CVTV 24

537 30 0
                                    

NOTE: Sas efcharistó is a Greek word means 'thank you'. ^_^

______________________________________

Tinangka kong magsalita, ilang beses na sumubok ang aking dila ngunit wala akong salitang naporma. Dahil sa pagkamangha at pangungulila sa lugar ay nanulay ang aking tingin pabalik-balik sa tanawin.

I missed this so much! Ang unang lugar na nakita ko at ang una ring lugar na nagtapon sa akin. Dumako ang tingin ko nang maramdaman ko ang daliri ni Cas malapit sa aking mata. May pinawi siyang kung ano roon at noon ko lamang na-realize na tumutulo na pala ang luha ko.

Kumikislap ang paligid dahil sa ganda nito. May palakad-lakad na batang anghel malapit sa amin. Kulay puti ang mahaba niyang bestida. Bilugan ang kanyang mga mata, manipis ang labi at ang ilong ay maliit ngunit mataas. Ang buhok niya ay umaalon at dapat nga lang na tawagin siyang anghel dahil sa ganda niya.

Sa bandang likuran ng batang babae ay green elves naman ang namamasdan ko. Matangkad sila at mahaba ang tainga. Ang damit ng mga babae ay putol bago sa kanilang puson at ang kalalakihan naman ay walang saplot pang-itaas. Ang ibang babae na wala pang asawa ay naka-mahabang berdeng bestida na abot hanggang lupa.

Sa itaas ay may lumilipad at nagpapasiklabang mga dragon habang nang nilingon ko ang aming likuran ay nakita ko ang tatlong unicorn. Sa hula ko ay magkakapatid sila.

My eyes widened when I saw two familiar faces from afar. Without minding that I'm wearing a high heels, I ran as fast as I could in their location.

Napaspas ng hangin ang mukha ko at dahil sa mas pagmamadali ay ginamit ko na ang kapangyarihan ko. I flew to where they are.

Maalon at mahaba ang buhok ng mestizang babae. Hindi bakas sa maamo at maganda niyang mukha ang matanda na niyang edad. Kulay kahel ang suot niya bestida na abot hanggang sa marmol na sahig.

Ang katabi niyang lalaki ay may kahabaan na ang buhok ngunit bakas pa rin ang katipunuan at kagwapuhan sa kanyang mukha. Bilang hari ng angkan ay suot niya ang koronang ginto.

"Mom...Dad..." I uttered with shaking voice and tears that are ready to fall off.

I missed them so much. Inisang hakbang kong pagitan namin para yakapin sila. Ilang dekada na ang lumipas mula nang mamuhay ako sa mundo ng mga tao ngunit hindi malilimutan ng aking mga mata ang kanilang itsura.

Ang pangungulila sa aking puso ngayon ay napunan dahil nakita kong muli sila. Ngunit nang yakapin ko sila at lumampas ang kamay ko sa kanilang balat.

Nangunot ang noo ko. Bakit?

"I'm sorry, hon but this are made up of my illusion only. You can't touch them, sorry." Mababa ang boses na bulong niya sa akin.

His voice was too sincere and pleasing and I don't know why does he have to be sorry? He made me happy today. He always does.

"Sas efcharistó, Cas." I slip my fingers to hold his hand. His lips slowly formed a sincere and warm smile.

"Actually, this is way too much for an effort." I continued. Alam ko naman na hindi niya mabubuo itong mundo na ito kung hindi siya gagamit ng abilidad niya.

I know the risk factors too. It can weaken him. It's so thoughtful of him to think about making an illusion of our world. I really don't know how to thank him.

He tighten his hold to me.

"You know, I can give you my life if needed." He winked but I slapped his arm lightly.

"Ayoko nga! Bawal mong ibigay sa'kin ang buhay mo kasi sa'yo 'yun." I contorted, his smile became a smirk again.

"But what if...you're my life that I don't need mine, basta merong ikaw." He caressed my cheeks slowly. My eyes teared up again.

Cassius Vlad: The Vampire (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon