CVTV 32

501 33 1
                                    

Mabilis pa sa kidlat na pumutok ang balita na may relasyon nga raw kami ni Cas. Marami ang naiintriga dahil doon at hindi ko 'yon inaasahan.

Some praises us being a perfect couple and some bashed me. Ayos lang naman, naiintindihan ko sila. Hindi kasi nila ako ganoong kakilala kaya nasasabi nila iyon and I forgive them. Lahat naman nagkakamali at sa lahat ng pagkakamali, may lesson kaya I'm happy to be a way to give them a life lesson.

@MaePilay: omg, kainis. Nasa loob ang kulo ni ate girl niyo.

@MavanToot: kunwari mabait pero landi pala!

@Craezisa_yu: ahas sssss!

@thalipanda_s: landi!

Ewan ko kung bakit nag-stay pa rin ako sa particular post na 'yon. The offensive words are not affecting me. Siguro dahil alam kong hindi naman totoo 'yon. Wala akong inahas kasi simula pa lang naman ay akin lang asawa ko. Nauna ako sa asawa ko.

Ni-reload ko ang post. It was posted 8 hours ago.

1M views 596, 674 likes 600k comments

Trending sa social media at binalita kagabi sa news. Hindi ko alam na ganoon kalaki ang magiging issue. Kita kong kahit mga foreigners ay may comments sa post.

Kagabi ko pang gustong mag-sorry kay Cas. Nakakahiya sa kanya. Maaabala pa siya sa trabaho niya kasi baka habulin siya ng mga media.

Tapos na akong mag-ayos sa sarili ko. Parehas kaming papasok sa trabaho ngayon pero heto ako, nasa gilid pa rin ng kama. I'm so guilty. Sarili ko lang ang iniisip ko. We haven't talk about this last night. Hindi niya rin naman na-bring up kagabi.

Pagkauwi namin ay nagluto agad siya ng meal namin at pagkatapos manood ay dumiretso na kami sa kwarto hanggang sa makatulog na lang kami.

Naalerto ako nang marinig ko tumunog ang pinto ng banyo. Nang lingunin ko siya ay naabutan ko ang pagpupunas niya sa basa niyang buhok. Ladlad na naman ang pangmodelo niyang katawan.

"Ang ganda ng mahal ko, paraluman." Kumabog nang pagkalakas-lakas ang dibdib ko dahil sa tinuran niya. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Aga-aga, Cas..." saway ko sa kanya.

"Why? Masama na bang magsabi ng totoo kapag umaga?" Kunwari'y inosente niyang tanong.

Tumungo ako at pinaglaruan ang daliri ko. Siguro problemado na rin siya sa issue at hindi lang pinapahalata sa akin.

"Sorry..." mahina kong sabi.

"Huh? Sorry? For what?" Naguguluhang tanong niya. Mayamaya lang ay nasilayan ko na ang mukha niya dahil umupo pala siya para sipatin ang mukha ko.

"K-Kasi ano...iyong issue," maliliit pa rin ang boses na sabi ko. Napasinghap ako nang bigla niya akong kabigin para sa isang yakap. He kissed the top of my head.

"That's not issue, it's a fact. We're in a relationship, so what? Totoo naman." Pinatakan niya ulit ng halik ang buhok ko.

"Pero maaabala ka..." aminin ko man o hindi ay alam kong dahil sa sinabi niya ay magaan na ulit ang loob ko. Nag-aalala lang ako kasi baka magalit o mainis siya.

"Walang aba-abala kapag ikaw, kapag para sa'yo, hon." Hinaplos niya ang buhok ko at saka bahagyang lumayo para tingnan ako.

"Don't worry 'bout that. I'll handle that," paninigurado niya saka humawak ulit sa bewang ko.

Cassius Vlad: The Vampire (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon