17.

136 5 0
                                    

[Yuri]

Puno ng luha ang mukha niya, wala siyang pakialam sa mga nagtatakang tingin sa kanya ng mga bisita. Ang mahalaga ay makita niya ang taong nais niyang makita.

Huminto ang mata niya sa lalaking nakatayo sa sulok, si Red. Nakatayo ito ng tuwid habang nakapamulsa ang kamay, at katulad ng dati ay nakatingin sa kanya ito nang malalim. Nanginginig ang katawan niya ngayon sa sobrang galit habang patuloy siya sa pagluha.

Galit na galit siya.

Nang makalapit siya rito ay agad niya itong sinampal, hindi lang isa, kundi apat na beses pa. "W-Walanghiya kayo! K-Kayo ng pamilya mo ang dahilan kung bakit naulila ako!"

Napasinghap ang ilang mga bisita na nakarinig. Rinig niya ang takot na bulung-bulongan ng mga 'to.

"Paano niya nagawang saktan si Red Gabrielle? Nababaliw na ba ang babaeng 'yan? Gusto ba niyang mabura sa mapa ng Pilipinas?" Hilakbot na wika ng isang bisita.

"Siguro ay hindi niya kilala kung sino ang kaharap niya kaya ganyan siya katapang!" Ani naman ng isa.

Pagak siyang natawa. Tama nga ang nabasa niya. Malupit ang pamilya nito. Patunay ang mga takot na nababakas niya sa boses ng mga bisita sa paligid.

Pinagsusuntok niya ito sa dibdib. "N-Napakasama niyo! Mamatay na kayo ng buong angkan mo! Hindi kayo tao, mga hay0p kayo!" Dinuro niya ito sa dibdib. "W-Wala kayong puso!"

Dumilim ang ekspresyon ng blankong mukha ni Red. Nag-iigtingan ang panga nito ngayon sa galit. "Walang puso? Gusto mo bang ipakita ko na sa'yo kung gaano ako kawalang puso sa isang gaya mo?"

Napaigik siya sa sakit ng hilahin siya nito sa braso. Ramdam niya ang pagbaon ng daliri nito sa laman niya. "B-Bitiwan mo ako!" Pilit na nagpumiglas siya subalit hindi siya makawala.

Pumagitna si Miguel para agawin ang atensyon ng mga bisita. Nagtagumpay naman ito dahil natuon ang atensyon ng lahat rito.

"B-Bitiwan mo sabi akong baliw ka!" Sigaw niya.

Kumindat si Miguel kaya napatili ang ilan sa mga kababaihan na bisita. "Good evening, ladies and gentlemen. Enjoy and fvck yourselves! Woaahhhh!"

Magkaibigan nga ito at si Red. Parehong mga baliw! Anong klaseng speech 'yan?!

"It's time to face hell, Yuri. Matagal na kitang hinihintay. Panahon na para samahan mo ako sa madilim kong mundo. Makikita at malalaman mo kung paano at ano ang ibig sabihin ng malupit at walanghiya." Malamig at nakakakilabot ang boses nito, nanuot hanggang sa kaibuturan ng laman niya ang nakakatakot na sinabi nito.

"Saklolo, tulungan niyo ako!" Malakas niyang sigaw, wala na siyang makita kundi kadiliman dahil narito na sila sa madilim na parte ng parking lot. Umaasa na mayro'ng tutulong sa kanya para makawala sa baliw na lalaking ito. "Tulong—hmmp!" Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang malaking kamay nito na nakatakip sa bibig niya.

Pinaikot nito ang matipunong braso sa bewang niya mula sa kanyang likuran. Diniin nito ang malaking kamay sa bibig niya dahilan para kapusin siya sa paghinga.

"Shhh," Bulong nito sa tenga niya, damang-dama niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa leeg niya. "No one would come to rescue you, sweety. Sinabi ko naman sa'yo di'ba? Wala kang magagawa sa oras na kunin na kita."

'Kunin? Ano ang ibig nitong sabihin?' Natigil siya sa pag iisip ng maramdaman ang pagtusok ng kung ano sa tagiliran niya.

"Sleep well for now, kitten." Iyong ang narinig niyang huling sinabi ni Res bago siya nawalan ng malay.

'Kuya Dolan, kailan po babalik sina nanay at tatay? Miss na miss ko na po sila." Lumuluhang tanong ng isang batang nakatingala sa isang lalaki na tinatawag nitong kuya.

TRAPPED IN HIS WRATH [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon