Chapter Fourteen

1.3K 61 18
                                    

"Ligawan sya!? Yun ang plano mo?" Napatayo si Reiji sa pagkabigla. 

Kasalukuyan pading nasa park ang dalawa para pag-usapan ang sinasabing plano ni Dian. At halata namang hindi sang-ayon si Reiji matapos 'tong marinig. 

"Umupo ka nga muna!" Pwersahang hinatak ni Dian si Reiji paupo sa bench. "Pwede ba, patapusin mo muna ako." 

"Bakit pa?" 

"Makinig ka muna ok? Liligawan mo si Chloe hindi para maging girlfriend. Liligawan mo lang sya para makuha mo yung loob nya. Para magkaayos kayo!" 

"Ah~ hindi mo naman kasi nilinaw agad eh." 

"Anong hindi!" Bigla nyang binatukan si Reiji. "Ikaw kaya 'tong agad agad nagrereact dyan. Tss." 

"Aray." Hinihimas himas ni Reiji ang ulo. "Eh teka nga. Paano ko ba gagawin yun? May plano ka na ba?" 

"Syempre naman! Ako pa. Haha. Expert yata 'to."

"Expert expert." He mumbled. "Sige nga, anong plano ni Ms. Expert?" 

"Well, ganito kasi ang nasa isip ko. . . ."

1st day of Foundation Week 

"Yung mga decorations, nalagay mo na ba lahat? Eh yung mga fliers natin? Nako! We cannot screw this up!" 

Namromroblema and at the same time, nararattle si Chloe dahil sa dami ng kailangang asikasuhin. Maraming matitigas ang ulo na ayaw makinig sakanya. Ang iba naman, hindi parin nakakarating kahit 7am ang usapan nilang pagkikita-kita sa school. Ilang minuto nalang, magsisimula na ang opening of booths pero hindi padin natatapos ang pag-aayos sa Cake Shop nila. Para itong miniature ng isang tea house restaurant. May mga malilinis at maayos na tables, mga waitress na pare-pareho ang suot, at higit sa lahat, masasarap at freshly baked na cakes. 

"Nasaan na ba yung Jerome na yun? Bakit wala pa sya?" Naiinis na tanong ni Chloe sa sarili habang nakatingin sa relo. 

Maaga palang, haggard na ang itsura ni Chloe. Nakapuson ang buhok at tagaktak ng pawis ang mukha. Gusto nya mang magpahinga, hindi nya magawa dahil wala nang ibang mag-oorganize ng booth kundi sya. 

8am, bigla nalang ina-nnounce sa buong campus na mag-assemble ang lahat ng estudyante sa quadrangle para pakinggan ang speach ng principal. Sakto naman na tapos na ang lahat ng pag-aayos sa cake shop kaya hindi na gaanong namroblema pa si Chloe. 

"Now students, please enjoy this year's Foundation week. That would be all. Godbless everyone." Finally, tinapos na din ng principal ang kanyang speech.

The Perfect StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon