CVTV 26

471 31 0
                                    

Gising naman ako pero hindi ko magawang imulat ang aking mga mata. The corner of my lips felt so sore. Pakiramdam ko ay buong katawan ko ang masakit.

My muscles are tight and I can't move it 'coz it's so painful. Namamaga ang braso at mga binti ko, tumitibok-tibok ang mga ugat sa aking ulo at ubod din ng sakit noon. I was groaning in pain but no sound came out of my mouth.

Until I felt my head spinning, I badly want to scream for a help. I want someone to cure me but I just can't shout. I feel sleepy again so I calmed myself as I decided to just sleep again.

At least, wala akong nararamdamang sakit kapag tulog ako. Hindi ko na namalayan kung gaano katagal ang naging tulog ko basta nagising na lang ako na mas maayos na ang pakiramdam ko.

Naimumulat ko na rin ang mga mata ko. Dahan-dahan ako umupo sa kama bagaman nanghihina pa rin ako. Pawisang-pawisan ako kaya gusto ko sanang maligo.

Pinilit kong lumakad hanggang sa makarating ako sa banyo at saka ako pumailalim sa shower. Medyo natagalan ako sa banyo dahil masarap ang maligo.

Lumabas ako roon na tanging puting roba lang ang suot. Unlike before, mas maaliwalas ang pakiramdam ko ngayon.

Paupo na ako sa kama nang bumukas ang pinto ng kwarto. My eyes twinkle as I hope that it's Cas. I missed him!

But my hopes turned down when I saw Strawberry's face. Not that I'm not happy to see her. I just want to see Cas' face.

"Hi, how are you?" Tanong niya sa akin, may bitbit siyang itim na food tray.

"I'm kinda okay now," I timidly smiled on her as I looked after her shoulder to see if there's another vampire but I see no one.

I sighed in silence. Baka hindi pa siya magaling? Paano kung mas napinsala siya kaysa sa akin? Kamusta na ba siya? Gumising na kaya siya?

Bigla akong kinabahan sa mga isiping iyon. Siya ang humarap at kumalaban kay Yvorr kaya hindi imposibleng mas nasaktan siya kaysa sa akin. Ano kayang nangyari kay Yvorr? Sana ay napatay ko siya, ang bwisit na 'yon.

"That's good to know. Buti naman, sobrang nag-aala sa'yo ang asawa mo." Napabaling ako sa kanya nang untagin niya ang mga salitang iyon.

"T-Talaga? Okay na ba siya? Magaling na siya?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. There's something that her eyes are telling but I can't figure it out well.

Matagal bago niya ako sinagot pero mapagpasensya kong hinintay ang sagot niya.

"O-Oo naman. Magaling na siya," she assured me so I smiled to her brightly.

"Can I visit him? Ayos naman na ako,"

"N-No!" Natutop kaming pareho dahil sa mabilis niyang sagot. Napakunot tuloy ang noo ko dahil sa pagtataka.

"I-I mean...sa ibang araw na lang siguro? A-Ang bilin niya kasi sa'kin ay siguraduhin ko raw muna na magaling na magaling ka na bago kita hayaang lumabas sa kwarto niyo..." mahabang paliwanag niya pero hindi ko maiwasan ang magduda. Is she lying to me? Ano bang totoong nangyayari?

"Strawberry, okay lang kahit hindi ko siya makausap. Iche-check ko lang siya, titingnan ko lang naman siya..." pilit na pagpapaintindi ko sa kanya pero sinagot niya ito ng sunod-sunod na pag-iling.

"Ate, magagalit si Kuya Cas sa akin. Ibinilin ka niya sa akin..." maliliit ang boses niyang sabi habang napapayuko.

Bigla ay nakonsensiya ako. Sa kanya magagalit si Cas gayong ako naman ang makulit.

"Sorry, 'ry. Nag-aalala lang ako sa kanya,"

"Naiintindihan ko naman 'yon, Ate. For now, magpalakas ka na lang ulit muna. Baka bukas o sa makalawa, madalaw mo na siya..." masayang aniya kaya ngumiti ako.

Cassius Vlad: The Vampire (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon