CVTV 19

553 39 14
                                    

Upon seeing her face ay nainis na agad ako. Hanggang dito ba naman ay makikita ko pa siya at bakit parang nananadya pa siya at may pangisi-ngisi pa siya sa akin?

Lukot ang mukha ko hanggang sa makarating kami sa suite. Ayaw ko rin naman na masira ang bakasyon na ito dahil lang sa babaeng iyon pero hindi ko rin maiwasan na mainis. Just by thought na paaligid-aligid siya rito!

Isa pa ay hindi ko talaga nagugustuhan ang paglingkis niya sa asawa ko. Kapag nainis ako ay ibibitin ko siya ng patuwarik, I swear!

"Hey, babe. What's making you upset? What did I do?" Malambing ang tinig niyang tanong sa akin habang pumipisil sa tagiliran kong kanina pa niyang hawak.

"Psyche is here too, nakakainis lang." Nakalabi kong maktol sa kanya.

"Psyche who?" Bahagya akong napamaang dahil sa tanong niya. Hindi ba niya natatandaan ang babaeng 'yon? He's so impossible but well, it's a relief for me.

"Iyong babaeng Morrison. 'Yung dikit nang dikit sa'yo."

"Oh. Her? Don't worry 'bout that, hon. Just remember this, okay?" Tiningala ko siya para mas pagtuunan ng pansin ang kung anong sasabihin niya.

"Cassius Thunder Vlad is for Lenacynth Venedicto only. Just for my wife, for you only. Look at this," itinuro niya ang marka ng pangalan ko sa kanyang dibdib na awtomatikong umukit nang ikasal kami.

"Markado mo na ako," he winked playfully. "Wala e, limited edition ako." Dagdag na biro niya saka humalakhak.

Nawala na ang gusot sa aking mukha dahil feeling ko ay sinusuyo niya ako at totoo namang napagaan niya nang husto ang nararamdaman ko.

Pasado alas otso y media nang magpalit na ako ng bikining kulay dilaw. Perpekto ang kulay noon sa makinis at kulay puti kong balat. Ang twisted bandeau top ay ang siyang nagpakita kung gaano ka-fit ang pang-itaas kong katawan.

Hindi kalakihan ang boobs ko pero maumbok din naman iyon. Kumbaga ay average. Litaw na litaw rin ang collarbone ko at mas nadepina ang slender kong leeg.

Ang tie-side bottoms naman ay perpekto para i-highlight ang mahaba at slim kong binti. Sabi nga ni Ry ay papasa na ako bilang model. Tinakluban ko muna ng roba ang swimwear ko. I don't know if Cas would approve this pero nasa beach naman kami at normal lang na ganito ang suot ko! Alangan namang mag-jeans at jacket ako rito.

Nagsalubong kaagad ang makapal niyang kilay nang makita ako pagkalabas ko sa banyo. Sinuri ako nang maigi nang kanyang kulay pulang mata.

"You're wearing a swimwear, aren't you?" Panghihinuha niya. Guilty akong tumango sa kanya. Pero okay lang naman 'to ah!

"May I see?" Nilingon ko siya saglit bago ko pinadausdos ang roba pababa. I felt his intense stare focused to my body.

Mayamaya ay tila hirap niya akong tinalikuran.

"Fuck...." he painfully groaned.

"Are you comfortable with that?" Mamaya ay tanong niya ulit habang nakatalikod pa rin. Malamyos na ang boses niya ngayon.

"Oo naman, hindi naman kasi ako sanay na nakadamit kapag nags-swim." Pinanood ko na lamang ang nakatalikod na bulto ng kanyang katawan. Bakit ba siya nakatalikod sa akin? Ang pangit ko ba?

Tumango siya kahit nanatili siya sa nakatalikod na posisyon.

"Cas," tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Bakit ka ba nakatalikod diyan ha?" Nanunumbat kong tanong sa kanya.

"I can't take the sight, baby..." hirap na aniya. Bumaba ang tingin ko sa sahig.

Cassius Vlad: The Vampire (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon