CVTV 30

530 33 0
                                    

"Uy, nag-come back na kayo? Kailan pa?" Salubong na tanong sa akin ni Jia. She accidentally saw Cas. Inihatid kasi ako nito kanina lang.

We're still not okay. Madalas ay hindi ko siya pinapansin. I want to fix this pero kinakabahan pa ako. Paano kung may mabigat na rason talaga? I want to ready myself because I know that if he's hurt, I'll be hurt too. Mas masakit kapag siya ang nasasaktan.

"Hindi pa kami okay, Jia. May mga bagay na dapat pang pag-usapan."

"So? Bumalik nga siya? OMG! Bakit mas hot at gwapo siya ngayon?" Kinikilig na tanong niya kaya ngumiwi ako.

"May asawa ka na, Jia." Paalala ko sa kanya na ikinairap niya.

"I know! Eto naman selos agad!" She slapped my arm lightly.

"Hindi ako nagseselos, Jia."

"'Wag ako! Gawain ko na 'yan e, ako pa ang lolokohin mo." Tukso niya pa sa akin kaya napairap na lang ako.

Sabay kaming sumakay ng elevator kaya tuloy ang pagdaldal niya.

"Kainis naman, inaaya akong mag-honeymoon ni jowa ko kaya lang, wala kaming pag-iiwanan kay Yuna kaya sabi niya, 'wag na lang muna. Saka na lang daw." Yuna, Jia's daughter is already four years old. Itinago niya sa ama kaya nang makilala ng kanyang ama ay tatlong taon na.

"Iwan mo sa'kin kung okay lang sa'yo."

"Huwag na, nakakahiya sa'yo."

"Tsk, iwan mo nga sa akin. Ayos lang, na-miss ko na rin naman si Yuna. Para makapag-bonding ulit kami." I insisted. Napaisip siya dahil doon.

"Sure ka? Hindi ba hassle kung sa'yo muna si Yuna?"

"She's cute! I love to be with her."

"Sige, inform ko sila. 'Wag kang mag-alala mga two to three days lang naman kaming wala, siguradong mami-miss agad namin ang batang 'yon. Sobrang kulit pa naman niya."

"Sabihin mo na lang kung kailan para ready naman ako."

"Sure! Sige, una na ako," paalam niya saka lumabas ng elevator.

Napabuntong hininga na lang ako habang hinihintay ang muling pagbukas ng pinto ng elevator. My phone rang because of a call from Zachariel.

I clicked the green button before I stick the phone near to my ear.

"Good morning, sweetie." Nangiti ako sa malambing niyang boses. Kung wala lang akong Cas ay siguradong hulog na hulog din ako sa isang 'to.

"Morning. Nagbreakfast ka na?"

"Yes po, mommy. Okay ka na po ba?" He teasingly asked me.

"Tsk, okay naman ako. May iniisip lang,"

"Sabi mo e. Ano? Lunch tayo mamaya sa Deluxe?" Habang naglalakad ay pinag-isipan ko na ang isasagot ko sa kanya.

For the last months, madalas nga kaming sabay kumain ng lunch o kaya ay dinner kaya naging maugong ang issue na may relasyon kami ni Zachariel.

"Inaaya mo ba ako ng date?" Ngisi ko naman sa kanya.

"Hindi kita type 'no," pabirong singhal naman niya.

"I feel the same way, Zach." Pinalambing ko ang boses para asarin siya.

"Psh, pero kapag isang taon pa at wala kang naging asawa, pakasal tayo." Sabay kaming natawa sa sinabi niya. Matagal na akong kasal, Zach.

"Hindi ka na rin lugi sa akin,"

"I know," he chuckled.

"So lunch later sa Deluxe?"

"Yeah, should I pick you up?"

Cassius Vlad: The Vampire (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon