CVTV 35

511 30 0
                                    

"Welcome to my home, hon. Welcome to our family." Tigalgal akong bumaling sa kanya.

Did I heard it right? Family? As in literal?

"Your...family, Cas?" Naniniguradong tanong niya.

"Yes. He's my father and those four idiots are my brothers." Nilingon ko ulit ang nasa harap ko at wala na yata akong maikakagulat pa nang mamataan ko roon si Terron.

That Terron! The Terron who caged me, that jerk.

"Oh, sister-in-law, don't glare at me like that." Defensive na sabi agad nito pero inirapan ko ito.

"Good evening, Sirs." I bowed a little and smiled. May kaba sa dibdib ko. 

Ang tatlo niya pa kasing kapatid ay matamang nakatitig sa akin habang nanunuring nakatingin sa akin ang papa ni Cas. Si Terron naman ay nakangisi sa akin tila inaasar pa ako. 

"What the heck are you doing morons? Pinapakaba niyo ang asawa ko!" He hissed, bahagya ko siyang siniko dahil baka magalit sila. 

Medyo natulala ako nang sabay-sabay silang nagsitawanan. 

"There, there. I'm satisfied." Humalakhak ulit ito. May kahabaan ang buhok nitong purong itim at ang abo niyang mga mata ay palakaibigang tumingin sa akin. 

"I'm Lancelot, nice meeting you, sis-in-law." Aniyang may ngiti na sa labi. 

"Hi, uh, Lena." Abot ko sa kamay ko. 

"Uh, wala tayo sa business meeting and we used to kissed ladies' hand in this kind of times--" hindi na natapos ni Lancelot ang sasabihin dahil kinuha na ni Cas ang kamay ko at pinagsiklop sa kamay niya. 

"Subukan mo, Lancelot Andrius. Makakatikim ka sa'kin." Nanghahamong sabi nito na ikinailing ko na lang. Ang dalawang kamay ni Lancelot ay nakataas na, tila ba sumusuko siya sa pulis. 

"The ruthless, insensitive and untouchable Cassius Thunder is now a possessive and caring husband, huh? What a news." Mas kamukha ito ni Cassius, ngunit tulad ni Lancelot ay abo rin ang mga mata. Medyo soft rin ang features niya. 

"Giovanni Alejandrus." Umamba itong hahalik sa pisngi ko pero mabilis na humarang si Cas sa gitna namin at tinulak ang kapatid. 

"What the fuck, Gio?" Angil nito ngunit halakhak naman ang sagot nito sa kanya.  

"Hi, Miss Lena--" 

"Mrs. Asawa ko 'yan, Zin." Diin nito. Pinagtatawanan tuloy siya ng mga kapatid at pati na rin ng ama niya. Nahihiya tuloy akong ngumiti sa kanila. 

Lumalabas na naman ang pagiging possessive ng bampirang 'yon. Akala mo naman may aagaw sa akin at isa pa, hindi naman ako papaagaw! Ewan ko sa'yo, Cassius! 

"Alam ko, Kuya! Can you loosen up a bit?" Sarkastikong tugon nitong Zin. Hawig siya ni Terron pero red din ang eye color. May dimple kaya cute at may trace ng gray ang buhok. 

"Shut up." Pinukol niya ito ng masamang tingin. 

"Calm down, Cassius Thunder. Wala ka naman ditong kaaway." Bulong kong suway sa lalaki. Nilingon ako nito. 

"Hon..." nagmamaktol nitong tugon pero hindi naman na ulit umimik, puro masamang tingin na lang ang ibinabato. 

Medyo gulat ako na nananagalog sila. Akala ko ay magiging translator ko si Cas dito dahil hindi ako marunong mag-French. Buti naman at hindi na kailangan ng translator. 

"There you go, softie bro. Buti nga sa'yo." Asar ni Terron kay Cas. 

"You--" mariin nitong sabi pero mabilis din namang lumingon sa akin at saka tumigil.

Cassius Vlad: The Vampire (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon