CVTV 39

483 26 0
                                    

May kakaibang kabog sa aking dibdib nang dumapo ang tingin ko sa matanda. Pamilyar na siya sa akin sapagkat una ko siyang nakita sa labas ng airport.

Kuba na siya. Ang isang mata ay purong puti. At ang kanyang matang iyon ay alam kong hindi makapagsisinunangaling.

Tumitig ito sa akin at saka mayamaya ay bumuntong hininga.

"Huli ko nang napag-alaman na ikaw ang Dyosa ng buwan. Lena, tama ba?" Ang mababaw niyang boses ay isa pang patunay ng kanyang katandaan.

"Tama pero...bakit? Paanong...kilala niyo ako?" Naririnig ko ang tinig sa loob ng kanyang isip kaya sigurado akong hindi siya nagmula sa Nyx. Sa kunot kong noo ay alam kong halata na sa akin ang pagkalito.

"Apo ako ng isang mangkukulam," ngumiti siya sa akin. Nilapitan ko siya at tumabi sa kanyang upuan.

"Nang malaman kong ikaw ang moon Goddess ay agad kitang hinanap muli." Binigyan niya ako ng malamyos na ngiti at tingin na siyang pumawi sa aking kaba.

"Bakit? May kailangan ka sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Nararamdaman ko sa kanya na hindi niya ako sasaktan. Alam kong malinis ang puso niya at ang pagtulong lamang sa aking kondisyon ang tanging nais niyang gawin at tatanggapin ko iyon.

"Wala akong masamang motibo sa'yo ngunit may isang tanong lamang ako." Aniya. I can't fully understand the pity on her eyes. Yes, she saw me crying in her foresight but foresight is not always right.

Minsan, sa 'di inaasahang pagkakataon at panahon ay nababago natin ang mga mangyayari pa lang.

"Nais mo bang makalaya sa iyong sumpa?" My heart stopped breathing at that question. My curse. For thousands of years, I am jailed because of this curse.

Tila kinakapos ako ng hininga. Posible ba talaga na may kasagutan ang aking sumpa? Posible pa rin kaya na makalaya ako?

"May paraan para makalaya ako?" Puno ng pag-asa kong tanong sa matandang babae.

Matagal ko nang hinihiling ang kasagutan sa aking sumpa. Matagal ko nang gustong malaman ang paraan para muling makalaya ako. Para mabalikan ko ang pamilya ko. My Mom and my Dad that I want to hug the most. I want to see them again. I missed them so bad.

"May alam akong paraan, hija ngunit lubha itong mapanganib. Natatakot akong baka maipahamak pa kita." Umiling ako.

"Gusto ko pong subukan," lahat susubukan ko para lang makapiling ulit ang naiwan kong pamilya.

I will do it for my family, myself and for Cas. I want to be freed again.

"Sana ay huwag mong pilitin ang iyong sarili. Ang maliit na sugat na maidudulot nito ay maaaring ikawala ng buhay mo." Iniabot niya sa akin ang isang kahon.

It seems a jewelry box. Kumikinang ito dahil yari ito sa purong ginto. Nang aksidenteng malapatan ng aking daliri ang dyamanteng nasa tuktok ng kahon ay kusa iyong bumukas.

Bumungad sa akin ang isang eleganteng patalim. Tulad ng pinaglalagyan nitong kahon ay halatang gawa rin iyon sa purong ginto. May bilog na dyamante sa gitna ng hawakan nito. Sa talim naman nito ay may nakaukit na pangalan: EIRA

Pamilyar sa akin ang pangalan na iyon ngunit hindi ko maalala kung saan ko iyon narinig.

"Hindi mo pwedeng basta-bastang gamitin ang patalim. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang sugat na dapat maiwan nito sa iyo, masyadong mapanganib dahil ang patalim na ito ay kaya kang patayin sa pamamagitan ng maliit na sugat lamang."

"Wala ka namang kasalanan ngunit sa'yo nabaling ang galit niya. Hindi mo rin pwedeng basta-basta itarak ang patalim sa iyong sarili. Kailangan ay ang pinaka-pinagkakatiwalaan mo ang magtatarak nito sa'yo."

Cassius Vlad: The Vampire (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon