"Himala. Ikaw ang nagpatawag saakin ngayon." Said Reiji.
"May kaylangan lang kasi tayong pag-usapan." Nakayukong sabi ni Dian.
"Ano naman yun?"
Kayasalukuyang nasa park si Reiji at Dian sa gitna ng gabi. Magkakalahating oras na silang nandito pero wala pading kaidi-idea si Reiji kung bakit sya pinapunta ni Dian.
"Magtititigan lang ba tayo dito?" Inip na tanong ni Reiji.
"Hindi. . . ano kasi. . ." Her gestures shows the feeling of unease.
"Sabihin mo na. Gusto ko na ring umuwi eh."
"Uhm. . ." Hindi alam ni Dian kung paano magsisimula.
"Bahala ka nga dyan. Aalis na ako." Nagsimula nang lumakad si Reiji paalis.
"Sandali!" Pigil ni Dian. "Sasabihin ko na!"
"Psh. Bakit kasi kailangan pang patagalin?"
"Pinapunta kita dito kasi. . ." she gulped, "gusto kong humingi ng favor sayo."
"What favor?"
"Bago ko sabihin kung ano yun, may aaminin muna ako sayo."
"Ano?" Sa tono ni Reiji, halatang hindi sya interesado. Sa totoo lang, matagal nang nawala.
"Uhm." Tumingin tingin si Dian sa paligid. "Nasa akin talaga yun manuscipt mo." Pabulong na sabi nya sabay nagpeace sign suot ang pekeng ngiti na akala mo hindi big deal ang nagawang kasalanan.
"Eh? Yun na yun?"
"Mm-mm." She nodded.
"Ha! Ayos ka rin ah." Napailing si Reiji. "Nakuha mo pang umamin ha? Sana hindi na. Mukha namang di obvious eh." He said sarcastically.
"Uh. . . Ha. Ha. Ha." Napakamot si Dian sa batok.
"Wag kang mag-alala. Sumuko na ako sa panghuhuli sayo. Wala na akong pakealam kung anong gusto mong gawin. Pero tanong ko lang, paano mo ba nakuha ang manuscript ko ha?"
"Er. . . about that." She paused for a few seconds. "Tutal naamin ko na rin naman sayo, ikwekwento ko na ang lahat." She cleared her throat first. "Well,,nakuha ko ang manuscript mo sa office ni Mr. Arellano. Madalas kasi ako dun since inaanak nya naman ako."
*Flashback*
"Ninong?" Tawag ni Dian habang nakasilip sa pinto ng office ni Mr. Arellano.
"O Dian, pasok ka." Aya nya habang busy sa ginagawa.
"Busy nanaman?" Tanong ni Dian sabay upo sa office couch.
"Oo eh. Kadadating lang kasi nung mga stocks ng bagong published books nila Mr. Sanchez at Ms. Tuazon. Kaya eto, ang daming dapat pirmahan."
Welcome sa kahit saang lugar dito sa Evergreen si Dian dahil una, ninong nya ang Chief Editor dito at pangalawa, sya ang top writer ng kumpanya. Kahit bata pa, higit na mas maraming sales ang mga obrang gawa nya kesa sa ibang beterano na dito. Kaya naman malaki ang respeto nila kay Dian. 17% of sales kasi ng buong Evergreen, sa mga gawa nya galing.
"Sya nga pala Dian," said Mr. Arellano, "may bago nanamang nagpasa ng manuscript saakin. Mukha naman syang confindent sa gawa nya. Pero hindi ko pa nababasa kasi masyado akong maraming ginagawa eh. Gusto mo bang i-check muna?"
BINABASA MO ANG
The Perfect Story
HumorSi Reiji, isang obsessive amateur writer laban kay Dian, ang tinaguriang reyna ng wattpad.