". . . to help me with something." Said Dian.
"To help you with what?" Pabulong na tanong ni Reiji na halatang sya mismo, walang kaide-idea.
"Saan mo pa ba ako tinutulungan?" Masungit at pabulong rin na sagot ni Dian kasunod ng pasimpleng ngiti kay Chloe.
"Saan mo sya tinutulungan Reiji?" Sa wakas, si Chloe na din mismo ang nagtanong.
"Ah. . . Sa may ano. . ." napakamot si Reiji ng ulo. Hindi nya alam kung sasabihin nya ba ang totoo para makahinga ng maluwag, o gagawa ng lusot para pagtakpan si Dian.
"Screw up or I'll kill you." Bulong uli ni Dian.
Walang nakakaalam kung anong klaseng pressure ang nararamdaman ngayon ni Reiji. Kung pipiliin nyang ilantad ang pagtulong nya kay Dian para tapusin ang Beautiful Nightmare, t'yak mababatukan sya ni Chloe dahil sa pagkamartir at paniguradong lagot din naman sya kay Dian. On the other hand, konsensya nalang ang kalaban nya kung gagawa sya ng lusot para lang sa reputasyon ng babaeng kinaiinisan nya. Sa parehong choice, talo sya.
"Ah!" Reiji exclaimed. "Nagpapalakad kasi sya saakin."
"Nagpapalakad?" Sabay na tanong ni Dian at Chloe.
"Oo diba?" Hinirap ni Reiji si Dian.
"Eh?" Hindi alam ni Dian ang isasagot.
"Kanino naman? At bakit sayo pa?" Pangcorner na tanong ni Chloe.
Muling napatigil si Reiji dahil wala nanaman syang maisagot. Sa isip nya, para syang nakikipagdigmaan sa mga dragon na isang pagkakamali lang, buhay nya ang mawawala.
"Sayo!" Napalunok si Reiji. "May gusto sayo si Dian."
"Ano???" Muli, sabay na nagreact ang dalawa.
"Nagulat din ako nung una eh." Dugtong ni Reiji. "Akala ko nagbibiro lang sya. Pero kalaunan, narealize ko din na ang tunay na dahilan pala ng pakikipaglapit nya saakin eh para sayo talaga. Kaya nga tingnan mo oh, nagvolunteer pa syang samahan akong hanapin ka sa dis oras ng gabi. Yun ay para makapoints sya sayo. Hehe."
Alam ni Reiji na hindi maganda ang kinalabasan ng istorya nya. Narealize nya lang yun matapos nyang masabi ang lahat lahat. Pulang pula naman ang parehong mukha ni Dian at Chloe dahil sa mga pinagsasasabi ni Reiji. Eto na siguro ang pinaka awkward na pangyayari sa buhay nilang dalawa. Kaya naman hindi masisisi ni Reiji ang dalawa kung bakit bigla nalang syang nasapak sa magkabilang mata.
Umuwi ng bahay si Reiji na animo'y nadapa sa pagitan ng dalawang lata ng sardinas. Higit pa sa parusa ng pag-amin ni Reiji ng totoo ang dinanas nya ngayon. Malinaw na mali ang nagawa nyang hakbang kaya natalo sya sa pakikipagdigmaan sa dalawang dragon.
"Kuya, may away ba sa labas?" Salubong na tanong ni Prima sa kuya habang nakaalis ang kaliwang earbud sa tenga.
"Wag ka nang magtanong matulog ka nalang." Dirediretso lang si Reiji papasok sa kwarto.
Matapos nyang ihagis ang bag sa kama, agad agad syang humarap sa salamin para suriin ang mata.
"Anak ng— para akong naboxing ah." Pailing iling na bulong nya. "Haay! Ang malas ko nga naman sa dalawang babaeng yun."
BINABASA MO ANG
The Perfect Story
ComédieSi Reiji, isang obsessive amateur writer laban kay Dian, ang tinaguriang reyna ng wattpad.