"H-hindi ako pwedeng magkamali. Ito yung story ko."
Hindi padin makapaniwala si Reiji habang nakatapat ang mukha sa screen ng laptop. Ilang ulit nya nang binasa ang buong chapter 1 at nakakasigurado syang ito nga ang nobela nyang Dreamless Night.
"Paano nya 'to nakuha? Sigurado akong story ko 'to. Iniba nya lang yung mga pangalan at ibang lugar pero kapareho kapareho ng plot nung saakin!"
Kahit na nakakaramdam ng inis si Reiji, mas nangingibabaw padin sakanya ang pagtataka. Pumunta si Reiji sa profile ni Dian at doon nya nakita ang status neto.
'Chapter 2 will be posted later at 9pm. Stay tuned guys! -Dian'
Halos malagas na ang mga buhok ni Reiji kakasabunot sa sarili dahil sa sobrang inis na nararamdaman. Gusto nyang magsumbong sa mama nya pero agad nyang narealize na wala namang maitutulong yun.
However, hinintay na muna ni Reiji na sumapit ang 9pm para mabasa ang 2nd chapter ng Beautiful Nightmare. Naisip nya din kasi na baka nagkataon lang na pareho sila ng simula.
At nung mapost nga ang chapter 2, dali dali nya 'tong binasa. Pero kakasimula nya palang. . .
"Walang hiya! Story ko nga 'to talaga!" Sigaw nya.
Hindi na nagdalawang isip si Reiji. Pumunta sya sa profile ni Dian para imessage sya mismo.
'Goodevening. Nabasa ko yung bago mong story na "Beautiful Nightmare". Gusto ko lang sanang sabihin na kaparehong kapareho yun ng story na ginawa ko. Tingnan mo sa profile ko kung ayaw mong maniwala.'
Sa ngayon, nakakapagtimpi pa si Reiji. Mahinahon pa ang message na sinend nya kay Dian. Pero matapos ang ilang oras na wala syang natatanggap na reply mula dito, hindi nya na napigil ang sarili.
'Hoy bruhang magnanakaw! Hindi ka nakakatuwa ah! Aminin mo, ninakaw mo ang story koooooo!!!'
Halos magkawasak wasak na ang keyboard ng laptop ni Reiji sa pagtatype nyang nagaapoy sa galit. Umuusok na din ang ilong at tenga nya. Masyadong mabigat ang pinagdadaanan ni Reiji para makuha nyang huminahon ng kahit isang minuto.
'How dare you!' Reply ni Dian
Nabigla si Reiji na nagreply sakanya si Dian. Ngayon alam nyo na kung paano magrereply sainyo ang isang sikat na author sa wattpad.
'How dare you din! Ninakaw mo ang story ko! Mahiya ka sa sarili mo!'
Alam ni Reiji na makakatanggap sya ng panibagong response maya maya lang. Pero hindi pala ito kagaya ng inaasahan nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/29826224-288-k341789.jpg)
BINABASA MO ANG
The Perfect Story
HumorSi Reiji, isang obsessive amateur writer laban kay Dian, ang tinaguriang reyna ng wattpad.