Chapter Eighteen

963 38 21
                                    



Tunaw na ang yelo sa baso ng orange juice ni Dian pero hindi nya parin 'to nababawasan. Matindi ang pagkakafocus nya pagsusulat. Para syang ninja kung pindutin ang keyboard ng laptop sa sobrang bilis ng mga daliri. Hindi na nga rin halos masundan ng mga mata ni Reiji ang sinusulat ni Dian dahil wala na 'tong tigil mula pa kanina. 

"Dian, Relax. May bukas pa." Mahinahon na sabi ni Reiji habang nasa likuran ni Dian.

"Hindi! Wala nang oras!" Seryosong sagot nya.

"Bakit ka ba kasi nagmamadali? Kailangan ba talaga ng deadline?" 

"Oo." She nods. "Kailangan matapos na 'to agad agad." 

"Teka nga." Hinawakan ni Reiji ang balikat ni Dian para iharap sakanya. 

"What?"

"Anong nangyari sa mukha mo?" Maiging pinagmamasdan ni Reiji ang mukha ni Dian. 

"B-bakit? May dumi ba?" 

"Hindi." Umiling si Reiji. "Sabihin mo nga saakin, kailan ka huling natulog?" 

"Ha?" 

"Mukhang pagod na pagod ka ah. Nakatulog ka ba kagabi?" 

"Tch!" Inalis ni Dian ang pagkakahawak ni Reiji sa balikat at muling humarap sa laptop. "Wag mo na nga muna akong kausapin kung wala rin namang kwenta ang itatanong mo." 

"Anong walang kwenta? Mula kagabi, wala akong natanggap na text galing sayo," dugtong ni Reiji, "Saan ka ba galing ha?" 

"D'yan lang." 

"Saan yung dyan lang? May ayaw ka bang sabihin saakin?" 

"Ano naman ang ayaw kong sabihin ko sayo?" Medyo pagalit na tanong ni Dian pabalik. 

"Ang init ng ulo mo. Wala ka pa ngang tulog. Para kang bangag." 

"Pwede ba Reiji? Shut up ka nalang." 

"Aba! Nag-aalala lang naman ako sayo ah. Tulad nyan, wala ka pang tulog mula kahapon. Tapos hindi ka pa nagtext saakin para sabihin man lang na nakauwi ka na. Ngayon, parang may tinatago ka pa." 

"Waaaah! Wala nga." Ginulo gulo ni Dian ang buhok sabay humiga sa sahig. 

"Alam mo, matulog ka na. Ako na munang bahala dyan." 

"Talaga?" Tumigil sa pagtantrums si Dian.  

"Oo. Pumasok ka na muna sa kwarto mo." Pumwesto si Reiji sa tabi ni Dian at hinarap sakanya ang laptop.

"Sure ka ba?" Tanong ulit ni Dian matapos bumalik sa pagkakaupo. 

"Oo nga." Nagsisimula nang magtype si Reiji. 

"Awww." Napangiti si Dian. 

"Awww ka dyan. Napano ka?"

"Ang sweet nya oh." 

"Anong sweet dun? Matulog ka na nga." 

"Ayoko. Dito lang ako. Panunuorin kita." Dumusog pa ng konti si Dian palapit kay Reiji. 

"Hindi ako makakapagfocus nang nandito ka. Mas gusto kong mag-isa ko lang." 

"Eh paano ko malalaman kung mali mali na pala yang isinusulat mo? Baka nakakalimutan mo, we're both in this together. Hindi pwedeng isang utak lang ang gumagawa." 

"Oo na oo na. Basta wag ka nalang maingay." 

"Have it your way." 

At tulad nang gusto ni Reiji, tumahimik lang si Dian habang nanunuod. Walang correction, walang violent reaction, o kung ano pa man. Nakakapagtaka pero mas gusto na yun ni Reiji. 

The Perfect StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon