erika sa unang pagkakataon... "Bakit pala iba ang school na pinapasukan ninyo?" tanong nito kay Cedric na ang sumagot ay si Julian.

"Ah yun ba kasi nandun ang bestfriend niyang si Alyna nag-aaral."

"Sino yun?" tanong ni Erika dahil hindi pa niya nakikita si Allyna.

Sumagot naman si Hunter. "Alyna, siya yung cute na batang laging nakadikit kay Quinn mula pa elementary, mas lalo na nga siyang tumaba ngayon...hahaha"

I Got A Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon