Chapter Eight

1.2K 74 13
                                    

Evergreen Publishing Company HQ 

 

"Kailangan ko nang makausap si Mr. Arellano. Hindi pa ba pwede?" Atat na tanong ni Reiji sa babaeng receptionist. 

"Sinabi ko na sayo diba? Busy nga sya!" Sagot neto na halatang naiirita na. "Tsaka, wala naman syang appointment ngayon sa kahit sinong Wakpad writer eh." 

"Wattpad." He corrects. "Pero kailangan ko talaga syang makausap ngayon!" Pilit nya pa. 

"Ang kulit mo naman. Sinabi ngang hindi pwede eh!" 

"Aish!" Reiji slammed the front desk lightly. 

Mag-iisang oras na din nagpupumilit si Reiji na makapasok sa office ni Mr. Arellano. Pero kahit anong gawin nya, hindi padin sya makapasok. Bantay sarado ang elevator paakyat sa mga offices. Magagamit mo lang yun kung empleyado ka dito o kung bibigyan ka ng permiso. Sa kaso ni Reiji, wala sya sa dalawa. 

Pero ano nga bang pakay ni Reiji dito? 

"Good day sir." Bati ng guard kay Mr. Arellano na kalalabas lang elevator bitbit ang bag at mukhang papauwi na. 

Dali dali namang syang nilapitan ni Reiij. 

"Sir! Sir!" Said Reiji as he approached him. 

"Oh. Anong problema mo?" Napahinto si Mr. Arellano sa paglalakad at napahawak sa braso ni Reiji. 

"Sir!" Huminga muna ng malalim si Reiji. "Tungkol sa story ko!" 

"Diba pinag-usapan na natin yan nung nakaraan linggo? Sabi k—"

"No! Hindi 'to tungkol sa pagpublish ng story ko. Tungkol 'to sa pagkuha ng kopya ni Dian sa manuscript ko!" 

"Dian? Dian Bernabe?" 

"Sya nga! Ginaya nya ang story na pinasa ko sainyo last week. Alam ko may spare copy kayo ng manuscript ko at yun ang kinuha nya para kopyahin!" 

"A-ano bang sinasabi mo?" 

"Magnanakaw ang top writer nyo!" He shouted. 

"Magnanakaw? Hoy hoy," dinuro nya si Reiji sa mukha, "wag na wag mong masasabihang magnanakaw ang inaanak ko ha?" 

"Teka. Ninong ka ni Dian?" He asked. 

"Oo! At hindi ako makakapayag na sabihan mo sya ng ganung bagay. Nasaan ang pruweba mo?" 

"I see!" Tila may biglang narealize si Reiji. "Hindi ninakaw ni Dian sainyo ang manuscript ko. Binigay mo yun!!" 

"W-what?"

"Hahaha! I get it now! Siguro nagandahan ka talaga sa story ko pero nagkunwari ka lang na hindi. Para sa ganun, ibibigay mo yun kay Dian para ipost sa wattpad at sumikat, at saka mo yun ipapublish! Tama ako diba? Diba?"

"You're insane!" Napuno na si Mr. Arellano. "First, you're blaming Dian for stealing your story. Now you're pointing me out as her accomplice? There's no way na nanakawin ni Dian ang story mo at mas lalong hindi ko ipupublish ang basura na kagaya ng gawa mo! Sa totoo lang, hindi naman talaga pangit yung story mo eh. Kundi SOBRANG PANGIT! Ayaw lang kitang masaktan kaya hindi ko sinabi ang totoo! Ni hindi ko nga nakalahati yung gawa mo dahil sa sobrang pangit eh. Isang prinsesa na na-inlove sa isang dragon? Sinong magbabasa nun? Kahit bata mawawalan ng gana sa ganung klaseng plot eh!" 

"Prinsesa? D-dragon? Anong?" 

"That's it! Kapag hindi ka pa umalis, mapipilitan na talaga akong idemanda ka sa kasong Libel!" 

"Uh. . . t-teka lang po." 

"Leave!" 

Hindi na nakapalag pa si Reiij. Nagtatakang syang lumakad palabas ng building. Tila paulit ulit sa utak nya ang sinabi ni Mr. Arellano. 

"Prinsesa na na-inlove sa dragon? Wala namang ganun sa story ko ah." Napakamot sya ng ulo. "Paano nangyari yun?" 


Meanwhile. . . 

Busy si Dian kaharap ang laptop nya. Sa ngayon, hindi pagsusulat sa wattpad ang inaatupad nya kundi panunuod sa live streaming concert ng paborito nyang kpop group. 

"♫ Mr Chu~ ♪ La La La La ♫ Chu~ ♪" Sinasabayan ni Dian ang kanta with matching sayaw pa.

"Ma'am Dian?" Tawag ng yaya na nakasilip sa pinto ng kwarto. 

"Yes?" Sagot ni Dian nang hindi inaalis ang mata sa screen. 

"Dadaan na po mamaya yung Basurero sa bahay. Nasaan na po yung mga ipapatapon nyo?" 

"Dyan lang sa gilid ng aparador ko." Turo nya. "Pakikuha nalang yaya. Salamat." 

"Sige po." 

Pumasok ang yaya sa loob ng kwarto ni Dian para kunin ang isang box ng mga kalat at mga patong patong na papel. Binuhat nya 'to at nagsimulang lumakad paalis. Pero napahinto sya nang mapansing may naiwan pa pala sa kama. Not to mention, ang manuscript ng dreamless night. 

"Ah ma'am Dian, pati ba 'tong nasa kama nyo itatapon na din?" 

"Sige lang yaya. Kunin mo na lahat ng sa tingin mong kalat." Masyadong busy si Dian sa panunuod para magbigay ng buong atensyon. 

"Sige po ma'am." 

Tulad ng utos sakanya, kinuha nya lahat lahat ng sa tingin nyang kalat, kabilang na din ang manuscript. Samantalang si Dian, tuloy padin sa pagkanta at pagsayaw kasabay ng pinapanuod. 

Makalipas ang ilang oras, natapos na din ang concert. Napaunat si Dian bago maisipang ipagpatuloy ang naudlot na pagsusulat kanina. Pinagulong nya ang computer chair papalapit sa kama para kunin ang manuscript kung saan nya 'to iniwan. Pero nadatnan nyang wala na 'to dito. Tumayo si Dian at hinanap sa bawat sulok ng kwarto ang manuscript. Pero obviously, hindi sya nagtagumpay. 

Bumaba si Dian ng kwarto para tanungin ang mommy nya kung alam nya kung nasaan ang hinahanap. 

"Ma? Nakita mo ba yung manuscript sa bed ko? Yung nakafolder?" She asked. 

"Hindi man eh." Sagot ng mommy nya na busy sa pag-gamit ng ipad. 

"Pero nasa kama ko lang yun kanina ih." 

"Tanong mo si yaya kung alam nya. May mga dala syang basura nung lumabas sya sa kwarto mo. Baka naisama nya dun." 

"A-ano?" Dito na naalarma si Dian. 

Agad nyang pinuntahan ang yaya para tanungin ang tungkol dito. Ang sagot neto. . . 

"Naku po ma'am Dian naitapon ko na." Talsik laway netong sabi. "Ang sabi nyo po kasi saakin, kunin ko lahat ng sa tingin kong kalat eh. Kaya kinuha ko na rin po yung nasa kama." 

"Mukha bang kalat yun?" Napataas ang boses ni Dian. "Yaya naman ih." 

"Sorry po ma'am." Napayuko ang yaya. 

"iiiiiiih~" Hindi na mapigil si Dian sa pagwawala. 

Inis na bumalik si Dian sa kwarto nya. Pagbukas nya sa laptop, napansin nyang puno nanaman ang inbox ng wattpad account nya. Lahat sila naghahanap ng update ng Beatiful Nightmare. Ganun din sa comment section ng mismong story. Doon nya napansing pass 9pm na pala. Lagpas sa oras ng regular update nya sa Beautiful Nightmare. Kaya naman para matigil na ang pangungulit ng mga readers, agad nya nang pinost ang nakareserbang chapter. 

Kasalukuyang 9 chapters palang ang naipopost ni Dian in total. Hindi na gaanong nalalayo sa chapter 24 kung saan huli syang tumigil sa pagsusulat. At ngayon ngang nawawala na ang manuscript, hindi nya na alam kung paano nya pa 'to maitutuloy. Ang totoo kasi nyan, hindi pa nya mismo natatapos basahin ang buong story ng Dreamless Night. Nababasa nya lang 'to sa t'wing kinokopya nya story mula sa manuscript. Wala syang kaide-idea kung ano ang ending ng istorya. At ngayon, pinagsisisihan nya na yun. 


"Anong gagawin ko~" Ibinagsak ni Dian ang katawan sa kama as she helplessly cry over the lost manuscript.



  ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The Perfect StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon