CVTV 23

575 37 0
                                    

I was wearing specs while working on my laptop when Jianna, my secretary entered my office.

"Miss Lena, na-cancel po ang meeting niyo with Mrs. Esquivel. Nasa urgent business trip daw po kasi siya kaya pasensya na at naantala raw po ang supposed meeting niyo."

"Oh. Tell her that it's a no problem, Jia. By the way, it's already afternoon. Have you eaten your lunch meal?" Ibinaba ko ang glasses ko sa tungki ng ilong ko.

Nahihiya siyang ngumiti sa akin.

"Hindi pa po e," mabagal niyang ani na tila ba nagdadalawang-isip siyang sagutin ang tanong ko.

"Why? Wala ka bang budget? You should've asked to me!" Nag-aalala kong wika. Mag-aalas dose y media na kasi at hindi pa siya kumakain.

"Naku, Miss, hindi po! Ang laki nga po ng sweldo ko rito e."

"Then why are you not eating a meal?"

"Nag-brunch meal po kasi ako kanina. May hang-over po kasi ako."

"Is that so? Masakit ba ang ulo mo? You should've told me, you can take a day off, Jia."

"Hindi po, Miss. Ayos lang po ako. Uh, aalis na po ako." Tinuro niya pa ang pintuan kaya tinanguan ko na siya saka siya umalis.

Hindi pa naman din ako nagugutom kaya baka mayamaya na lang ako kumain.

Nagtitipa ako sa aking laptop nang marinig ko ang muling pagbukas-sara ng pinto. Maybe Jia has something to say again, nakalimutan niya siguro kanina.

"May nakalimutan ka, Jia?" I asked without looking at who entered the office.

I lifted my face when I felt the presence nearing me. And then just like that, my lips brushed to an another lip.

"Hey," he uttered with a smirk.

"You're here? Why?" Naguguluhang tanong ko sa bagong dating. I didn't expect that he's coming.

"To get a kiss from you," he winked. Napangiwi ako.

"Have you eaten?" He crossed his legs when he sat in a couch.

"Hindi pa,"

"Why is that? Hinihintay mo ako?" Mapanuya niyang saad.

"Stop assuming things," kakaupo pa lang niya ngunit tumayo na ulit siya at lumapit sa akin.

Bahagya niyang pinayuko ang laptop at saka naupo sa table ko.

"Kumain ka muna. Hindi naman tatakbo 'yang trabaho mo."

Napatango ako nang wala sa oras. Alam ko kasing ipipilit niya iyon kapag hindi ako pumayag ay baka dahil sa pagpipilit niya ay aksidente pa niyang makita ang mukha niya sa desktop wallpaper ko.

"Anyway, hon..."

"Hmm?" Saglit ko siyang nilingon habang inaayos ang mesa ko para naman organize 'yon bago ako umalis.

Ang hindi ko lang nalinis ay ang parteng inuupuan ni Cas. Kung bakit ba naman sa dami ng couch sa opisina ko ay sa mesa ko pa niya napiling umupo?

"You look lovely with specs on." Saglit akong natigil sa pamumuri niya. Huh, he surely knows how to flutter a heart.

"Thanks,"

"I accept kisses as 'thank you'."

"Then I won't be thankful na lang," Ingos ko naman sa kanya. Ano siya, sinuswerte?

He chuckled at my words. "Bagay din sa'yo ang suplada. Ang ganda mo pa rin." Pinapaling niya ang ulo sa bandang kanan niya para suriin ang mukha ko.

"Willing akong tumanggap ng suplada kapag ikaw," ngisi niya.

Cassius Vlad: The Vampire (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon