CVTV 15

650 42 3
                                    

Nangunot ang noo ko nang sa pagkapasok ko ng opisina ko ay nakasalubong ko ang janitor na palabas na.

Matangkad siya, maputi at may kasingkitan ang mga mata. Matangos din ang ilong at ang labi ay mamula-mula. At first glance, he doesn't look like a janitor. Kung hindi dahil sa uniporme niyang kulay asul ay wala siyang pagkakakilanlan.

"Excuse me." I called his attention. Mabilis naman niya akong nilingon.

"Yes, Ma'am?" Kahit ang pananalita niya ay tonong pang mayaman. I tilted my head, siguro ay mali lang ako ng assumption? I can hear his voice in my head, an assurance that he's a human.

Nilingon ko ang name plate niya. Terron. It's a classy name.

"Are you a newly hired staff?"

"Yes, Ma'am. May problema po ba?"

"Wala naman. Just so you know, I don't want my office to be checked regularly. I'll just call you if I want to." I politely explained and gave out a smile.

"Sure, Ma'am. Pasensya na po." Tinanguan ko siya nang ngitian niya ako. My forehead creased when his smile became a smirk before he ushered away.

Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon saka pumasok na nang tuluyan sa aking opisina. My office feels strange today, maybe because someone entered without my consent? After all, I'm a private type of Goddess. I don't want my things being in hands of others. Maliban na lang kung pinagkakatiwalaan ko ang hahawak sa mga gamit ko, papayag ako.

"Jia, please pass me the papers that needs to be signed right away." I announced to her using our office devices that are connected with each other.

Nagpadeliver ako ng sandwich with strawberry jam at strawberry juice para hindi naman masyadong boring ang pagta-trabaho ko. Isa pa, I don't want to use my powers today because I've used it often for the past days. Baka mamaya ay bigla na lang akong manghina dahil nauubusan na ako ng enerhiya.

Naunang dumating si Jia sa opisina ko bago ang pagdating ng mga inorder ko. Noon pa lang ako nagsimulang magtrabaho.

Tumigil lang ako nang mangalay ang kamay ko dahil sa kapipirma. My eyes roamed around the office and my forehead crumpled when my sight darted into an incense. Kulay abo iyon at lampas kalahati na noon ang nasunog.

Noon ko lang napansin ang amoy nito, I noticed its sweet smell awhile ago but I thought it was my perfume. I took a sip of my juice before I stood up.

I neared the vase of incense and as I took steps to near it, I feel my head spinning. Marahil ay napagod ako sa pagtatrabaho ko?

My legs wobbled and the spinning of my head intensified. Napasapo ako sa noo ko nang makaramdam na ako ng matinding pagkahilo katuwang noon ang matindi ring antok. My sight became blurry and my legs gave in.

Lumagapak tuloy ang katawan ko sa malamig na sahig. Nasagi ng kamay ko ang plorerang pinaglalagyan ng insenso kaya ang pagkabasag noon ay dinig ko pa. Ang ilang bahagi ng nabasag na plorera ay ramdam ko pa ang pagtama sa akin.

Paikot-ikot pa rin ang paligid ko at ang mata ko ay malapit na ring bumigay. My lips parted as I saw a familiar face gawking at me with a smirk.

"Hi, wife of Cassius. Nice to meet you." Iyon ang huli kong narinig mula sa kanya bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nang magising ako ay ramdam ko ang panghihina ko, bahagya pa rin akong nahihilo. Wala pa ring lakas ang aking binti pero malaking bagay na ang pagkakagising ko.

Madilim ang paligid. Tahimik. It feels empty if I'm not here. Naaaninag ko ang maninipis na bakal na tila rehas ng isang kulungan. I crawled until I had a touch of the cold metal.

Cassius Vlad: The Vampire (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon