CVTV 07

905 56 8
                                    

Nakatulog akong kumikirot ang ulo ko at nagising rin ako sa parehong sitwasyon. Itinuon ko ang dalawang daliri ko sa aking noo dahil sa sakit ng ulo ko.

"It's a sign that you had a great nightlife yesterday, am I right?" Napatingala ako nang dahil sa nanunuyang boses na iyon. Nakangisi na siya sa akin kaya pinanlisikan ko siya ng mata.

"Shut up."

"You're sober now. Drink a tea to ease your headache." Aniya habang naglalakad at saka inilagay ang puting maliit na tasa sa ibabaw ng bedside table.

"I'll took a bath first." Iwas ang tingin kong sabi dahil wala na naman siyang saplot pang-itaas.

"Are you going to work today? You're not fine." Komento niya kaya tiningala ko siya. Halos tumungo na lang ulit ako nang magsalubong ang mata namin. Wala iyong emosyon ngunit bahagyang pagkapula noon ay sapat na para akitin kang tumitig pa roon.

"Yeah. I can manage though." Inalis ko ang comforter na nakataklob sa kalhati ng katawan ko saka ako umalis sa kama.

"Pwede bang ikaw na ang mag-order ng breakfast?" Saglit ko siyang nilingon.

"May luto na ako." Napalingon ulit ako sa kanya nang marinig ko iyon pero ang likod niya na lang ang naabutan ko. Dire-diretso na siya sa paglabas mula sa aking kwarto.

Nasa ilalim na ako ng tubig galing sa shower nang sumulpot sa isip ko ang nangyari kagabi. Napapadalas ngayon ang pagpunta ng iba't-ibang nilalang sa bahay ko. Aron, sigurado akong bampira siya dahil bukod sa kilala ito ni Cassius ay nasulyapan kong wala siyang reflection sa salamin.

There's an idea that keeps popping inside my head which I don't really want to entertain but there is really a possibility. A doubt that maybe he's after my abilities as well? But why marry me? To enslave me? Kung kukuhanin niya sa akin ang natitira kong kakayahan, ano pang magiging silbi ko sa kanya?

Did he took care of me to waver me? But I've seen sincerity in his eyes.

Lumabas ako sa kwarto ko na nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalyang puti. Peplum top at short na terno ang suot ko ngayon.

"Akala ko natulog ka ulit sa banyo." Umingos ako sa kanya nang magsalita siya.

"Mas maganda sana kung tatahimik ka na lang."

"Naubos mo ba 'yung tea?" Tumango ako sa tanong niya saka ko giniya ang sarili sa upuan.

"Hihintayin kita sa kotse." Aniya saka umalis. Kumunot ang noo ko. Hindi siya makulit ngayon, bakit? Did something happen while I was asleep?

Mabilis na inubos ko ang pagkain ko saka kung aling wedge na lang ang isinuot ko. I grabbed my bag from my bedsheet before I ran.

Nang makapasok sa kotse niya ay naabutan ko pa siyang nakatingala at nakapikit. Ang braso niya ay nakatakip na naman sa mata niya. Bumuntong hininga siya nang tila maramdaman na nakasakay na ako.

Walang imik niyang ini-start ang kotse niya at pinatakbo iyon. It was so awkward because he's not breaking the ice between us.

"May problema ka ba?" Mayamaya ay tanong ko nang hindi ko na matiis ang kanyang katahimikan. Damn, hindi ako mapakali habang tahimik siya.

"Worried ka?" He asked trying to be cool but I know deeper than that.

"No. Anong problema mo?" Diretsa nang tanong ko. Bahagya ko pa siyang nilingon pero nanahimik lang siya lalo. Tikom ang bibig niya ay magkalapat ang labi niya.

"Is it something about last night?" Bahagya niya akong nilingon dahil sa tanong ko. Kita ko ang pangngisi niya sa peripheral vision ko.

"You're so persistent today. Are you that interested on me?" Nanunuya niyang sabi na mabilis kong ikinangiwi.

Cassius Vlad: The Vampire (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon