A/N: #IGAWHUD
Ang bilis ng panahon at nandirito na tayo sa kanilang happily ever after...This ia just a glimpse of their forever...
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Nakatayo si Joy sa harapan ng isang napakalaking gate bitbit ang kanyang bag na naglalaman ng kakaunti niyang gamit. Si Joy ay galing pa sa Siquijor, mahirap lang ang kanyang pamilya at sa tulong ng isang mayaman na mag-asawa ay bibigyan siya ng trabaho at makakapag-aral siyang ulit sa kolehiyo. Ang gusto niyang maging ay isang guro sa mga batang kapus-palad katulad niya at siyempre makapag-asawa ng isang gwapo at mayamang lalaki na mamahalin at aalagaan siya habambuhay katulad sa mga nababasa niya sa mga pocketbooks. We'll sino ba naman ang may ayaw ng isang marangyang pamumuhay.
Nag-iisip pa siya kung ano ang gagawin para makapasok nang dahan dahang bumukas ang malaking gate. Nag atubili pa siyang pumasok pero wala rin naman siyang mapapala kung tutunganga lang siya sa labas. Ilang metro lang ang layo ay nakikita na niya ang mansiyon na kanyang pagtratrabahuan. Hindi naman siya natatakot sa mga bagong pagsubok sa buhay pero kinakabahan lang siya sa mangyayari at kung anong kanyang gagawin. Pinapaubaya niya na lang sa Diyos ang lahat.
"Wow grabeh ang ganda" patingin tingin siya sa paligid at talaga namang hindi isang ordinaryong bahay ang kanyang magiging tahanan.
Sumalubong sa kanya sa may pintuan ang isang matandang babae pero maganda pa rin at nakangiti ito sa kanya. Nginitian niya rin ito pabalik.
"Kumusta iha. Ako nga pala si Milagros, ako ang ina nina Alyna at Cedric. Halika pasok tayo at makapag meryenda tayo. Pasensiya ka na pero wala ang mag-asawa nasa Hawaii naghoneymoon."puno ng saya ang mukha nito. "Ang asawa ko naman ay sinundo ang bunso ng mga Aragon sa school nito."
Tango lang ang sinagot ni Joy. Napadaan sila sa may sala. Sa gitna nito ay nakadisplay ang malaking wedding picture nina Alyna at Cedric at sa ibaba nito ay may lamesa na may maraming mga picture frames ang naka display. Napansin naman ng ginang na doon siya nakatingin kaya lumapit sila doon.
"Ang dami noh? Mahilig kasing magpicture si Cedric karamihan sa kanila kuha ang aking anak na si Alyna." kinuha niya ang isang picture frame. Ang nasa larawan ay isang magandang babaeng may bitbit na sanggol nakangiti kahit makikita mo ang pagod sa mukha nito at ang nasa tabi niya ay isang batang lalaki nas mga 3 taong gulang nakasimangot pero ang gwapo di maikakaila na kamukha ng ama.
"Tingnan mo to Joy ito ang pinakapaborito ko sa lahat.". Ibinalik ni Joy ang larawan at lumapit kay Milagros. Hawak nito ang isang larawan, at mukhang nasa kolehiyo pa lang ang mga mga ito sina Cedric at Alyna ang nasa gitna nakaakbay ang lalaki dito at nakapaligid sa kanila ang magkapares na babae at lalaki na parang mga gods and goddess sa ganda.
"Ang gaganda po nila." puno ng paghanga at inggit sa ganda ng mga ito ang dalaga. Sa malas ipinanganak siyang ordinaryo pero tanggap niya na yun. Nakakainsecure lang pagnakakakita ka ng maganda.
"Oh bakit?" tanong nito napansin siguro nito ang inggit sa kanyang mukha.
"Huh? W-Wala po. Ang swerte naman po ng anak niyo nakapangasawa ng mayaman na, gwapo pa." nasa kanyang tono ang pagkainggit kahit masama.
"At higit sa lahat mahal na mahal ka, na hanggang gawin ang lahat maprotektahan ka lang at mailayo sa kapahamakan. Hindi madaling makamtan ang pagmamahal Joy kailangan mo iyong paghirapan." seryosong sagot ni Milagros.
Natameme naman si Joy dahil tama naman ang matanda hindi ganda at rangya sa buhay nababase ang pag-ibig. Lahat kailangang paghirapan para sa huli masasabi mong it was worth it.
Isang busina ng sasakyan ang narinig nila mula sa labas at sumigla agad ang mukha ng ginang. Nakasunod lang si Joy sa kanya.
"Apo, its so good to see you! Halika nga dito and hug your favorite grandma"
Lumabas ang isang lalaki sa kotse at nakangiting niyakap ang ginang. Nanlaki ang mga mata ni Joy, lumilindol ang kanyang paligid, ito na siguro ang katapusan niya.
'Ang gwapo'
"Xander how is France?" tanong ni Milagros
"We'll it will not be the same since I'm gone" nakangiting sagot naman ng binata.
Kinurot naman ng ginang ang pisngi nito at nilingon si Joy.
Nasa kanya na ang attensiyon ng mga ito at hindi siya makapagsalita kahit bati man lang.
"Joy meet my grandson Alexander Cedric Aragon. Iho this is Joy Marie dela Cruz she is our new scholar at dito siya tutuloy. Be nice to her."
Inilahad ni Xander ang kanyang kamay. "Nice to meet you"
Umurong ang dila niya at nanigas ang kanyang katawan. Nagulat na lang siya ng may isang kamay ang humawak sa kanyang beywang at hinalikan siya sa kanyang labi.
The man who kissed her is more handsome and more deadly than the one in front of her. Mararamdaman mo yun sa kanyang aura na inilalabas. And oh boy, ngayon lang siya nakakakita ng isang lalaking kayang magpalaglag ng kanyang panty.
"What the? Kuya! I first saw her?" maktol ni Xander sa kanyang kapatid.
Napapailing na lang si Milagros at makahulugang tiningnan ang panganay ng kanyang anak.
"I first kiss her so back off now and do something else"
Na estatwa pa rin si Joy parang hihimatayin na sa stress. "From now on your my girlfriend and I'm your one and only love of your life Kristoff Cedric Aragon."
"Oh my gosh ano ba tong napasok ko. God bless me"
THE END.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
A/N: Wala na pong special chapter and I hope you'd enjoy this story. Please send your comments and vote vote vote...
Xoxo♥
BINABASA MO ANG
I Got A Wild Heart
General Fiction"I don't remember who you are but whenever your near, my heart gets so excited I thought it will burst out of my chest, can't breathe. My heart slowly dies whenever I don't see you even for a second, a minute, a day. I know...your very special to me...