Chapter Fifteen

1.3K 56 10
                                    



"Nagustuhan mo bang surpise ko sayo?" Said Jerome.

"S-surprise?" Ibinalik ni Chloe ang tingin kay Reiji. "Anong ibig sabihin neto?"

"Uh. . . H-hindi ko din alam." He looks confused as she is.

"Hey you!" Singit ni Dian habang nakaturo kay Jerome. "Sino ka? Why are you messing our plan up?"

"What do you mean?" Jerome ask back. "This is my plan. You're the one who's ruining it!"

"Aba! Ang yabang mo ah!" Pasugod na sana si Dian ng awatin sya ni Reiji.

"Sandali lang Dian." Said Reiji. "Wag kang makipag-away dito. Mahahalata tayo." Bulong nya.

"Eh panira 'tong lalaking 'to eh!" Katwiran ni Dian na pilit paring kumakawala sa pagkakahawak ni Reiji sa bewang nya.

"Ano ba talagang nangyayari Reiji? Pinagtitripan nyo ba ako?" Tanong ni Chloe. Medyo hindi na maganda ang tono ng boses nya.

"H-hindi Chloe, ano kasi. . . "gustong magpaliwanag ni Reiji pero maging sya, nalilito rin sa mga nangyayari.

"Bahala ka na nga dyan." Bigla nalang tumakbo paalis si Chloe.

"Chloe teka!" Pigil ni Reiji sabay habol.


Umabot ang dalawa sa paghahabulan hangang sa labas ng campus. Nang maabutan ni Reiji si Chloe, agad nya 'tong hinawakan sa balikat para iharap sakanya.


"Chloe ano ba? Bakit ka ba-" napatigil si Reiji nang makita ang mga naluluhang mata ni Chloe, "U-umiiyak ka ba?"

"Nakakainis ka Reiji!" Sigaw nya. "Bakit mo ba ako nililito ha?"

"Hindi kita nililito Chloe. Kahit ako nalilito rin sa mga nangyari. Hindi ko alam na may surprise din palang binabalak yung Jerome na yun sayo. Hindi kami magkasabwat maniwala ka!"

"Hindi naman yun ang tinutukoy ko Reiji eh." This is when her tears started to fall. "Bakit mo ako nililito? Yung feelings ko! Nalilito na ako kung gugustuhin ba kita o hindi! Ano ba talaga Reiji?"

"C-Chloe." Hindi alam ni Reiji ang sasabihin. Nakatitig lang sya sa mga lumuluhang mata ng bestfriend habang hawak hawak ang magkabilang braso neto.

"Bakit ba kasi hindi mo napapansin? Hindi ka naman manhid diba?"

"Eh kasi- akala ko. . ."

"Akala mo ano? Na hanggang bestfriend lang talaga tayo? Na porke na-busted kita noon, hindi na magbabago yun? Eh mga bata pa tayo nun eh. Hindi ko pa alam! Akala ko magiging masaya na tayo na magbestfriend lang. Pero iba padin pala. Lalo na kapag may nalalapit na babae sayo. Nakakaselos!"

"Si Dian ba ang tinutukoy mo? Wala namang namamagitan saamin ah."

"Kahit na Reiji. Di parin malabo na dadating yung araw na sya na ang laging mong kasama. . ." napayuko sya, "hindi na ako."

"Hindi mangyayari yun Chloe. Ikaw ang bestfriend ko diba?"

"Hindi mangyayari?" She fake her laugh. "Eh paano kung sabihin ko sayong nangyayari na?"


Biglang napatigil si Reiji. Doon nya narealize na tama nga si Chloe. Mas napapadalas na nga ang pagkikita nila ni Dian kesa ng sarili nyang bestfriend.


"O, tama ako diba?" Dugtong ni Chloe.

"P-pero, hindi naman ibig sabihin nun hindi na ikaw ang bestfriend ko. Diba?"

The Perfect StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon