[Yuri]
Hindi naman siya ang gurdian nang matanda pero siya ang narito ngayon sa hospital habang nagbabantay rito. Parating palang kasi ang kaanak nito.
Tumingin siya sa matandang lalaki at dalawang matandang babae na humahangos na dumating. Nang makita nito ang matanda na binabantayan niya ay umiiyak na lumapit ang mga 'to bakas ang labis na pag aalala sa mga mukha.
"S-Salamat naman at l-ligtas ka, manoy." Ani ng matandang lalaki habang hawak ang kamay ng matanda. Pagkatapos mag iyakan ay saka lamang siya napansin ng tatlo.
"I-Ineng, salamat sa paglitas sa kapatid namin. Kung hindi dahil sa'yo ay baka nawala na ang kapatid namin."
"Naku, nagkakamali ho kayo. Si Re— I mean si Dr...." Ano nga ulit ang apelido ni Red? "Si Dr. Red ang nagligtas sa kanya at hindi ako. Iyon po siya, oh." Aniya sabay nguso sa binata na papalapit sa pwesto nila.
Panay ang pasasalamat ng tatlo kay Red. Napangiti siya— May nagawa din itong tama.
"Kuya, ang tigas nang ulo mo, sinabihan na kitang pumirmi sa bahay." Kausap ng matandang babae sa kapatid nito na animo'y gising ito. Nakikita niya kung papa'no inaalala at kung gaano kamahal ng mga ito ang kapatid na inatake.
Dahil hindi na siya kailangan dito ay lumabas na siya nang kwarto. Habang naglalakad ay humawak siya sa dibdib.
Kuya...
Bakit may kirot? Bakit nakakaramdam siya nang inggit? Bakit parang biglang gusto niyang maiyak?
Sumandal siya sa pader nang hallway at tumingala. Ayaw niyang umiyak— Hindi siya iiyak... Matibay siya at matatag kaya hindi siya masasaktan.
"Ineng!"
Umayos siya nang tayo ng marinig ang pagtawag sa kanya ng matandang lalaki. Isa ito sa kapatid no'ng pasyente na niligtas ni Red.
Nang makalapit ito sa kanya ay sinipat nito nang maigi ang kanyang mukha. "Ikaw nga, Yuri!"
Namilog ang mata niya. "Kilala niyo po ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ang matanda. "Magkalugar lang tayo noon, ineng. Sa tindahan ko ikaw kumakain sa tuwing nagugutom ka. Nakilala kita agad dahil hindi nagbago ang mukha mo, magkakamukha talaga kayong talo. Oh, siya! Ikamusta mo nalang ako sa kanila at ako ay tinatawag na ng mga kapatid ko." Paalam nito nang tawagin ng dalawang matandang kapatid.
Kilala siya nito kahit hindi naman niya sinabi rito ang pangalan niya— Kaya imposible na nagsisinungaling ito sa kanya.
Ang dami niyang gustong itanong sa matanda. Sino ang dalawang tinutukoy nito? Magulang niya ba? Magkalugar lang sila kaya sigurado na marami itong alam tungkol sa kanya— Tungkol sa pamilya niya.
Bumalik siya kinabukasan para makiusap sa matanda na sabihin sa kanya ang tungkol sa pamilya niya. Gano'n nalang ang panlulumo niya nang malaman na pumanaw na ang kapatid nito. Sinubukan niyang makiusap sa information desk para hingin ang pangalan at address ng matanda pero dahil sa policy ng hospital ay wala siyang nalaman.
Sayang...
Pero nakapagtataka naman. Wala pang bente-kwatro oras ay wala na ang mga 'to sa hospital? Ang bilis naman yatang naasikaso ng mga 'to ang paglabas.
"Dapat kasi hiningi mo na ang number ng matanda kahapon." Iiling-iling na pakli ni Virvin bago paandarin ang sasakyan. "That was once of a lifetime chance, Yuri. Hindi mo na dapat pinalagpas pa."
Hindi siya sumagot at sumandal nalang. Pumikit siya at pinigilan ang maiyak. Tama si Virvin. Bakit kasi hindi niya naisip ang bagay na 'yon.
Ang tanġa niya!
Hinawakan nito ang kamay niya at saka marahan na pinisil. "I'm sorry. Nanghihinayang lang ako dahil pinakawalan mo ang chance na malaman ang tungkol sa pamilya mo. Ayoko lang naman na makitang nangangapa ang girlfriend ko."
Napalabi siya, hanggang sa tuluyan na siyang napangiti. "Girlfriend, ha. Hindi pa nga kita sinasagot." Alam talaga nito kung paano siya papangitiin.
"Oh," Napapahiyang binitiwan nito ang kamay niya. Pero agad naman niya itong kinuha at siya na ang humawak dito. Ngiting-ngiti ang binata habang nakatutok ang mata sa daan.
"Thank you, ha. Kasi kahit na magulo at malabo ang tungkol sa family background ko mahal mo pa rin ako. Ang swerte ko sayo dahil tanggap mo ako."
"Mas swerte ako sa'yo, Yuri. Bihira lang ang katulad mong babae." Ganti nito. Saglit siya nitong nilingon. "Naiiba ka sa lahat, tandaan mo 'yan." Anito.
Bago ihatid sa condo ni Vera ay kumain muna sila sa labas. Do'n muna kasi sila tatambay magkakaibigan para magbonding.
"Shocks, Yuri! Ang bopols mo!" Kulang nalang ay ipukpok ni Pamela sa ulo niya ang hawak nitong kutsara.
"Eh malay ko ba na mawawala agad sila na parang bula do'n sa hospital." Ngumanga siya ng subuan siya ni Nikka ng ice cream.
"Teka, di'ba hospital ni Red 'yon?" Nagkatinginan sila sa sinabi ni Nikka.
"That's the answer to your problem, Yuri!" Binunggo ni Vera sa balikat si Nikka. "That's my girl!"
Mayabang na nagflipped pa nang buhok si Nikka na ikinatawa nila. Tama, si Red ang sagot. Bakit ba hindi niya naisip ang bagay na 'yon?
"Saan ka pupunta?"
"Kay Red." Sagot niya kay Nikka. "Mauna na ako mga yawa. Babush!" Aniya saka nagmamadaling umalis.
"I'm sorry, miss. Pero hindi namin pwedeng i-disclose kung nasaan si Dr. Gabrielle. Kung gusto niyo ay magpa-appointment nalang kayo."
Appointment? Eh samantalang ito basta-basta nalang sumusulpot sa harapan niya kahit na ayaw niya itong makita kahit walang appointment sa kanya. Tapos siya kailangan nang appointment? Ang unfair naman!
"Ah, gano'n ba. Sige salamat nalang." Aniya.
Isa nalang ang naiisip niyang paraan. Tumingala siya sa malaking hospital na nasa harapan. Isa, dalawa, tatlo— Yawaaahhh! Thirtieth floor!
Anong klaseng hospital ba 'to at napakadami namang palapag?! Baka bago niya mahanap ang office ni Red nito ay namatay na siya sa pagod.
"Kaya mo 'yan, Yuri. Sisiw lang sa'yo 'yan." Pagpapalakas niya ng loob sa sarili.
Muli siyang pumasok sa hospital at katulad ng plano niya ay inisa-isa niya ang bawat palapag para alamin kung saan ang office ni Red.
Talong palapag palang ang nasusuyod niya pero para na siyang malalagutan ng hininga sa pagod.
Natigilan siya nang makita ang isang pamilyar na lalaki. Katulad ni Red ay napakalaki ng katawan nito, tapos tadtad pa nang tattoo.
Asul ang kulay ng mata. Teka, kaibigan din 'to ng asawa ni Pamela, ah!
Mala-ninja na sinundan niya ito. Nakita niyang huminto ito sa paglalakad at may tinawagan sa cellphone.
"Alright, I will let her come to you." Ani pa ng lalaki sa kausap nito.
Nang sumakay ito ng elevator ay sumakay din siya. Mukhang hindi siya nito natatandaan, ni hindi nga siya nito tinapunan ng tingin.
Huminto sila sa pinakamataas na palapag. Nang lumabas ito ay sumunod siya rito. Gano'n nalang ang pagnganga niya nang bumalik ito sa elevator— Bago ito sumara ay nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito habang nakatingin sa likuran niya.
"Why are you here, sweety?" Boses ito ni Red! Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit na hininga nitong tumatama sa leeg niya. "Have you lost my kitten? Hmm?"