CVTV 06

914 57 6
                                    

I was preparing myself to go back home when the door opened. Hindi pa ako fully healed but I have to work para hindi ako matambakan ng paperwork. Matagal bago ko nakumbinsi si Cassius na payagan ako. All the times I spent with him this past few days, he's taking care of me.

"May kailangan ka, Jia?" Tanong ko sa bagong dating habang isinisilid ko sa bag ko ang phone ko.

"Ah, Ms. Lena, birthday ko po kasi ngayon at gusto ko po kayong iinvite. May maliit po kasing celebration sa malapit na bar dito, okay lang po ba?"

"Oh sure! Susunod ako, just send me the address." Malaki ang ngiting binigay ko sa kanya nang makita kong nasisiyahan siya dahil sa pagpayag ko.

"Sige po, hihintayin ka namin!" She energetically uttered before she exited from my office.

"I'll go with you then." Bahagyang napapitlag ako nang bigla ko na lang marinig ang boses niya sa loob ng opisina ko kaya napalingon ako sa kanya. Ni hindi ko man lang namalayan na narito na pala siya.

"Gosh, you startled me. And it's no use, kaya ko naman na." I insisted. Ang magkapatong niyang binti ay pinaghiwalay niya saka nakapamulsang tumayo.

"Sasama ako sa'yo." Pinal na aniya saka bigla na lang ulit nawala sa harap ko. Gosh, ang sutil ng bampirang iyon.

Nang maayos ko na ang gamit ko ay saka ako umalis sa opisina. Naabutan ko sa kotse ko si Cassius na nakapwesto na sa driver's seat. Wala na akong choice kundi ang umikot sa kotse para makaupo na ako sa passenger's seat.

"Saan tayo?" Tanong niya habang binubuhay ang makina ng kotse.

"Sa ladies mall muna. I'll buy her a present." Bago ako lumabas para bumili ng regalo ay nareceive ko na ang message ni Jia. Well, malapit nga lang ang bar na iyon mula sa opisina namin. Siguro ay dumiretso na sila roon nang lumabas sila pero masyado pa namang maaga para uminom.

"Just wait me here but don't expect that I'll be quick. You can go first---"

"I'll stay here so go now."

Pagkapasok ko sa ladies mall ay dumiretso agad ako sa shoe section. Napansin ko kasi na hindi siya nagpapalit ng sapatos. Iisang pumps lang ang ginagamit niya sa loob ng tatlong taon and I think, as a good employee she deserve a new stiletto.

Pagkatapos kong ilagay ang kahon ng stiletto sa cart ay pumunta naman ako jewelry section. I pick a ruby necklace for her. Maputi siya kaya sigurado akong babagay iyon sa kanya.

Sunod na pinuntahan ko amg section ng stuff toys dahil napansin ko noong bumisita ako sa kanya na mahilig siya sa ganoon. I bought a large teddy bear and another three teddy bears in medium size.

Nang babayaran ko na ang mga iyon ay ipinabalot ko na rin sila sa gift wrappers para hindi ko na gagawin iyon. Magbibigay na lang ako ng extra fee sa babaeng nasa counter. Napatingin ako sa kanya nang tumikhim ito at saka ngumiti. Galing ang tingin niya sa likuran ko kaya napatingin din ako roon.

"Why are you here? I thought you're going to wait me there?" Napapairap na tanong ko kay Cassius. Talagang basta-basta na lang siyang sumusulpot.

"Boredom hit me." Kibit balikat niya kaya nginiwian ko na lang siya.

"Ma'am, kuya niyo po?" Napabaling ako sa babaeng nasa counter nang magtanong siya. Nakatingin pa rin siya sa likuran ko kaya sigurado akong siya ang pinapatungkulan nito. Kuya ko? Seriously? I heard him chuckled that made the girl blush.

"I'm not her older brother nor her cousin. I'm her fianceè, Miss." Nginisian niya pa ang babae. Bahagya pang natulala ang babae bago muling nagsalita.

Cassius Vlad: The Vampire (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon