"Humanda ka talaga saakin Reiji kapag nakadating ako dyan! Urgh~"
Gamit ang mga pinagbuhol-buhol na kumot at iba pang tela, nakabuo si Dian ng tali na nagsilbing daanan nya pababa ng kwarto. Nakatali ang dulo ng tela sa paa ng kama palabas sa bintana. It's a lot harder than she was expecting it to be. Kating kati na si Dian sa mga halaman at alikabok na sumasagabal sakanya sa pagbaba. Inabot na sya ng halos limang minuto sa pagbaba lang. Hindi pa dun kasama ang pagdadalawang isip nya kung maganda idea ba talagang gawin ito o hindi.
And just as when her feet reached the ground, she looks up to realize how high her room is from here down. Pinagpag nya ang damit bago kinuha ang dulo ng tela at ibinato pabalik sa bintana. Palakad na sana sya paalis nang bigla nyang marealize ang isang bagay.
"Teka. . . paano ako babalik neto?" Napalingon syang muli sa bukas nyang bintana. "Naku naman. Bakit ko ba pinasok yung tali? Paano ako babalik sa kwarto neto? Ang tanga tanga mo Dian." She's hitting her own head.
Pero imbis na problemahin pa ang pagbalik, minabuti na ni Dian na tumuloy sa paglalakad para maghanap ng masasakyan papunta sa pagkikitaan nila ni Reiji.
Huminto ang taxi na sinasakyan ni Dian sa harapan ng main gate ng school kung saan nya naabutang naghihintay si Reiji. Dali dali syang lumakad papalapit sakanya at sinalubong 'to ng malakas na pagbatok.
"Nakakainis ka Reiji!" Sigaw nya.
"Aray! Bakit ba??" Angal ni Reiji habang hinihimas ang ulo.
"Kasalanan mo 'to. Tingnan mo." She shows both her arm to him. "Puro pantal na ako oh. Nakakainis ka."
"Ha? Eh anong kinalaman ko dyan?"
"Ewan ko sayo! Bakit kasi pinapunta punta mo pa ako dito?" She crossed arms.
"Teka. Hindi ba ikaw ang nagvolunteer na sumama?" Napakamot sya ng ulo.
"Er. . . ." she had a sudden realization. "Oo nga pala." She murmur.
"Anyway, hanapin na natin si Chloe. Marami nang oras na nasayang."
"Right." She agreed.
Sinimulan ng dalawa ang paghahanap kay Chloe sa pag tatanong-tanong sa mga taong nadadaanan nila. Napadpad na sila kung saan saan pero ni isa, walang nakakapagbigay sa kanila ng clue. Dismayado na si Reiji. At nababahala si Dian dun.
"Reiji." Dian called. "Baka naman gusto mong lumapit na tayo sa mga pulis? Hindi naman natin sya mahahanap nang ganito eh."
"Di mo kasi ako naiintindihan eh." He sighed.
"Siguro nga hindi ako alam exactly yang nafifeel mo. Pero nag-alala din naman ako eh. Pati, mas makakabuting ireport nalang natin 'to. Don't you think that there's a much higher chance na mahanap sya ng mga pulis kesa saating dalawa lang?"
"Pero Dian. Hindi na ako mapakali. I need to see her now!"
"Look," she hold him by the left shoulder, "pag nireport natin 'to sa police station, panigurado bukas na bukas din, makikita mo na sya. Malakas naman ang kutob ko na safe sya eh. Kaya wag ka nang mag-alala ok?"
"Well. . ." he sighed again, "tama ka nga siguro. Mas maganda nang ganun." Finally, he's convinced.
"Good." She smiles. "Let's go."
BINABASA MO ANG
The Perfect Story
HumorSi Reiji, isang obsessive amateur writer laban kay Dian, ang tinaguriang reyna ng wattpad.