Chapter Five

1.2K 69 4
                                    

"Kaya yun. Napatunayan kong hindi nga ninakaw ni Dian ang story." Reiji ended his story. 

"So basically, nagsayang ka lang ng pagod, oras, at kapal ng mukha?" Nakaupo si Chloe sa bintana ng classroom habang pinapasway-sway ang paa. 

"Ganun nga." Reiji nodded. 

Lumundag pababa si Chloe sabay binatukan si Reiji. 

"Nakakahiya ang ginawa mo. Namerwisyo ka pa ng tao." 

"Aray! Bakit ka ba nambabatok ha?" Hawak hawak ni Reiji ang likod ng ulo. 

"Bagay lang sayo yan. Para magising ka na sa pantasya mo. Psh." Kinuha ni Chloe ang bag na nakalapag sa arm chair. "Uuwi na ako." 

"Oy! May P.E pa tayo." He yelled. 

"I'll pass. Paki sabi nalang kay coach may ankle sprain ako." 

"Psh! Bahala ka sa buhay mo." 

Hindi nagbibiro si Chloe kapag sinabi nyang uuwi na sya. In the first place, hindi big deal sakanya ang pag aabsent. Wala syang pinangangalagaang matataas na grades at mas lalong wala syang balak. 

Dumiretso pauwi ng bahay si Chloe. Doon, nadatnan nya sa sala ang kuya na kasamang naglalaro ng dota ang kuya ni Dian.

Dire-diretso lang si Chloe papasok ng kwarto nya. Hindi dahil sa ayaw nyang makadistorbo kundi dahil ayaw nya sa bisita. Lalo na pag mga bisita ng kuya nya.

Maya maya pa, muling lumabas ng kwarto si Chloe para subukang hiramin ang laptop na gamit ng kuya. Hindi sila mayaman para magkaroon ng tig iisang laptop. Kung sino ang nauna sa trono, sakanya ito. Hindi na 'to magagamit ng iba unless magsawa na ang isa.

"Kuya." Tawag ni Chloe. "Ako naman dyan. Puro ka nalang laro. Wala namang katuturan."

"Heh. Ba't ikaw ba, anong gagawin mo?"

"Gagawa ako ng project." Hindi project. Assignment lang. At hindi yun aabutin ng limang minuto.

"Weh? Makikipag chat sa mga girlfriend mo?" Asar ng kuya though busy padin 'to sa paglalaro.

"Wala akong girlfriend ah!"

"Ay sorry sorry. Babae ka nga pala. Boyfriend dapat."

"Psh. Mas lalong wala. "

"Magcomputer ka nalang sa labas."

"Aish. Ang damot talaga."

Yun na talaga ang inaasahang mangyari ni Chloe. Isa sa isang milyon lang ang chance na mapasakamay nya ang laptop kapag nagsimula nang magdota ang kuya nya.

"Pahiramin mo nalang ako ng flash drive. Siguro naman meron ka na nun." Said Chloe.

"Wala." Tipid na sagot ni Marco.

"Ang damot mo naman!"

"Rex." Tawag ni Marco sa kaibigan. "Pahiramin mo nga ng flash drive 'to para tumigil na."

"Ah sige. Teka lang." Kinuha ni Rex ang bag ng laptop at inilabas ang kulay pink na flash drive sabay iniabot kay Chloe. "Eto oh."

"Salamat." Medyo natatawang lumapit si Chloe para kunin 'to.

"Wow pink. Ayos ah. Hahaha." Asar ni Marco.

"G*go. Di akin yan." Depensa ni Rex.

"Papalusot ka pa eh." Bara ni Marco. "Alam ko namang bakla ka talaga noon pa man. Haha."

"Di talaga akin yan. Hiniram ko lang yan. Tsk."

"Oo na oo na. Kunwari nalang nawiwila ako."

Habang patuloy silang nag aasaran, lumabas na ng bahay si Chloe at pumunta sa bayan para doon mag internet. As usual, doon sya sa paborito nyang internet shop kung saan mura at walang maiingay na kagaya ng kuya nya.

Dahil mabait na bata si Chloe, mas inuna nya munang mag check ng facebook kesa gawin ang assignment na dapat pakay nya. Kaya naman makalipas ang halos dalawang oras, ngayon palang sya magsisimula.

Matapos ang konting research at sandamak-mak na copy/paste, isinaksak nya na ang flash drive sa cpu para kunin ang file na ginawa nya. May printer sa bahay sila Chloe kaya di sya magsasayang ng pera para sa assignment na halos di nya naman pinaghirapan. Anyway, ililipat na nya sana ang file nya nang bigla syang may mapansing isang folder na nasa flash drive.

"Dreamless Night." Mahinang basa nya dito.

Binuksan nya ang folder at nakita ang mahigit 50 text files na laman neto. Sinubukan nyang buksan ang unang file na may file name na chapter 1. Sinunod nya ang chapter 2, then chapter 3, and so on.

"Teka. Ito yung sinasabi ni Reiji na story nya ah." Nagtatakang sabi ni Chloe sa sarili. "Hindi naman kaya—"

Doon, may biglang nagflash back sa isip nya.

~

"Rex. Pahiramin mo nga ng flash drive 'to para tumigil na."

"Ah sige. Teka lang." Kinuha ni Rex ang bag ng laptop at inilabas ang kulay pink na flash drive sabay iniabot kay Chloe. "Eto oh."

"Salamat."

"Wow pink. Ayos ah. Hahaha."

"G*go. Di akin yan."

"Papalusot ka pa eh. Alam ko namang bakla ka talaga noon pa man. Haha."

"Di talaga akin yan. Hiniram ko lang yan. Tsk."

~

"Ibig sabihin. . .  ang flash drive na 'to ay. . . ."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The Perfect StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon