"Ang galing mo!" Puri ni Reiji. "Number nga talaga yun ni Dian! Haha."
"Syempre naman. Ako pa! Expert ata ako pag dating sa ganyan." Yabang ni Chloe na nakaupo sa computer chair at nagpapaikot ikot.
"Pero paano mo nakuha yung number nya?" Tumayo si Reiji mula sa kama at hinarap si Chloe.
"Secret~ Hahaha."
"Ang daya naman. Paano nga?" Pilit nya.
"Kaibigan kasi ni kuya ko yung kuya ni Dian. Kaya yun! Haha."
"Huh? Si kuya Marco?"
"Oo sya nga. Pinapakuha ko sakanya number ni Dian. Eh nasakto naman na nasa bahay namin yung kuya nya. Naglalaro sila ng Dota."
"Ah. . . kaya pala kilala mo si Dian." Napatango si Reiji.
"Yup!" Umikot pa ng isang beses si Chloe. "Teka nga Reij. Paano mo ba napatunayang ninakaw nga ni Dian ang story mo? Anong ebidensya mo laban sakanya?"
"Haha. Good question." Muling umupo si Reiji sa kama. "Itinapon ko kasi yung manuscript ng Dreamless night nung hindi 'to tanggapin ng Evergreen. And that same night, pinost ni Dian ang first chapter ng Beautiful nightmare. Kaya naman kanina lang, matapos mo akong bigyang ng idea, naisipan kong dumaan sa lugar kung saan ko tinapon yung manuscript ng story ko. At nung tingnan ko yung basurahan, wala na yun dun."
"At sa tingin mo si Dian ang kumuha nun? Ano sya basurera? Pakalat kalat sa daan para mag hanap ng mga inabandunang manuscript?" She's not convinced.
"Malalaman din natin yun bukas."
"Ha? Paano naman?"
"Nagtext na ako sakanya. Ang sabi ko, magkita kami bukas dun mismo sa lugar na yun."
"Eh anong reply nya?"
"Wala pa nga eh. Hinihintay ko palang."
"Psh. As if naman na mapapapayag mo ang isang sikat na tulad nya."
"Nasa sakanya na yun. Kapag di sya pumunta, mas lalo nya lang pinatunayan na ninakaw nga talaga nya ang story ko."
"Edi wow! Ikaw na kase."
"Hahaha. Humanda ka saakin Dian. Pababagsakin ko ang career mo. Bwahahaha!"
"Tsk tsk." Napailing si Chloe. "Tama ba talaga na kinakampihan ko sya?" Tanong nya sa sarili.
Kinabukasan. . .
Maagang umalis si Reiji ng bahay para pumunta sa lugar na pagkikitaan nila ni Dian. At pag dating nya dun, nabigla sya na makita si Dian na naghihintay na sakanya. Biglang kinabahan si Reiji. Malakas lang ang loob nya sa mga ganitong bagay pag una pero lagi syang kinakabahan kapag last minute na.
Anyway, nilapitan ni Reiji si Dian. Doon nya napansin na medyo iba ang itsura neto ngayon. Matamlay ang mga mata at ubo ng ubo. Para syang may sakit.
"Ikaw ba yung tumawag saakin kagabi?" Malamyang tanong ni Dian.
"Ah! Oo oo. Ako nga!" Tarantang sagot ni Reiji.
"Bakit mo ba kasi gusto makipagkita? *cough* at bakit dito pa sa harap ng basurahan? Baliw ka ba?"
"Ah! Ano kasi. . ." Hindi alam ni Reiji kung paano magsisimula.
BINABASA MO ANG
The Perfect Story
HumorSi Reiji, isang obsessive amateur writer laban kay Dian, ang tinaguriang reyna ng wattpad.