CVTV 05

1K 63 14
                                    

Pasalampak akong umupo sa couch nang makarating ako sa bahay. I feel so exhausted. Ilang araw na akong palaging lumilipad ang utak. Habang nakatingala sa kisame ay pumikit ako. Hindi pa man nagtatagal ay nakaramdam ako ng mga hindi pamilyar na presensya sa aking bahay kaya napamulat ako at saka pinalutang ang aking sarili.

Gamit ang nagliliwanag kong mga mata ay nakita ko ang dalawang goblin, isang shaman at isang taong dragon sa may ibaba ko. I swayed my hand that's why my bow and arrow flew to my hands. I aim for a shot in an instant.

"Why are you here?" Seryosong tanong ko sa kanila. Gamit ang kapangyarihan ko ay dinala ko sila sa ibang lugar. Unang pinana ko ang taong dragon, hindi niya iyon inaasahan dahil ang pana ay nakatutok sa isa sa mga goblin kaya madali ko siyang napatamaan malapit sa tiyan niya. Mabuti nang mapahina ko agad ang dragon dahil sa apat na ito ay siya ang may pinakamalakas na katawan.

The goblin jumped nearer to me that's why I flew as I aim for a shot again. Nang bitawan ko ang palaso ay saka naman ako mabilis na inatake ng shaman kaya nagulo ang konsentrasyon ko at sa lupa bumaon ang pinakawalan ko.

Mabilis akong umilag saka ko naman pinatamaan ang shaman, tumama iyon sa kanyang kanang balikat kaya nawalan siya ng balanse at nahulog mula sa paglipad niya. My arrow carries a fatal pain which is my advantage in this situation. Mabilis na umamba ulit ako ng pagpana ngunit ang pangalawang goblin ay hindi ko agad nakita na nasa likuran ko pala.

Napaigik ako nang maramdaman ang paghiwa ng mga naghahabaan niyang kuko sa likuran ko. Even so, I managed to pull out the arrow in the second goblin's direction. Sumakto iyon sa kanyang dibdib kaya sa isang iglap lang ay naging itim na usok na lamang siya at ilang sandali pa ay naglaho na ito.

Mabilis na nasipa ko ang taong dragon na ngayon ay nanghihina na nang umamba siya para sugurin ako. Bahagyang kumirot ang sugat ko sa aking likod pero pinagsawalang bahala ko na muna iyon saka ko pinakawalan ulit ang palaso sa gawi ng dragon. Nasulyapan ko pa sandali ang naghihingalo nang shaman kaya sigurado akong hindi na ito magiging problema pa, mamaya ay magiging itim na usok na rin siya. Sa ere ay umikot ako para sanggahin ang pasugod na goblin saka ko ito sinipa sa tiyan.

Nang bumagsak siya sa lupa ay mabilis ko nang pinakawalan ang palaso na sumakto sa kanyang ulo. Napahinga ako nang malalim. This is not the first time after all, saulo ko na rin kung ano ang pakay nila sa akin. Bakit nga ba nagtatanong pa ako? Of course, they're after my remaining abilities.

Huling naging itim na usok ang dragon. Doon pa lamang ako nakabalik sa bahay ko. I feel so drained kaya nang bumagsak ako sa sahig ay hindi ko na iyon pinagtaka pa. This is why I don't want to use too much of my power, dahil wala ako sa Nyx ay labis na panghihina ang mararamdaman ko matapos kong gumamit ng labis nito. Isa pa ay sugatan din ako, kumikirot-kirot na naman iyon at miski ang pagtulo ng aking dugo ay ramdam ko na.

I was so dizzy when a fussing footsteps neared me.

"What the hell?" I heard him murmured. Mayamaya lang ay ramdam ko na ang pagsikop niya sa akin. 'Di nagtagal ay naramdaman ko ang pag-angat ko saka siya naglakad.

Bahagya ko lamang na naaaninag ang mukha ng may buhat sa akin pero sapat na iyon para makilala ko siya.

"Cas..Cassi...us." I hardly uttered that made him turn his head to me.

"Yeah, it's me. Don't speak for now, you have to rest." Naaninag ko pa ang pagngiti niya sa akin bago ko pinikit ang mga mata ko. Tuluyan lamang akong nahulog sa pagtulog nang maramdaman ko na ang init ng aking higaan.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na tila nag-aapoy ang upper body ko habang tila naman nagyeyelo ang lower body ko. I weakly opened my eyes. Nag-iinit na tila nadadarang sa apoy ang likod ko kung saan naroon ang sugat na natamo ko.

Cassius Vlad: The Vampire (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon