"Ang kapal ng mukha mooooo!" Sigaw ni Chloe sa telepono na halos bumasag sa eardrums ni Reiji. "Kung magkakagusto man ako sa isang tao, malabong ikaw yun! Ang kapal ng mukha! Amp!"
"Eh yun ang sabi saakin ni Prima eh." Napakamot si Reiji ng ulo.
"Naniwala ka naman! Eh alam mo naman yang kapatid mo, adik kakabasa ng love stories sa wattpad. Malamang yun ang iisipin nya!"
"Ganun ba yun?"
"Ano sa tingin mo? Bestfriend bestfriend tayo kunwari, tapos bigla may gusto pala ako sayo? Duh! Ano 'to? Adrian at Sam? Psh. Sa mga cliche na story lang nangyayari yun no!"
"Eh bakit kagalit mo? Nagtatanong lang naman ako ah."
"Eh kasi- urgh! Ang feeling mo talagaaaaa. Panget!" Binagsakan ni Chloe ng telepono si Reiji.
"Ano bang problema nun? Ang highblood nya pag dating saakin. Tsk." Napailing nalang si Reiji.
Matapos ang call, basta nalang ibinato ni Reiji ang cellphone sa kama. Pero wala pang ilang segundo, nagring nanaman 'to ulit. Nung una akala nya si Chloe ang tumatawag, pero nang abutin nya 'to, pangalan at number ni Dian ang nasa screen. He answered it anyway.
"Hel-"
"REIJI!!!!!!" Dian shouted from the other line.
"BAKIT?" He shouted back. "Uso bang sumigaw ngayon sa telepono ha? Ano bang problema mo?"
"WAAAAAA~" Rinig ang malakas na pagpadyak ni Dian sa kama sa background. "May problema! Di ko magets~"
"Magets? Ang alin?"
"Pumunta ka dito Reiji! Ngayon na! Please!" She begs.
"Akala ko ba once a week session lang tayo ha?"
"Pero emergency 'to! Pumunta ka nanaman oh."
"Hindi!" Tanggi nya. "Hindi ako pupunta dyan. Ikaw 'tong may kailangan. Kung gusto mo, ikaw ang pumunta dito."
"Sige! Ayos lang saakin. Taga saan ka ba?"
"Er? Seryoso? Pupunta ka talaga?"
"Kailangan ko talaga ng tulong mo Reiji! Nakikiusap ako~"
"Aish. Oo na oo na. Eto'ng address ko. . ."
Makalipas lang ang mahigit isang oras, nakarating na si Dian sa address na binigay ni Reiji sakanya. Nasa kwarto si Reiji habang naglalaptop nang kalabugin ng mama nya ang pinto.
"May naghahanap sayo sa labas." She said.
"Si Dian." He whispered as he jumped out of the bed.
Papalabas palang si Reiji nang abutan nya si Prima na nakasilip mula sa bintana ng sala.
"Kuya! Si Ate Dian yun ah!" Said Prima in the most surprised tone.
Hindi sumagot si Reiji. Tumuloy tuloy lang sya palabas ng bahay para pagbuksan ng gate si Dian.
"Ang bilis mo ah." Said Reiji while opening the gate.
"Kailangan ko na kasi talaga ng tulong mo eh." She replied. Her expression make it obvious that she's troubled.
"Ano ba kasi yung di mo nagets ha?"
"May ilang part lang na naguguluhan ako. Sa loob nalang natin pag-usapan."
Tumuloy ang dalawa sa loob ng bahay. Pagpasok na pagpasok, agad silang sinalubong ni Prima na mukhang hindi makapaniwala.
"Oh my. Ate Dian ikaw nga!" Halos mapatalon na si Prima sa tuwa. "Totoo pala yung sinasabi mo kuya na kilala mo si Ate Dian sa Personal."
![](https://img.wattpad.com/cover/29826224-288-k341789.jpg)
BINABASA MO ANG
The Perfect Story
HumorSi Reiji, isang obsessive amateur writer laban kay Dian, ang tinaguriang reyna ng wattpad.