Makalipas ang dalawang linggo, pinoproblema padin ni Dian kung paano nya itutuloy ang Beautiful Nightmare. Naipost na nya kagabi ang huling bala nya na Chapter 24. Ibig sabihin, mamayang gabi nya dapat i-post ang katuloy netong Chapter 25. Pero hanggang ngayon, hindi nya padin ito nasisimulan dahil wala na syang mapagkokopyahan.
"Gra! Nakakainis naman kasi eh. Bakit tinapon tapon pa ni yaya yung manuscript!"
Dalawang linggo na ring sinisisi ni Dian ang yaya nila. Sa katunayan, natatakot na 'tong lumapit sakanya. Sa t'wing kakausapin kasi sya ng yaya, tinitingnan nya lang ito ng masama. Kulang nalang, pakiusapan nya ang mommy na tanggalin na 'to sa trabaho. Pero alam nyang walang maitutulong yun sa problema nya.
"That's it!" Kaharap ni Dian ang laptop. "Sisimulan ko na ang Chapter 25! Hindi naman necessary na kopyahin ko pa yung manuscript na yun eh. Ako ata ang queen of Wattpad! Walang makakatalo saakin! Kayang kaya kong tapusin ang Beautiful Nightmare nang walang tulong nung manuscript na yun! Bwahaha."
Nagtype lang si Dian ng story buong maghapon. At sa kabutihang palad, natapos nya din ito. Napahiga nalang si Dian sa kama at napabuntong hininga pagkatapos. Akala nya talaga katapusan nya na. Ngayon narealize nya na kaya nya naman palang ituloy ang story nya nang hindi kinokopya ang manuscript ng Dreamless Night.
Kinagabihan, excited na ipinost ni Dian ang Chapter 25. Sa katunayan, tinapos nya na din ang Chapter 26 at 27. At ang masasabi nya lang. . .
"So far so good! Hihi."
Ilang minuto lang matapos nyang maipost ang chapter 25, dinagsa na 'to agad ng sandamakmak nyang mga readers. At maya maya pa nga, may nagcomment na dito.
'Er? Bakit ganun? Parang ang gulo.' Comment ng isang reader.
Sinundan pa ang comment na yun ng isa pa, at gradually, dumami na sila.
'Hindi ko gusto yung mga nangyari sa chapter na 'to'
'Me too! Like, urgh!'
'Akala ko ako lang ang may ayaw dito. Marami din pala. :3'
"Worst chapter ever. :P'
Sari saring negative feedback ang nababasa ni Dian. Ni isa, wala man lang pumuri sa kaisa-isang chapter na sya ang may gawa. Hindi sya makapaniwala. Dahil dun, hindi na napigilan ni Dian ang galit kaya napacomment na sya nang di oras.
'Hoy! Kung ayaw nyo ang chapter na 'to, edi wag na kayong magbasa! Akala nyo kung sino kayong magagaling!'
Ilang minuto lang matapos nyang ipost ang comment nyang yun, mas dumami pa ang nareceive nyang feedback.
'Grabe. Ang sungit mo naman ate Dian. :('
'Psh. How rude.'
'Ikr. Hindi ko na nga babasahin 'to. Hmp!'
'What's up with your attitude?'

BINABASA MO ANG
The Perfect Story
HumorSi Reiji, isang obsessive amateur writer laban kay Dian, ang tinaguriang reyna ng wattpad.