Chapter Seven

1.3K 67 4
                                    

"Aish. Huling huli na nga, nagdedeny pa!" Mas banas pa si Chloe kaysa kay Reiji. "Wala ba kayong suka manong?" Tanong nya sa nagtitinda ng barbeque. 

"Sandali lang po. Ginagawa pa eh." Sagot nito habang pinapaypayan ang mga iniihaw. 

"Normal lang siguro yun." Sagot naman ni Reiji sabay kagat sa hawak na stick ng isaw. "Masyado na sigurong lumaki ang ulo nya dahil sa kasikatan. Kaya kahit sariling kasinungalingan, hindi nya matanggap sa sarili nya." 

"Heh! Pakitang tao lang pala sya. Ang daming nagsasabing mabait sya. Pero tingnan mo. Katulad nya rin pala ang iba dyan."

"Miss. Eto na yung suka oh." Sinalin ni manong ang lamang suka ng malaking container sa mas maliit. 

"Ah. Salamat." Finally, naisaw-saw na ni Chloe ang biniling adidas. "Sya nga pala. May naisip ka na bang paraan para malaman mo kung saan nya nakuha yung manuscript mo?" Tanong nya kay Reiji.

"Wala padin eh." Umiling si Reiji. "Pero ang importante, malinaw na ngayon na nasa kamay nga nya ang manuscript ko. And that's all thanks to you. Kung hindi dahil sayo, I would never find it out myself." He smiled.

"Er. . ." Bigla nyang inalis ang tingin kay Reiji. "W-wala yun no. Friends tayo eh." Sabay tapik sya sa braso neto. 

"Haha. Bestfriends." Umakbay naman bigla si Reiji kay Chloe. 

"T-teka!" Kumawala sya sa pagkakaakbay ni Reiji. "Wag mo nga akong akbayan." 

"Bakit naman? Anong problema dun?" 

"Eh. . . Amoy suka ka! Baka mahawa ako sayo!" 

"Psh. Eh parehas lang tayong kumakain dito eh." 

"Kahit na! Amp." 

"Hahaha. Ang dami mong alam." 

Pagkauwi ni Reiji sakanila, naabutan nya ang kapatid nya na nakahiga sa sofa at busy sa paggamit ng cellphone. Nakabukas ang t.v pero hindi naman sya nanunuod kaya pinatay 'to ni Reiji. 

"Hoy Prima. Diba sinabi ko sayo papatayin mo 'tong T.V kapag di ka naman nanunuod?" Said Reiji. 

"Hahahaha." Hindi nakikinig si Prima sakanya. Busy padin 'to sa ginagawa. 

"Nakikinig ka ba saakin?" Lumapit si Reiji sa kapatid sabay inagaw ang cellphone.

"Ah kuya naman ih! Akin na yan!" 

"Nakabukas ang T.V eh hindi ka naman nanunuod. Ano ka mayaman?" 

"Ih kuya! Ibalik mo na saakin yan. Cellphone ko naman yan eh." 

"Ano ba kasing ginagawa mo?" Tiningnan ni Reiji ang Cellphone ng kapatid. "Wattpad? Nagbabasa ka neto?" 

"Akin na yan sabi eh!" Sinubukang agawin ni Prima ang cellphone. 

"Ano ba 'tong binabasa mo? Akala ko ba di ka nagwawattpad?" Tiningnan ni Reiji kung anong story ang binabasa ng kapatid. "Beautiful Nightmare? Binabasa mo 'to?" 

"Oo nga!" 

"Di mo ba alam na story ko 'to?" 

"Hindi sayo yan! Kay ate Dian yan no!" 

"Ninakaw nya lang 'to saakin. Masama yung babaeng yun!" 

"Ano ka? Ang bait bait kaya nya. Tsaka magaling pang writer hindi kagaya mo!" 

"Ah! Kilala mo ba sya? Nakita mo na ba sya sa personal?" 

"Hindi pa. Pero finafollow ko yung page nya sa Facebook." 

The Perfect StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon