Chapter Thirteen

1.5K 69 9
                                    

"A-anong ginagawa nyo!? Bakit nandito sya?" Gulat na gulat na tanong ni Chloe kay Reiji habang nakaturo kay Dian. Bagamat mali ang hinala nya, marami paring tanong ang dapat mapunan ng sagot.

"Teka! Alam kong iniisip mo." mabilis na depensa ni Reiji, "Pumunta dito sya dito kasi... Er..." napatingin sya kay Dian para humingi ng tulong sa pagpapaliwanag but all she can offer was a shrug. She's as dumbfounded as he is, "Ano kasi... Nag uusap lang kami tungkol sa nangyari."

"Anong nangyari???" muling tumaas ang boses ni Chloe.

"S-sandali lang. Wag kang sumigaw." pilit pinipigil ni Reiji ang pagkataranta. But obviously, he's failing, "nagpunta dito si Dian to make peace. Nagawa lang daw nyang gamitin ang story ko dahil sayang naman kung walang makakabasa. She wasn't expecting na aabot pala sa ganito kaya huli na para i-pull out nya ang beautiful nightmare. Kaya eto, humihingi sya ng sorry personally."

"Smart." mahinang sabi ni Dian as she was half impressed on the excuse Reiji was able to made up so quick.

"G-ganun ba?" hindi parin sure si Chloe sa irereact but she must admit that it's kinda making sense. "Pero teka. Bakit sinabi ni Prima na Girlfriend mo ang kasama mo dito sa kwarto. 'Wag mong sabihing..."

"Nagbibiro lang sya!" Reiji exclaimed, "Kilala mo naman siguro si Prima diba."

"Well..." nagiisip pa si Chloe ng ipangtatapat sa sagot ni Reiji. But after a few seconds of thought, she gave it up. "Oo na oo na. OA na ako! Alam ko yan iniisip mo." this is her only saving grace.

Napabuntong hininga si Reiji. Akala nya katapusan nya na. Halata din naman kay Dian na wala na syang pangamba

Sandaling tumahimik ang kwarto bago ito basagin ni Dian.

"Pasensya ka na Chloe ha?" Said Dian, slightly bowing her head to show sincerity.

"S-sorry saan?" nabigla si Chloe at medyo namula.

"Hindi ko naman kasi alam na may magseselos pala kapag may nakasamang ibang babae 'tong si Reiji eh." Dian said.

"Ah!" napaatras si Chloe ng isa't kalahating hakbang. "H-hindi naman sa nagseselos ako! Er. .  May away lang kasi kami ni. . . Uhm. . ." napayuko sya, "kalimutan mo na nga lang." 

"Sorry din." Said Reiji.

"Hmm." Hindi naman nya magawang makatingin. "Oo na." 

"Yieee. Nagmumukha kang babae pag ganyan ka." Said Reiji. He reaches for her right cheek to pinch it a little.

"Wag mo nga akong asarin!" Tinabig bigla ni Chloe ang kamay ni Reiji. "Uuwi na ako. Tutal busy ka naman." Sabay lumakad na sya palabas ng kwarto. 

Nagtangka pang pigilin ni Reiji si Chloe sa pagalis pero nahuli na sya.

"I smell something fishy." Dian can't seem to hide her smile.

"Fishy ka dyan." Reiji shook his head as faces her. "Bestfriend ko lang sya. Yun na yun."

"Bestfriend LANG? Ouch. Friendzoned."

"Ewan ko sayo."

"Eh halata naman kasing may gusto sya sayo eh."

"Cinonfront ko na sya tungkol dun. At ang sabi nya, wala."

"At sa tingin mo talaga aamin sya sayong meron? Hahaha. Nagkagirlfriend ka na ba?"

"A-ano ba namang tanong yan?" He suddenly feel uneasy.

"Just as I knew. Inosente ka nga talaga. Hahaha."

"Hoy! Anong inosenteng sinasabi mo?" 

"Wala wala." She started packing up her stuff, then stood up after doing so. "Anyway, kailangan ko na ding umuwi. Hindi ako nagpaalam kay mama na aalis. She must be worried right now." 

The Perfect StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon