Chapter Three

1.5K 72 10
                                    

 "Ano pong name nila?" Dian asked as she signs the book. 

". . . . Reiji . . . ." 

"Sorry?" Napatingala si Dian sa kung sino ang nagpapapirma ng libro gawa nang hindi nya gaanong narinig ang pangalan neto. 

"Reiji Montiberde. Ang lalaking ninakawan mo ng story!" 

Nakasuot ng hoodie jacket at cap si Reiji na humarap kay Dian. Pumila sya ng pagkahaba-haba para lang makaharap ang babaeng tinuturo nyang nagnakaw ng story nya. 

"A-ano bang sinasabi mo dyan?" Tumulo ang pawis ni Dian sa kanang pisngi. 

"Hindi mo ba ako naaalala. . . . . bruhang magnanakaw!"

"*Gasp*" Biglang napatayo si Dian. 

"Oh Dian, napano ka?" Tanong ni Belle. 

"S-sino ka? Hindi kita kilala." She denies.  

"Wag ka nang magkunwari!" Reiji slammed the table with his palm. "Alam kong nakikilala mo ako!" 

"Guard~" Sigaw ni Dian. "Tulong! May nanggugulo dito." 

Mabilis naman napakaw ni Dian at Reiji ang atensyon ng mga tao. Litong lito naman si Belle at si Ace sa mga nangyayari. Maya maya pa, bigla nalang may dumating na dalawang guard na mukhang nakarinig sa tawag ni Dian. 

"Anong problema dito?" Maangas na tanong ng guard na akala mo kung sinong magaling. 

"Sya! Paalisin nyo sya dito!" Pagalit na sigaw ni Dian habang nakaturo kay Reiji. 

"Bakit? Wala naman akong ginagawa ah!" Katwiran nya. 

"Oo nga naman miss. Wala nga naman syang ginagawa." Sabat nung isa pang guard na mukhang nasabugan ng pla pla sa itim. 

"Basta! Alisin nyo sya dito. Nanggugulo sya!" Banas na sabi ni Dian. 

"Pare," hinawakan ni boy pla pla ang balikat ni Reiji, "umalis ka nalang para wala nang gulo.

"Ano 'to? Porke sikat sya, sya nanaman ang kakampihan nyo ganun?" Tanong ni Reiji.

"Hindi naman sa ganun pero lalaki naman tayo diba? Dapat nating respetuhin na ang gusto ng mga babae." Paliwanag nya. 

"Aish! Ang daya talaga." Padabog na lumakad paalis si Reiji. 

"Ano miss, ayos ba?" Sabay kumindat ang guard kay Dian.  

"Er. . . ha ha ha. Salamat po." She bowed. 

"Sino ba yun? Kilala mo ba sya?" Tanong ni Belle kay Dian.

"H-hindi. Hindi ko sya kilala." Dahan dahang bumalik sa pagkakaupo si Dian na tila malalim ang iniisip. 

Samantala. . .

"Bakit ba ganun? Ang unfair talaga ng lahat!"

Magkasamang nakaupo si Reiji at Chloe sa isang bench sa public park malapit lang sa eskwelahan nila. Hawak hawak ni Reiji ang nakaplastic na softdrink sa kanang kamay at isang stick ng squidball sa kaliwa. 

"Eh kung hindi ka ba naman kasi baliw, bakit mo tinotoo yung sinabi ko?" Tanong ni Chloe sabay dukot sa laman ng hawak hawak na v-cut.

The Perfect StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon