Chapter Six

1.2K 77 13
                                    

Hindi pa tapos makaligo si Reiji pero nakuha nya nang lumabas ng banyo. Nakatapis ng t'walya at may shampoo pa sa buhok, ganyan ang itsura nyang lumabas para silipin kung sino ang babaeng nagwawala sa harapan ng bahay nila.

"REIJI! LUMABAS KA DYAN" Sinasabayan pa ni Chloe ng pagkalabog sa gate ang nakakarindi nyang sigaw.

"Ano bang problema mo? Bakit ka nagwawala dyan?" Tanong ni Reiji habang binubuksan ang gate.

"May kailangan kang malaman!"

"Importante ba yan?"

"Sobra! Sobrang importante!"

"Sa sobrang importante ba, di ko na kailangang magbihis?"

"Er. . . Sige magbihis ka muna."

Naghintay muna sa sala si Chloe. Mahigit limang minuto din ang lumipas bago lumabas si Reiji nang nakabihis na.

"O, ano na yung sasabihin mo?" Tanong ni Reiji habang nagpupunas ng buhok gamit ang t'walya.

"Si Dian!"

"Oh bakit sya? Crush mo?"

"Hindi hindi!" She shook her head. "Ninakaw ni Dian ang story mo!"

"W-what? Ninakaw ni Dian ang story ko?" Ulit nya.

"Oo!" She nodded.

"Hahahahaha. Anong joke yan?"

"Hindi ako nagbibiro! Totoo, ninakaw ni Dian ang story mo?"

"Ah~ kuha ko na. Ginagaya mo ako! Ikaw naman ngayon ang nagsasabi nyan at ako ang di naniniwala! Hahaha. Nice try Chloe."

"Argh! Totoo nga. May pruweba ako oh!" Pinakita nya ang hawak ng flash drive. "Isalpak mo 'to sa laptop mo nang makita mong sinasabi ko."

Tulad nang sabi ni Chloe, kinuha ni Reiji ang laptop nya at sinaksak ang flash drive.

"Ayan! Yung folder na yan." Turo ni Chloe. "Dreamless night ang nakalagay oh. Diba yan yung story mo?"

"Oo nga." Binuksan nya ang folder.

"Oh ayan! Yan yung mga chapters. From 1 to 50! May prologue at epilogue pa!"

"Teka teka. Kanino bang flashdrive 'to?"

"Kay Dian nga! Pinahiram saakin nung kuya nya kanina."

"Eh? Baka naman sayo lang 'to. Pinagtritripan mo lang ako."

"Seryoso? Kulay pink?" She gave Reiji a what the hell look.

"Oo nga no."

"Ibig sabihin lang nyan, hindi nya sa manuscript nagawang kopyahin ang story mo kundi dyan sa soft copy na yan."

"Pero paano yun? Eh hindi ka naman pwedeng mag copy/paste sa wattpad eh."

"Aba hindi ko alam! Basta ang importante, may pruweba ka na na nanikaw nga nya ang story mo."

"Hmm. Paano naman kaya yun?"

Habang sinusuri ni Reiji ang mga text files, may napansin syang kakaiba.

"Chloe, tingnan mo 'to." Said Reiji.

"Alin?" Nilapit ni Chloe ang tingin sa screen ng laptop.

The Perfect StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon