1.

758 48 0
                                    

READ AT YOUR OWN RISK!!!
ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!
Dark romance🖤

(This story is TRAPPED SERIES#4)

RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa.

************

"Nasaan na ang mga kuya mo? Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagbabayad sa akin ng renta. Aba'y dalawang buwan na kayong hindi nakakapagbayad! Sabihin mo sa mga kapatid mo na kung hindi nila maibibigay sa akin ngayon ang kabuohang bayad ninyo ay mas mabuti pa na lumayas na kayo! Nanggagalaiting wika ni Aling Perena habang nakapamewang na nakaharap sa anim na batang babae.

Musmos man, naiintindihan ng paslit ang mga sinasabi ng matandang kaharap. Sa hirap ng kanilang buhay, maagang nahubog ang kaniyang utak sa ganitong sitwasyon. Wala siyang pagpipilian kung hindi ang makisabay sa agos— gaya ng kanyang mga kapatid na lalaki.

"Sige po, Aling Perena. Sasabihin ko kina kuya ang bayad," sagot ni Yuri sa maliit na tinig. Pinipigil niya ang pag-iyak. Hindi siya naiiyak dahil sa bulyaw at sigaw nito, naiiyak siya dahil mahapdi na ang kanyang sikmura dahil sa gutom. Dalawang araw na mula ng magkalaman ang kanyang sikmura. Ayon sa mga kuya niya, babalik ang mga ito na mayro'ng dalang pagkain para sa kanya, subalit hanggang ngayon ay wala pa rin ang mga ito.

Umungot si Yuri nang makaramdam ng sakit ng tiyan. Hindi na niya kaya pa ang hapdi ng kanyang sikmura dahil sa gutom.

Natatakam at napapalunok siya habang nakatingin sa mga taong kumakain sa isang karinderya rito sa pinakadulong kanto ng kanilang lugar. Walang tigil ang pagkalam ng kanyang sikmura dahil sa gutom.

"Hindi ba siya ang anak ng mag-asawang Dessa at Yolando? Iyong mag-asawa na nagpakamatay isang taon na ang nakararaan?" Wika ng isang customer na kumakain sa karinderya.

Nagsimulang magbulong-bulungan ang mga tao sa paligid ni Yuri. Bakas ang awa sa mga mukha ng mga tao habang nakatingin sa paslit.

Nang marinig nito ang pangalan ng magulang, nagsimula itong humikbi. "N-Nanay, T-tatay!" Tawag ni Yuri sa magulang at nagsimula na itong umatungal ng iyak.

Ang alam lamang ng bata ay bumili ng pagkain ang kanyang magulang. Ito ang sinabi sa kanya ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid. Subalit matagal na siyang naghihintay, hindi pa rin ito dumarating. Nasasabik at nangungulila na siya na makita ang mga ito.

Nakaramdam ng habag ang ilang mga kumakain kay Yuri. Bukod sa marumi ito at tadtad ng sugat ang maliit na katawan dahil sa kagat ng mga lamok, napakapayat rin nito na tila wala nang sustansiya sa katawan.

"Heto, kumain ka na muna." Inabutan siya ng matandang tindero ng karinderya. "Palagi kong sinasabi sa'yo na kung magugutom ka ay magpunta ka lamang rito para mabigyan kita ng pagkain. Tigilan mo na ang paghihintay sa talipapa dahil hindi na babalik sina Dessa at Yolando. Hindi ba sinabi 'yon ng mga kuya mo sa'yo?"

Hindi sumagot si Yuri. Natuon ang atensyon nito sa pagkain. Maski maiinit pa ito at magkapaso-paso ang kaniyang dila ay patuloy siya sa paglantak sa pagkaing hawak.

Napabuntong hininga na lang ang matanda habang awang-awa na nakatingin sa bata.

"Nasaan na ba ang dalawang kuya mo? Imbis na alagaan ka ay pinabayaan ka na simula nang mawala ang magulang ninyo. Huwag mong sabihin sa akin na sumama na naman sila kila Basilyo?" Pumalatak ang matandang tindero ng tumango si Yuri rito.

Umiling-iiling pa ito na tila hindi nagustuhan ang nalaman. "Matagal ko nang binalaan ang mga kuya mo na huwag sasama sa magkapatid na iyon pero ang titigas ng ulo nila. Simula ng mawala ang magulang ninyo ay siya namang pagbabago ng mga ugali nila, hindi na sila marunong makinig ngayon. Sayang at matatalino ang mga kapatid mo. Sana lang ay hindi sila malihis ng landas katulad nila Basilyo." Tukoy nito sa mga sikat na kawatan sa kanilang lugar.

TRAPPED IN HIS WRATH [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon