Chapter Eleven

1.5K 70 11
                                    

Dahil sa nabalitaan, naisipan ni Reiji na bisitahin si Dian matapos ang klase. Hindi nya na 'to pinaalam kay Chloe dahil siguradong kokontra lang 'to. Maski kasi si Reiji, hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit parang nag-aalala sya kay Dian sa kabila ng ginawa sakanya neto. 

"Ano pong room si Dian Bernabe?" Tanong ni Reiji sa Nurse na nasa front desk. 

"Sino sila?" Tanong neto pabalik. 

"Reiji Montiberde po. Kaibigan nya." 

"Ah oh sige. Isulat mo nalang yung pangalan mo dito at kung anong oras ka papasok." Said the Nurse while handing him a log book. 

"Sige po. Thank you." 

Matapos pumirma ni Reiji, dumiretso na sya sa kwarto kung nasaan si Dian. Dahan dahan nyang binuksan ang pinto para hindi madistorbo si Dian sa pagtulog. Pero hindi pa man sya nakakapasok, narinig nya na ang boses ni Dian na tila kinakausap ang sarili. 

"I'm so bad." Nakaupo si Dian sa kama, yakap yakap ang mga nakabaluktot na binti. "Wala na talaga. Wala na~ hu hu hu." Ipinatong ni Dian ang mukha sa tuhod na para bang umiiyak.

"Uhm. . . Ehem." Parinig ni Reiji na nakatayo padin sa doorway.

"Huh?" Napalingon bigla si Dian kay Reiji. Ilang segundo din silang nagkatitigan bago sya bumalik sa pagkakahiga at magtalukbong ng kumot. "Bakit ka nandito?" Pagalit nyang tanong. 

"Hindi mo sinabi, sinumpong ka nanaman pala ng sakit mo." Said Reiji as he walks towards her bed. 

"Wala ka nang pakealam dun." 

"Psh. Ang hina hina mo naman pala eh." 

"Hoy!" Inalis ni Dian ang pagkakatalukbong para harapin si Reiji. "Hindi ako mahi—" Napatigil si Dian nang hawakan ni Reiji ang leeg nya para icheck ang temperature nya. 

"Tsk tsk." Napailing si Reiji. "Nilalagnat ka padin." 

"Uh. . ." Nakatitig lang sya kay Reiji at hindi makapagsalita. 

"Kahapon pa yang lagnat mo no? Pero nakuha mo pading makipagkita saakin kagabi. Ayos ka talaga." 

"Er. . . Ano kasi. . ." Inalis nya ang tingin kay Reiji. 

"Bawal kang mastress diba? Pero ang tigas padin ng ulo mo." 

"S-sorry naman daw." She muttered. 

Binuksan ni Reiji ang backpack nya at inilabas mula dito ang nakapaper bag na mansanas sabay iniabot ito kay Dian. 

"Oh. Kainin mo." Said Reiji. 

"T-thanks." Kinuha ni Dian ang mansanas gamit ang dalawang kamay. 

"Dinalaw kita kasi nakokonsensya ako. Iniwan kita sa park sa gitna ng gabi, not knowing na nilalagnat ka nanaman pala." 

"Mm. Di mo naman na kailangang pumunta pa eh." Bulong nya. 

"Para ka kasing sira. Alam mong nilalagnat ka, tapos lalabas ka pa ng gabi. Buti nalang walang nangyaring mas masama pa. Di mo ba alam pwedeng kang ma-rape, o kaya kidnap-in?" 

"Hindi ko na naisip yun."

"Ano ba kasi yung gusto mong hingiing favor saakin at nakuha mo pa talagang i-risk ang buhay mo? Importante ba yan?" 

The Perfect StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon