Chapter One

3.8K 112 22
                                    

"This is it!"

Nakaayos ang buhok, suot ang bagong biling long sleeves, at halos nakaligo na sa pabango. Handang handa na si Reiji sa lakad nya ngayon.

Mataas ang sikat ng araw. Pero hindi yun alinta ni Reiji sa sobrang excite. Nakangiti syang naglalakad sa kalye nila with matching kaway kaway pa sa mga nadadaanang kapitbahay.

Hindi mo sya masisisi sa sobrang kasiyahan nya. Bakit? Hindi dahil sa may sira sya sa ulo o ano. Sadyang ito lang talaga ang pinakahihintay nyang araw sa buong buhay nya. . .



Evergreen Publishing Company HQ

"Good morning." Bati ni Reiji sa babaeng receptionist. "Nandyan na po ba si Mr. Arellano? May appointment po kasi ako sakanya ngayon."

"Anong pangalan nila?" The receptionist asked back.

"Ah! Reiji Montiberde po. Ako po yung nagpasa ng manuscript ng story ko last month." Nakangiti nyang sagot.

"Ah~ yung sa, ano ba yun? Wakpad."

"Wattpad po yun. WATTpad."

"Hahaha. Yun nga yun nga!" Paturo turo nyang sabi. "Sandali lang ha? Tatawagan ko lang muna si Mr. Arellano."

Kinuha ng receptionist ang telepono sa tabi at nagdial. Ilang segundo lang, sumagot na ang kabilang linya.

"Hello sir? Nandito na po yung client nyo. Si Mr. Montilibre."

"Montiberde." Reiji corrects.

"Este Montiberde po pala. . . Ok po sir. Sige po." She hanged up. "Pumunta nalang daw po kayo sa office nya. Sa 12th floor yun."

"Ok. Thanks."

Tulad ng ininstruct sakanya, sumakay si Reiji ng elevator papunta sa 12th floor at hinanap ang office ni Mr. Arellano. At sa isang corner, doon nya natagpuan ang isang glassdoor kung saan nakasulat sa isang plate ang pangalang, "Chief Editor: Mr. Fernando Arellano". 

"Eto na siguro yun." Sabi nya sa sarili sabay bukas sa pinto. 

Naabutan ni Reiji si Mr. Arellano na nakaupo sa table kaharap ang patong patong na mga papel habang mukhang busy sa ginagawa.

"Oh. Mr. Montiberde." Said Mr. Arellano without even looking. "Maupo ka muna." 

Umupo si Reiji sa upuan na kaharap ng table ni Mr. Arellano nang hindi nagsasalita. Mula pa kasi kanina, ngayon lang nakaramdam ng kaba si Reiji. 

"Hold on a second." Mabilis na tinapos ni Mr. Arellano ang ginagawa saka nya hinarap si Reiji. "So! Ano kasing kailangan nating pag-usapan?" 

"Y-yung pinasa ko pong story sainyo." 

"Ano kasing title uli nun?" Tanong nya sabay ayos sa salamin. 

"Dreamless Night po." Reiji gulped. 

"Ah! Right right. I remember." Agad hinanap ni Mr. Arellano ang manuscript sa magulong table. "Here it is!" 

"Yan nga po yun!" It is the same manuscript he remembers handing last month. "Tapos nyo na po bang basahin?" 

"Yes yes. Tapos ko na." He opens it in random pages. "But there's a really tiny problem about it." 

"A-ano naman po yun?" 

"Well, I'll be blunt with you Mr. Montiberde. But I find your story, you know, not very much interesting." 

"H-ha? Seryoso po kayo?" 

"Yeah. Medyo unrealistic kasi eh. Tsaka somehow, parang may kulang." Nilapag nya ang manuscript sa table. 

"Ano naman pong kulang sa story ko?" Malamyang tanong ni Reiji.

The Perfect StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon